22

572 16 0
                                    

AYUMI FURUKAWA

You got a confirmation ticket na?

Yeah! But I didn't know kung paano pumunta roon.

I'll fetch you, batang Los Baños ito.

Luh, hahaha yabang

Gumising ka ng maaga ah! Ayaw kong bulabugin ka sa umaga.

Opo, strict naman.

Matulog ka na

Wait isang episode na lang

Tsk tsk. Sige. Goodnight

Goodnight 🥰

4:30 am

Ayumi!

Ayumi Furukawa

Gising ka na ba?

Katatapos ko lang maligo!

Good girl

Otw na ako sa dorm mo

Okay! I'll wait for you. Ingat.

....

"Nilalamig ka?" Tanong ko noong naramdaman ko na naglilikot siya habang nakapikit. Ginamit niya kasi yung jacket niya bilang unan kaya wala siyang suot.

"Nah, I'm fine." Saka ito muling pumikit. Napailing naman ako tapos hinubad yung jacket ko at ikinumot sa kanya.

"Paano ka?" Pinakita ko lang naman yung suot kong long sleeves. Nagulat naman ako noong sumandal siya sa balikat ko at pasimpleng ipinulupot yung isang kamay niya sa bewang ko. Umakbay ako saka tinitigan siya.

'Anu ba 'tong ginagawa mo?' I thought saka pumikit na rin.

Nagising ako na nasa bandang Calamba na kami, tapos nakayakap na siya sa akin hinayaan ko naman ito kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang tao at nagwawala na ang puso ko.

"Nasaan na tayo?" Tanong niya noong naalimpungatan.

"Calamba na. Malapit na tayo."

"Sayang naman." Nagtataka akong tumingin sa kanya then she just pinched my cheeks tapos ibinalik yung jacket ko.

"Thank you." Tumango lang naman ako.

~~~~~

After the seminar nagdecide kami na mag-ikot around the campus, nagMuseum muna kami.

"Tignan mo kamukha mo yung mga kawayan." Biro ko sa kanya. Binatukan naman niya ako dahilan para bumulalas lang ako ng tawa. Then I toured her around the area and giving some facts about sa mga nakaDisplay.

"Kabisadong kabisado."

"Mga thrice ko na kasing punta rito." Then I told her about the walking insect na pwedeng hawakan pero unfortunately hindi pwedeng ilabas dahil wala yung curator.

"Ang daya, maybe soon." Ngumiti naman ako saka inakbayan siya. I'm expecting na tatanggalin ito pero hinayaan niya lang ako at kitang kita ko ang mapang-asar na tingin ni Vanie at Erika.

Pagkatapos roon ay nagyaya silang mag Makiling Botanical Garden. We end up trekking habang nakaFormal attire which is mahirap dahil medyo madulas ang mga trail at nakakaligaw. Inaalalayan ko siya habang naglalakad dahil nakaSkirt siya na naging dahilan para asarin kami.

"Selfie tayo dali." Sigaw niya tapos umakbay sa akin. We are smiling pero hindi masyadong kita ang mukha namin dahil sillouette lang ang kita.

"MagJowa na ba kayo?" Natigilan naman kami sa tanong na iyon. She's just smiling tapos ako nagmumukha na akong kamatis.

"We're good friends" sagot niya. Napa-aray naman ako nang sikuhin ako ni Vanie. Pinauna ko naman na si Ayumi habang may hinahanap kaming halamang tatlo.

"Good friends, aruy naman!" Asar ni Erika.

"Pakyu" sagot ko. Binato naman niya ako ng bato saka tumakbo.

"Marupok, ingatan ang puso." Vanie said, napailing naman ako saka tinulak sila.

"Pota." Mahinang mura ko dahil nakahawak ako ng halaman na may tinik and worst is naiwan sa balat ko.

"Ayos ka lang?" Ayumi with her worried face that surprised me, kinuha niya yung kamay ko tapos hinipan.

"Masakit pa?" Namumula naman akong umiling but it ended up na inalalayan niya ako dahil hindi ko magamit yung kamay ko to grasp anything dahil kumikirot.

"Water?" Tanong niya noong matapos namin ang trail. Kinuha ko naman ito tapos tinanggap din yung inabot niyang pagkain.

"Indirect kiss!!" Sigaw ni Vanie, binato ko naman siya ng bottled water.

"Pagpasensyahan mo na yung dalawa." Matamis lang naman itong ngumiti tapos pinunasan yung dumi sa pisngi ko.

"Thank you." Bulong ko at sana hindi niya mahalatang namumula ako.

"Mamaya na maglandian, uwi na tayo!" Yaya nila.

We decided na maglakad pababa sa lower campus habang nagkukwentuhan. Nakangiti naman ako habang nakatitig kay Ayumi na nakikipagbiruan kanila Vanie at Erika.

'Bakit ang ganda-ganda mo?'
'Anu ba talagang meron tayo? Naguguluhan na ako.'
'Gusto mo rin ba ako?'


"Hoy Jaycel!" Sigaw nila. Hindi ko na namalayan na nahulog pala ako sa kanal, good thing ay walang tubig kung hindi ay uuwi akong basa.

Mabilis naman akong inalalayan ni Ayumi at itinayo. Iika-ika akong umangkla sa kanya.

"Okay ka lang? May masakit sayo?" Sunod sunod na tanong niya. Natameme naman akong tumango kahit ang totoo ay kumikirot yung paa ko. Sa lahat naman kasi ng katangahan na mangyayari ay iyon pa.

"Nakatitig ka kasi sa akin" bulong niya. Nanlaki naman ang mata ko. Kasunod noon ay ang masuyo niyang pagtawa. Wala namang salita na lumalabas sa bibig ko. Cat caught my tongue, I guess.

"Ay naku! Jaycel be careful next time."

Oo nga, I should be careful kasi hindi lahat ng nahuhulog ay nasasalo.

....
U

wuuu

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now