43

509 13 0
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin saka bakit ka ba nanghihila?" Iyon ang reklamo ni Ayumi nang bigla siyang hilahin ni Jaycel.

"Uuwi na tayo!"

"Ayoko pa, nakikita mo bang nag-eenjoy pa ako!"

"Iyon nga! Nag-eenjoy ka pero paano ako? Hindi ko naman sila kilala ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito kung gayon na ikaw na kasama ko wala naman sa tabi ko."

"Edi umuwi ka pero maiiwan ako rito." Nagulat siya sa sinabi ng dalaga.

"Iiwan mo ako para sa kanila?"

"Ngayon lang naman, Jaycel."

"Ngayon lang? Palagi mo iyon ginagawa Ayumi! Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses mo akong iniwan para sumama sa mga kaibigan mo." Sinamaan naman siya ng tingin ni Ayumi.

"Oh anung pinupunto mo?"

"Na nakakalimutan mo ako bilang girlfriend mo kapag kasama mo sila. Palagi na lang bang ganun? Palagi na lang ba akong pangalawa?"

"Alam mo ang drama mo, umuwi ka na lang." Akmang babalik na si Ayumi ng hilain niya ito.

"Sasama ka sa akin pauwi."

"Jaycel anu ba? Hindi ka ba makaintindi? Dito lang ako."

"So mas mahalaga sila kaysa sa akin? Sino ba ako sa buhay mo Yumi? Pupuntahan mo lang kapag walang may gustong makasama ka? Reserba lang ako?"

"Hindi iyon sa ganun." Napabuntong hininga naman si Jaycel.

"Sabihin mo nga. Nasa relasyon pa ba tayo o naggagaguhan na lang tayo? Sinasayang ko na lang ba ang oras ko sayo? Sayo na mas inuuna yung iba kaysa sa akin?" Natahimik naman si Ayumi, iniwasan niyang tumingin kay Jaycel.

"Mahal mo pa ba ako?"

"Nakakasawa na." Nagulat naman si Jaycel sa sinagot nito.

"Nakakasawa?"

"Oo. Sawang sawa na ako sa setup natin, Jaycel! Palagi na lang ganito. Simpleng bagay pinag-aawayan natin. Lahat na lang may mali sa mga ginagawa natin. Unti-unti ng nawawala, scratch that. Nawawala na yung saya sa relasyon natin dahil sayo."

"Wow, dahil sa akin talaga? Sino kaya yung walang time sa atin?"

"Iyan yung sinusumbat mo sa akin? Wala man akong time sayo para naman akong sunod-sunuran kapag sinabi mong umuwi na ako kahit nag-eenjoy pa kami tapos kapag sinabi mo minsan na hindi, hindi talaga pwede." Pagak naman na tumawa si Jaycel.

"I set rules dahil gusto kong okay ka. Pinapauwi kita ng maaga para makapagpahinga. Hindi na kita pinapasama sa mga lakad niyo minsan dahil puro pagsasaya lang naman iyon tapos ipinararating mo na ako na ang nagde-desisyon para sayo?!"

"Sa tingin mo okay ako? Ayoko ng may nagdidikta sa akin pero simula ng nandyan ka wala akong nagawa! Ang hirap naman kasing hindi sumunod sayo dahil palagi kang nagtatampo, nagDe-deact ng account para hindi makausap. Umiiwas.  Gustong gusto mong nilalamon ako ng guilt ko."

"Hindi iyon sa ganun, pinapagaan ko lang ang sitwasyon."

"Pinapagaan? Mas gagaan to kapag naghiwalay na tayo!"

"What?!"

"Let's break up. Para wala ka ng iisipin pa at para wala ng nagdidikta sa buhay ko. Ayoko na! Pagod na pagod na ako."

"Teka lang, Ayumi." Akmang hahawakan niya ito pero umiwas na ang dalaga at iniwan siya. Jaycel gritted her teeth. Napasipa na lang siya habang pinagmamasdan ang dalaga na mawala.

...

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now