otso

650 23 0
                                    

AYUMI FURUKAWA (online)

Jaycel.

Jaycel Ann.

Jaycel Ann Delos Reyes.


Eh


Wala lang. Wala akong kausap e.

Ay.

Pampalipas oras lamang|


Punta ako ng unit mo.

Gago, wait magulo buhay ko|

Bakit?


a

yaw mo?

Pahinging rason lang naman.

Kung bakit nahuhulog ako sayo lalo|

Boring dito e. Nood tayo sa laptop mo.

Sige.
Rupok amp.|


Liligo lang ako, chat kita ulit.

11:09 am

On the way na ako.

Oks, dito ka ba kakain?


Libre mo ako?

Ikaw bisita diba, ako ang ilibre mo.


Kuripot mo!

Anung gusto mong kainin.


Ikaw, yieee.

Gago?
Hindi magandang biro iyon|


haha Ikaw na bahala, basta ayoko ng gulay.

Okay.

11:45 am

Hoy

Hoy

Jaycel Ann, sunduin mo ako rito sa baba.

Pumunta ka na lang dito.


Ayoko, titignan ako ng guard.

Ayaw pa kasi i-surrender yung i.d|

Okay, pababa na ako.

....

"

Iwan mo na kasi ID mo." Umiling naman ito.

"Ang hassle masyado." Hinayaan ko lang naman siya. Nagtataka naman ako nang kalabitin niya ako. Noong hindi ko pinansin ay mas lalo akong kinulit.

"Problema mo?"

"Buhat mo ako." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya dahil parang nabingi ako.

"Anu ka bata?"

"Baby mo." Mabilis ko siyang tinitigan. Ngumiti lang naman 'to. Napabuga ako sa hangin, nagugulat ako sa mga sinasabi niya. Gusto ko man na kiligin ay alam ko namang biro lang ang lahat para sa kanya.

"Dali na."

"Ayaw ko ang bigat mo!"

"Ikaw nga nagsasabing kawayan ako!" Hindi na ako nakagalaw pa noong sumampa siya sa likuran ko. Mabigat siya pero mas mabigat yung dibdib ko na gusto nang lumabas dahil sa sobrang kaba at saya.

'anu ba 'tong ginagawa mo, Ayumi?'

'anu ba 'tong ginagawa mo, Ayumi?'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I miss you." Bulong nito saka niyakap ako sa leeg. Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko bago magwala sa mga pinagsasabi ng babaeng ito.

'stop, Ayumi. I'm trying to move on.'

Kunyari ay hindi ko siya narinig at nagpatuloy ako sa pagbuhat sa kanya hanggang sa makarating sa unit ko.

~~~~~~~~~~~~~

"AAAAAAAAAAHHHHHH"

"OH SHT, AYAN NA YUNG MULTO!"

"AYAAAAN NAAAAA"

kulang yung salitang nabasag yung eardrums ko para sabihin kung anung trauma yung naranasan ko. Siya iyong pumili ng pelikula, siya iyong hindi matatakutin sa amin pero siya iyong sigaw ng sigaw.

"Ibon lang yun!" Reklamo ko sa kanya.

"May multo sa likod nun!" Sagot naman niya. Inirapan ko naman ito saka kinuha yung phone ko dahil nagtext si Vanie.

"Oy, Yumi!" Inagaw niya yung phone ko tapos itinabi.

"Movie time natin 'to, Jaycel. Ikaw at ako lang muna." Wala naman akong nagawa sa sinabi niya at pinagpatuloy yung panonood nung horror movie. Hindi ako nanonood nung dahil matatakutin ako pero dahil may kasama naman ako ay sumang-ayon ako tapos ganito.

"Ayan na yung multo!!" Sigaw niya ulit, nanigas naman ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko namalayang nakayakap na pala siya sa akin. She hugged me tightly noong nasa climax na noong movie.

"Uhm, Yumi?" Agaw ko sa atensyon niya, doon ay narealize niya naman yung posisyon namin. Nagmamadali itong humilaway habang ramdam ko naman yung pamumula ng pisngi ko.

"Kuha lang ako ng juice." Paalam ko at hindi na hinihintay yung sagot niya. Nagmamadali akong tumakbo sa CR at naghilamos.

'sht, anung kaharutan yun Jaycel Anne?!'

.........

YUMI 🤧

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon