Prologue

1 0 0
                                    


Gabi talaga ang pinaka gusto kong parte ng isang araw. Minsan nga nagtataka ako bat kaya tayo natutulog tuwing gabi at gising tuwing umaga. Samantalang sobrang tirik ng sikat ng araw tuwing umaga ngunit tinitiis natin lumabas samantalang tuwing gabi ay walang init ng araw at malakas pa ang buga ng hangin ngunit hindi tayo lumalabas.

Tahimik kong tinatahak ang daan papunta sa kung saan. Wala nga yata akong patutunguhan. Ilang araw na ang lumipas nung ilibing si mommy. Simula nung mamatay si mommy pakiramdam ko hangin na lang ako sa mundong ito. Kasalanan ko ang lahat. Kung naprotektahan ko lang sya sa mga taong iyon baka nandito pa si mommy at masaya parin kaming namumuhay ngayon.

Napaangat ang tingin ko ng makarating ako sa isang play ground. Ito siguro yung play ground sa village na ito. Pumunta ako sa may swing at umupo roon.

Inangat ko ang tingin ko sa langit. Napangiti ako ng makita ang napakaraming bituin. Sabi nila pag namatay na raw ang isang tao ay nagiging bituin ito na bumabantay sa mahal nya sa mundo. Saan kaya si mommy sa mga yan?

"Hello po mommy. Sana masaya ka na kung nasaan ka man. Sinusubukan ko pong magpakatatag para sa inyo. Kasi alam ko po na magagalit lang po kayo sakin kung susuko ako. Magtatapos po ako mommy para sayo. Sorry po kung hindi ko kayo naprotektahan nung may dumating na mga armadong lalaki sa bahay. Kung sinalo ko lang po sana yung bala ng baril noon baka buhay ka pa po ngayon" huminga ko ng malalim at mapait na ngumiti sa mga bituin.

"Mabait naman po si tito Antony at tita Elizabeth sakin. Inaalagaan po nila akong mabuti. At naghire si tita elizabeth ng pansamantalang mamamahala sa SWEETEST SWEETS. Pag nakagraduate na po ko malalakihin ko ang business mo mommy tulad ng pangarap mo" bumuntong hininga ako at yumuko sa lupa. "Miss ko na po kayo mommy".

Nagulat ako ng may marinig na boses sa malapit.

"Nandito ka lang pala" lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang nagsasalita.

May nakita akong imahe ng lalaki na palapit sa akin. Hindi ko pa sya makita ng lubusan dahil sa dilim. Napaangat ang tingin ko ng nasa harap ko na sya.

"Alam mo bang muntik ng tumawag ng pulis si mommy para hanapin ka?" Hinila nya ako patayo mula duyan na ikinagulat ko.

Ngayon kita ko na ang mukha nya. Sya si Alexis na pinsan ko. Sya ang nagiisang anak ni tito Anthony. Sa kanila ako tumitira ngayon. Kasi baka daw dilikado pa sa bahay namin ni mommy.

"S-sorry" nahihiya kong sabi at yumuko.

"Haysh. Sa susunod magpaalam ka" simpleng pagtango lang ang naisagot ko sakanya

"Tara na nga" hinila nya na ko paalis sa lugar na iyon. Wala akong magawa kong hindi tahimik na magpatianod sa hila nya hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"OH MY GHAD ANICA! Kala namin ay nakuha ka na nang kung sino. Next time magpaalam ka muna samin sweetie okay? Or much better if isama mo na lang si alex with you" nagpapanic na sabi ni tita elizabeth habang hinahaplos ang  kamay ko.

Napatingin naman ako kay alexis na nakaupo na sa sofa nila. Alam ko naman na ayaw nya ko dito. Samahan nya pa kaya ako?.

"S-sorry po tita... I won't do it agai-n" nauutal kong baling kay tita. I don't know. Since i was a kid i get shy easily.

"Dapat lang. Nakakapagod maghanap" singit ni alex at binuksan ang tv. Binalingan sya ni tita.

