Dose (Narrative-Warning!!)

747 21 0
                                    

JAYCEL ANN

"Yes naman po kumpleto tayo!" Nakangiting bulalas ni Erika saka nakipag-apir pa kay Faith. Friend rin namin siya pero sa ibang department nga lang. Katatapos lang ng finals namin kaya nagyaya ng inom ang mga gaga kasama iyong iba pa naming kaibigan. Pumayag naman ako dahil hindi ako kj at kailangan ko rin ng alak para pampait sa puso kong marupok at naghahangad.

"Nasaan na alak niyo?" Bulalas ni Vanie sa likod niya ay sina Sofia, Janel at Joan na kumakaway. Mabilis naman akong tumakbo para yakapin ang mga ito. Nasa iba rin silang departamento kaya hindi nagkakakitaan. Ang busy rin nila at hindi nag-iingay doon sa gc namin na 'needs holy water.'

"Mukha ka ng alak." Pambabara ko kay Vanie, inirapan naman niya ako. Nagkamustahan naman yung lima sa tabi.

"Oh anu bilog na!" Bulalas ni Sofia.

"Gaga, hapon pa lang. Uhaw na uhaw lang." Sagot ni Janel.

"Kasi naman, tagal kong hindi nakainom puro na lang aral." Reklamo niya. Akala mo naman talaga totoo.

"Hoy, Jaycel anung kapokpokan mo yung naririnig namin?" Singit ni Joan. Pinandilatan ko naman ng mata si Vanie dahil alam ko naman na siya lang ang nagkwento noon.

"Karapatan namin na malaman iyon!" Saka ako binatukan ni Faith. Sinamaan ko siya ng tingin kasi ang laki ng kamay niya at nung binatukan niya ako parang aalis sa katawan ko yung ulo ko.

"Bakit ko pa ikukuwento sa inyo kung naikwento naman na ni Vanie ang lahat."

"Gaga, mas maganda kung sa iyo para makita ka namin na kulay kamatis ka." Pang-aasar ni Sofia.

"Wow. Thanks for sharing." Sagot ko. Pinagtawanan naman ako ng mga gaga.

"Saka hindi kumpleto yung kay Vanie. May mga bagay na ikaw lang ang pwedeng magkwento." Nakangising sambit ni Faith.

"Ah talaga."

"Tangina. Walang kakwenta-kwentang kausap itong si Delos Reyes." Reklamo ni Joan. Bumulalas naman ako ng tawa. Mukha kasing sasaktan na nila ako.

"Wala naman kasi akong dapat ikwento."

"Utut. Ikwento mo yung movie marathon niyo. Yung may donut na kasama na hindi mo man lang kami binigyan. Tangina Jaycel, binigay ko lahat sayo! Lahat ng meron ako iniabot ko sayo tapos donut lang na galing kay Ayumi hindi mo maipamahagi?!" Pagdadrama ni Erika.

"Gago, hugot na hugot teh? Doon mo yan sabihin k-" hindi na natuloy ni Faith yung sinasabi niya kasi sinasakal na siya ni Erika.

"Doon nga kayo maglandian. Spill the tea, Jeycel. Akala mo naman chiks ka." Asik ni Joan. Tangina di ko na talaga alam kung bakit ganito mga kaibigan ko.

"Gaga chiks ako!" Reklamo ko. Pinagmumura naman ako nung lima.

"May duty tuwing gabi yang si Jaycel kaya hindi na nag-aaya ng sleepover e."

"Tangina ka, Vanie!" Bumulalas naman ng tawa ang gaga.

"Ay so fast naman, Jaycel. Straight pa, binaluktot naman na pala!" Asar ni Janel.

"Hindi iyon ganun! Wag kayong nagpapaniwala kay Vanie. Ilang gabi lang yun na nag-dinner kami." Paliwanag ko.

"Gago so fast, dinner agad. Mama how to be you po?" Bulalas ni Sofia.

"Tangina, Tita si Jaycel ang landi. Nag-uuwi ng babae sa dorm niya!" Sigaw ni Faith. Pinagmumura ko naman sila at nagpaliwanag ng maayos.

"Oh gago di pa yan lasing!" Pang-aasar ni Erika.

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now