singko

768 22 0
                                    

Sinubukan kong tawagan si Yumi pero unfortunately hindi compatible yung network namin at mahirap lang ako para magLoad pa. Nagmamadali akong pumasok sa loob dala-dala ang malakas na kabog ng puso ko. Putangina naman! Sinabi lang na namiss niya ako daig ko pa ang may daga sa dibdib. Pinapaasa ko na naman ang sarili ko, baka naman kasi Miss na kita as friend talaga ang kahulugan noon.

"Sino may pangtawag?" Tanong ko sa dalawa. Nagtataka silang tumingin sa akin.

"Bakit?" Sabay nilang sambit.

"Basta. Pahiram." Inabot naman nila yung phone nila, nagmamadali akong dinial yung number niya pero hindi na niya sinasagot.

"Sht! Yumi please. Sabihin mo na miss mo ako as friend para hindi umaasa ng ganito ang puso ko." Mahinang bulong ko.
Ilang dial pa ang ginawa ko pero hindi na niya sinagot. Napailing na lang ako at bumalik sa loob.

"Ayiee-Aray!" Sigaw ni Vanie nung batukan siya ni Erika. Sinamaan niya ito ng tingin at pinandilatan.

"Salamat." Sambit ko saka ibinalik ung phone nila.

"Anung nangyari sa kanya?" Erika asked.

"Lasing." Simpleng sagot ko na ikinagulat ng dalawa. Hindi nga kasi nag-iinom si Yumi dahil hindi niya gusto ang lasa at amoy.

"Bakit raw?" Nagkibit balikat lang ako. Ayaw ko naman na sabihin na 'dahil miss na niya ako.' bukod sa aasarin lang ako ng dalawa ay baka isipin pa nila na kathang isip ko lang yun at ako talaga ang lasing.

"Mag-aral na tayo. Ligtas naman siya sa dorm niya." Napatango naman sila at Sumang-ayon, bumalik kami sa pag-aaral pero nababagabag pa rin ang isip ko.

~~~~~~~~

"oy." Nakangusong sambit ni Vanie. Tumalikod ako at pinasak ko yung earphones ko sa tainga tapos nakinig nung recorded voice ni sir habang nagbabasa ng notes. Pumasok kami ng maaga at kasalukuyang nasa bakanteng room para mag-aral. After lunch pa yung klase namin kaya marami pa kaming panahon para mag-aral muli.

"Hindi namamansin e." Sagot nito kay Erika. Naramdaman ko naman yung pagkalabit nung dalawa. Ipinagsawalang bahala ko naman iyon at nagpatuloy. Kailangan ko na mag-aral, nawala kasi yung focus ko kagabi pagkatapos ng mga narinig ko. Kulang pa nga ata ako sa tulog dahil paulit-ulit lang na nag-play yung mga sinabi niya sa isip ko. Tangina, napakarupok naman kasi ng puso ko. Ang sabi ko hindi ko i-entertain 'tong nararamdaman ko sa kanya tapos simpleng mga salita lang gusto ko na bumigay at mas lalong mahulog. Very wrong!

"Delos Reyes." Napailing naman ako saka tinanggal yung earphones ko. Naiinis kong hinarap yung dalawa.

"Ang kulit niyo! Anu ba nag-aaral nga ak- Yumi." Nanlalaking mata kong sambit sa babaeng nasa harapan ko. Nilingon ko yung dalawa sa gilid at iyon pala ang dahilan kung bakit nila ako kinakalabit.

'sht. Putangina kalma lang.'

I act naturally sa harap niya na parang hindi ako nagGay panic sa sinabi niya kagabi o parang ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan. Kasama niya ngayon si Sam at Kiara na bumati sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.

"Bakit?" Takang tanong ko habang umiiwas sa tingin niya. Napansin ko yung pamumula ng leeg niya, iyon siguro ang dahilan kung bakit nakaHoodie ito ngayon. Malamang sa malamang nagkaRashes siya sa pag-inom niya ng alak at nakakalat iyon sa buong katawan niya. Ganoon rin kasi ako noong unang inom ko, akala ko nga bungang araw lang.

"Yung sinisingil na ambagan natin sa klase. 50 pesos." Napatango naman ako at umiiwas pa rin sa kanya. Pwede namang iyong dalawa na lang ang mag-abono muna. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kanya, panandalian kong nadaanan ang mukha niya at bakas roon ang pamumugto ng mata niya. Buti na lang hindi siya tumingin pabalik sa akin kundi nahuli niya akong nakatingin at punong puno ng guilt sa puso. Alam ko naman na ako ang dahilan ng mga pagluhang iyon.

"Salamat." Tumango naman ito saka sila umalis sa room.

"Musta puso natin?" Napailing naman ako kay Vanie.

"Mag-aral na kayo." Asik ko saka muling bumalik sa dating gawi.