"Don't talk like that, ALEXIS SAMANIAGO. She is your cousin. Your father is out of the town. And i told you kanina na tumawag na lang ng pulis. Then you volunteer your self na ikaw na lang ang maghahanap sa kanya" binalingan ako ni tita. "Halika anica. Maupo ka muna." Pinaupo nya ako sa sofa. Ngunit dumistansya ako kay alexis. Naiilang talaga ako pagdating sakanya.

"Yeah. Nasa play ground lang naman sya mom. No need for pulis. Abala lang sakanila. And in the first place dapat hindi sya umaalis ng di nagpapaalam" at tumingin sya sakin ng masama. Kung nakakamatay lang ang titig baka kasama ko na si mommy ngayon.

"ALEXIS you are being unreasonable. Why can't you treat her like your cousin or sister? She'll be staying here for good. So please establish a good relationship with her" galit na baling ni tita sakanya.

"No t-tita. It's okay. I admit my f-fault. No need to argue with kuya alex" napayuko ako katapos sabihin iyon. Pakiramdam ko kasi nakakagulo ako sakanila.

"See, mom. Don't make it such a big deal" sabi nya at nag walkout. Tinitigan ko lang ang likod nya habang paakyat sya sa hagdan patungo sa kwarto nya.

"My ghad. My son is so stubborned" sabi ni tita at umupo sa tabi ko. "By the way are you hungry? Nagutom ka ba ulit? Do you want to eat?" Nagaalalang baling nya sakin.

"N-no po. I just need some rest tita"

"Okay,hija. Take a rest" ngiting sabi ni tita sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Good night po" ngumiti ako bago tumayo.

"Good night sweetie"

Pagakyat ko sa second floor kung saan ang kwarto ko. Nahinto ako sa gitna ng palalakad ko ng makita ko si alexis na nakasandal sa pinto ng kwarto nya na tila may hinihintay.

"So who give you the permission to call me KUYA?" Sabi nya na hindi bumabaling sa akin.

"S-sorry" yon lang ang nasabi ko at yumuko.

"Yan lang ba laging lumalabas sa bibig mo?" Naramdaman kong unti unti syang lumapit sa kin.

"I will never be your kuya. So if you think i pity you because tita Annalise is gone. No i don't" bulong nya sa tenga ko at nilagpasan ako. Huminga ako ng malalim at nilingon sya na patuloy sa paglalakad.

"I don't need your pity, you arrogant guy" bakas sa boses ko ang pagbabadyang iyak. Nakita ko pa syang napahinto sa paglalakad nya.

Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko na katabi lang ng kanya. Linock ko agad ang pintuan. Kaagad kong binagsak ang katawan ko sa higaan at doon umiyak.

"That was such a brave move, anica" kausap ko sa sarili ko at pinunasan ang patak ng luha sa mata ko.

I thought i already lost my tears. But i think I'm wrong. Konti salita lang nya umiiyak na ko. Alam ko naman na mahina lang ako. Dati sabihan lang ako ng masasakit na salita nalulungkot at naiiyak na ko.

He is always like that. I've been here since yesterday. And he always treated me like i don't exist. Ganyan pala ang magkaron ng pinsan. I use to live with my mom only. I don't bound with our other cousins. Mommy and i lives in bulacan. Wala kaming relative na kasama. Just the two of us. Nakikita ko naman si alexis noon pa. Tuwing pupunta kami dito ni mommy pag may okasyon. Kaso di ko naman siya nakakasalamuha. Nahihiya rin kasi ako mag-approach sakanya.

I never thought na ganyan nya ko tratratuhin ngayon. I think he is being rude to me. And i also think he is being rude ONLY to me. But i won't blame him. Nakikitira lang ako sa kanila tapos ganito pa ako. Baka hindi sya sanay na may kasamang iba sa bahay tulad ko. Sana magkasundo kami. Kahit mukhang malabo.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now