CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Tahimik lang ako sa buong biyahe namin. Tahimik rin sya at walang balak kausapin ako kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas.

Pagkadating namin sa mall ay pumunta kaagad kami sa National bookstore.

"P-pwede mo na ako i-wan dito ku- alexis. K-kaya ko naman u-umuwi. Taposin mo na l-lang sa bahay yung p-projects mo" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Tapos na" simpleng sagot nya kaya tumango na lamang ako sa kanya.

Namili na ko ng mga kailangan ko para sa paaralan. Tahimik lang na nakasunod sa likod ko si alexis.

"Are you hungry?" Baling nya sakin nang makalabas kami sa national. Sya ang humahawak ng mga pinamili ko. Umangan ako sa kanya kaso ayaw nya.

"H-hindi naman. Medyo naparami kasi ang kain ko kanina" nahihiya kong tugon.

"Okay... How about snacks?" Tanong nya uli. Simpleng tango na lang ang sinagot ko.

Nagulat ako ng hilain nanaman nya ako. Sa Mcdo kami nakarating.

"What do you want?" Tanong nya sa akin ng makaupo kami.

"Ahmm.. fries, spaghetti and burger na lang"

"Busog ka pa nyan ah" natatawang sabi nya at iniwan ako. Medyo nagulat ako kasi sa ilang araw ko na sa kanila. Ngayon palang sya nagbiro sa akin.

*Ting*

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Hudyat na may natanggap na mensahe.

"Nice to meet you, anica -ivan"

Hala. Kanino nya nakuha ang number ko?. Wala akong maalala na ibinigay sa kanya ito. Nagtipa rin ako ng reply sa kanya.

"Nice to meet you too, ivan" sent

Nagdadalawang isip pa ako ku g tatanungin ko sya kung saan nya nakuha ang cellphone number. Siguro kay tita nya nakuha.

"Who are you texting?" Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si alexis at inilalapag ang pagkain sa table.

"Ah... Si ivan lang" sabi ko at inilagay na sa bag ang cellphone ko.

"So you two are texting already?. Kailan pa?" Tanung nya at umupo na sa harapan ko. Kaagad naman akong umiling.

"H-hindi kakatext nya lang ngayon" seryoso nya akong tinignan. "Bawal ko ba syang replyan?" Nagtataka kong tanong.

"Pagsinabi ko bang oo. Hindi mo na sya rereplyan?" Seryoso nyang sabi at tumingin sa akin.

"I don't know" napayuko na lang ako.

"Eat" sabi na lang nya at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos ng usapan namin kanina ay hindi na nya ako kinausap. Pagdating sa bahay nagpaalam lang ako kay tita na aayosin ko lang ng gamit ko sa kwarto.

Nakaidlip pala ako katapos ko ayosin ang gamit ko. Napatingin ako sa orasan sa kwarto 6 na pala. Tumayo na ako para bumaba. Nakitako si alexis na nakaupo sa sofa at nanonood ng basketball.

Pumunta nalang ako sa kusina at tinulongan magayos si tita. Matapos kumain ay maaga rin ako natulog dahil may pasok na bukas.

*Knock* *knock*

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Nakita ko si alexis na nakauniform na.

"Breakfast is ready" sabi nya at tinignan ang suot ko. Nakauniform na rin kasi ako.

"Sige" sabi ko at kinuha ang bag ko para hindi na ako umakyak uli mamaya.

Tahimik na sumunod ako sa kanya hanggang makababa kami sa dining area. Umupo na ako sa dati kong upuan at ipinatong sa isa pang upuan ang bag ko.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now