~~~~~~~~~

Uwian na namin pero bago iyon nagtipon-tipon yung iba para pag-usapan yung thesis nila with their partners, hindi ko naman kailangang kausapin yung mga kaPartner ko dahil tapos na kami magDefense pero nandito pa rin ako dahil hinihintay ko si Erika para sabay na kaming umuwi.

"Talaga ba? Bukas na defense nung grupo nila diba?" Takang tanong ni Vanie, kagrupo ko siya. Reliable naman ang gaga kaya successful kami.

"Oo nga e, dami pa raw silang gagawin kaya kabado na." Sagot ni Blue. Tahimik naman akong nakikinig.

"Gawin na kaya natin yung Appendices." Suhestiyon ni Vanie. Umiling naman si Blue.

"Ayaw ni Yumi e, alam mo naman yun strong independent woman." Napabuntong hininga naman si Vanie tapos nagtama yung mata namin at pinanlakihan ko siya ng mata. Para kaming nag-uusap sa isip namin. Natigil lang iyon noong nagpaalam na si Blue na mauuna na siya, kinukulit naman ako ni Vanie na tumulong ako kahit Appendices o yung pag-aayos lang ng Citation nila.

"Ayaw nga sa iba, sa akin pa kaya." Sagot ko habang nakatingin sa kanila na sobrang problemado yung mukha. Nagmatyag lang ako hanggang sa nagSiuwian na rin silang magkakagrupo.

Mga ilang minuto ang lumipas ay kinuha ko yung bag ko. Naramdaman ko naman yung paghila ni Vanie sa akin.

"Oh? Akala ko hihintayin mo si Erika?"

"Nakalimutan ko na bibili pala ako ng supply ngayon. Sabihan mo si Erika nauna na ako." Paalala ko. Ngumisi lang 'to dahilan para mapailing ako tapos nagmadali na ring umalis ng room.






"YUMI."

"Ayumi!" Tawag ko ulit rito, mabuti na lang mabagal siyang maglakad kaya naabutan ko siya. Hindi naman ito lumilingon kaya mas lalo akong lumapit at kinalabit siya.

"Bak-Jaycel?" Nagtatakang tanong niya. Tumango naman ako. Syempre hindi ako ngumiti kasi magmumukha akong tanga straight face lang kahit di straight.

Nanlaki naman yung mata ko noong niyakap niya ako nang sobrang higpit. Buti nga di kami nabuwal sa pagkakatayo ko. Hindi ko siya niyakap pabalik dahil naririnig ko lang ang malaking kabog ng puso ko.

"Pasensya na." Sambit niya at humiwalay.

"Anung meron?" Tanong niya ulit noong makabawi. Humugot naman ako ng lakas ng loob.

"Gusto kong tumulong. Bukas na yung defense niyo diba. Tutulong ako sa papel niyo." Nabigla naman ito sa sinabi ko.

"No need, tapos na namin iyong papel."

"Totoo? Baka meron pa, handa akong tumulong." Pangungulit ko. Bumuntong hininga naman ito.

"Okay na Jaycel, salamat sa tulong."

"Aayusin ko yung citations niyo. Para focus na lang kayo sa defense niyo tomorrow."

"Pero."

"I insist. Send the files pagUwi mo." Sumuko naman ito at tumango.

"Salamat." Ngumiti lang ako. Noong makalabas na kami ng gate ay naghiwalay na kami ng landas, nagPaalam lang kami tapos nanahimik na ako. Iniisip kung gaano ako karupok pero kasi para naman ito sa thesis nila, tulong kaibigan para hindi na rin mahirapan sina Sam at Kiara.

"Gago nakita ko yun, bakit may pagmomol sa daan?"

"Putangina, Vanie?!" Para akong aatakihin sa puso nang sumulpot siya sa tabi ko. Bumulalas naman ito ng tawa.

"marupokpok naman pala si Delos Reyes." Pang-aasar niya.

"Gago." Sambit ko at hinayaan yung ngiting aso niya.

"Umuwi ka na. Saka yakap lang iyon. Anung momol?!" Tatawa tawa naman itong muli.

"Defensive. Diyan ka na nga pokpok!" Asar niya saka humiwalay na rin ng daan. Napailing na lang ako.

....

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now