27

508 14 0
                                    

Buong linggo akong iniwasan ni Ayumi, hindi ko naman alam kung anung dahilan dahil sa pagkakatanda ko ay maayos pa kaming dalawa bago ako pumuntang Mindoro.

"Oh? May LQ na naman." Bulalas ni Vanie sa tabi ko, nakamasid lang ako kay Yumi na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

"Di ko nga alam ang dahilan e."

"Naglalandian pa kayo last time diba?" Inirapan ko naman siya dahil ang daldal niya.

"Anung gagawin ko?!"

"Edi maghanap ng iba." Payo ni Vanie na siya namang binatukan ni Erika.

"Tanungin mo! Anu titigan na lang kayong dalawa?"

"Hindi nga makatitig."

"Sad reax. Lapitan mo na."

"Ayoko! Siya yung hindi pumapansin sa akin e."

"Aywan ko sa pride mo. Hindi naman makakain yan." Sumang-ayon naman si Vanie sa sinabi ni Erika. Napabuntong hininga na lang.

Ang okay niya naman pagkatapos niya akong hindi pansinin, ganun ba ako kawalang halaga sa kanya na masaya siya?

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now