kwatro

921 16 3
                                    

*NeedsHolyWater🍺

Erika
Tara, aral ulit dito sa dorm.

Vanie
Sige, dadala na ako ng gamit. Overnight ako. Hehe

Jaycel
Bawal mag-inom!


Vanie
Galet na galet, Usto manaket?


Erika
Wala munang inom, turuan niyo ako di ko gets yung topic.


Vanie
Ay boring pero sige, dyan na ako kakain.

Jaycel
Akyat na ako pagkatapos kong kumain.


Erika
Dalhin mo na yan dito, sabay-sabay tayong kumain.



Jaycel
Geh.
(Seen by everyone)

~~~~~~~~~

"Hoy pahingi ng ulam." Bulalas ni Vanie pero nakatusok na siya doon sa porkchop na ulam ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang kumakain kami.


"Madali lang yung topic." Sambit ko kay Erika. May quiz kasi kami bukas.


"Inaantok nga kasi ako nun. Alam mo na, May hangover e." Napailing naman ako.


"Puro ka kasi inom tapos hindi mo man lang ako inaya sa lakad mo na yan." Asik ni Vanie sabay nguya doon sa ulam niya.


"Ingay mo kasi kasama, nagmumura ka kapag nalalasing na." Inirapan naman siya nito.


"Tuturo ko mamaya, bilisan na natin kumain nang makarami ng aaralin."

"Aral na aral e. Sipag-sipagan, Delos Reyes." Inirapan ko naman sila at hindi na pinansin, nagpatuloy ako sa pagkain dahil inuubos na ni Vanie yung ulam ko.


"Anung silbi nitong innate immunity?" Pare-parehas kaming nakaharap sa mga notes namin. About sa immunity yung topic namin.


"First line of defense bago pumunta sa adaptive immunity. Example ay yung leukocytes na siyang unang nagre-react kapag may foreign organisms like virus na pumasok sa katawan." Napatango naman si Erika sa sinabi ko.

"Ayan pala yung tinatanong ni Yumi sa akin kanina." sambit nito.

"Ehem. Yumi." Sinamaan ko ng tingin si Vanie na nakangisi sa akin.

"Anung meron?" Clueless na tanong nito at nagpalipat lipat ng tingin sa amin.


"Wala, nabilaukan lang yang si Vanie sa katakawan niya." Sagot ko saka nagbasa ulit sa notes ko.


Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon