CHAPTER 15

0 0 0
                                    

*ting*

"Are you at home already?"-alexis

"No"-sent

*Ting*

"Then, sumabay ka na sakin"-alexis

Matapos matanggap ang mensahe na iyon pumunta na ako sa parking lot ng school. Nang makita ang kotse ni alexis agad akong lumapit dito. Nang buksan ko ang front seat nagulat ako ng may makitang babae na nakaupo roon. Ito iyong nakabangga ko nung birthday ni alexis. Tiniganan ko si alexis at kita ko sa mata nya na parang may kakaibang emosyon.

"S-sorry... Sa b-back seat na l-ang ako" hingi ko ng tawad ngumiti naman sa akin iyong babae. Dahan dahan kong isinara ang pinto at kaagad pumunta sa back seat.

Tahimik lang ako sa pwesto ko habang nakikinig sa usapan nila. Hindi na ako nagtanong kung saan pupunta. Nanahimik na lang ako sa pwesto ko. May kirot sa dibdib ko habang pinapanood sila ngunit binabaliwala ko lang iyon. Wala naman akong karapatan. Pinsan nya lang ako.

"Magpinsan pala kayo ni alexis. I'm Jazmine as in Z. Nice to meet you." Masigla itong bumaling saakin. Inilahad niya ang kamay nya sa akin na tinanggap ko naman.

"I'm an-ica" pakilala ko rin at bumitaw na sa kamayan namin.

"Sorry about what happened on Alexis's birthday. I'm just a little bit pissed off because. You know my dresses are dearest to me"

"Ah... N-no it's okay... S-sorry rin hindi k-ko kasi nakikita ang d-dinadaanan ko non" hingi ko rin ng tawad. Nakamasid lang si alexis sa amin.

"Bakit ba nauutal ka? Hindi naman kita kakainin" natatawang sabi nya sa akin ng mapansin kanina pa ako inuutal. Bukod kasi nandyan si alexis. May sakit na bumabalot sa puso ko ng dahil nandito sya sa kotse at sa upuan ko pa nakaupo. Pakiramdam ko tuloy napakasama ko dahil naiinggit ako. Hindi sya pinsan ni alexis at pwede silang dalawa samantalang ako wala akong magagawa kahit sabihin pa ni alexis na gusto nya ako.

"Ah... G-anito lang t-talaga ako pag ba-gong kakilala" sagot ko. Part of it is true. Kasi ganon talaga ako. Pero alam ko kung ano talaga ang dahilan.

"Oh... Okay i hope we can be friends" nakangiting baleng nya sa akin.

"Ahm... O-oo naman" sagot ko rin.

"Nasa bahay mo na tayo. Baba ka na" biglang sabi ni alexis kay jazmine. Napatingin ako sa labas at nakitang nasa labas kami ng magandang bahay.

"You are being rude to me again" nakasimangot na sabi ni jazmine sakaniya.

"No I'm not" depensa ni alexis.

"Tss. Porket nandyan sya ganyan ka na ah. PINSAN. HAHAHAHA" huling sinabi ni jazmine bago matulin na tumakbo papasok sa bahay nila. Naguguluhan man ako. Minabuti kong manahimik na lang sa pwesto ko.

"Don't mind her. Lipat ka na dito." Sabi ni alexis at tinapik ang upuan sa tabi nya.

"Ah... H-hindi dito n-na la-"

"I said come here" madiin na sabi nito. Wala akong nagawa at lumipat na lang sa tabi nya. Tahimik akong naupo sa tabi.

"Jazmine is my-"

"N-no need to e-xplain. I understand" agap ko. Ayokong marinig na girlfriend nya nga ito. Kahit sinabi pa nya sa akin na ako gusto nya. Masakit parin ang makita silang magkasama.

"No. She is just my girl best friend" napatigil ako sa narinig."We're childhood friend. Hinatid ko lang sya ngayon dahil sira ang kotse nila. At kailangan na nyang umuwi" paliwanag pa nito. Hindi ako kumibo sa pwesto ko. Hindi ko alam ang sasabihin sakaniya.

"Ano? Wala ka man lang sasabihin?" Tanong nya bigla sa akin.

"I told y-you, i u-understand" sagot ko na lang.

"Yeah but i want you to know, that jazmine and i are just friends. Alam mo kong ano ang tunay kong nararamdaman" naestatwa ako sa sinabi nito.

"Alexis we're co-" hindi ko natuloy ang dapat kong sasabihin ng maramdaman lumapat ang labi ni alexis sa labi ko. Tinugon ko agad ang bawat galaw ng labi nya. Natanggal ang sakit sa dibdib ko at napalitan ng kaba.

Nang humiwalay ito nahiya ako bigla kaya napayuko ako habang hinahabol ang hininga ko mula sa mahabang halik nya sa akin.

"I already told you. I'm done running away" hinihingay na sabi nya.

"T-then i think i-it's my turn t-to run"

Hanggang nakauwi kami hindi na ako nag salita. Ganon din sya, seryoso sa pagmamaneho. Kaagad akong umakyat sa kwarto ng makauwi.

"Anica handa na ang pagkain" tawag ni aling roseng sa akin. Itinigil ko ang pag guhit at sumunod na sa dining.

"Anica hija. Next month na ang birthday mo. Any plans?" Tanong bigla ni tita sa hapag.

"Ahm... Kahit wag na po... Hindi naman po ako naghahanda pag birthday ko"

"Dear. You should celebrate your birthday. Nung 18th ka nga hindi ka nag debut dapat ngayon 19 ka na lang." Pamimilit ni tita. "I'll manage the party for you".

"Ah... Wag na po kahit simpleng dinner na lang po" agap ko.

"Elizabeth, let her be. Wag mo pinipilit ang paborito kong pamangkin" pagsasaway ni tita sa asawa.

"Anthony. I just want her to have a memorable birthday. And you know. I want to have a daughter. But sad to say i only have son" nalulumbay na sabi ni tita sa asawa.

"Are you saying that you don't want me" tamad na sabi ni alexis.

"No anak. It's just that. I want to experience to have a daughter. I'm not happy for the death of your mother, anica. But I'm happy to have you. Parang nagka anak na ako na babae."

"Elizabeth, just let her decide. Next month pa naman ang birthday nya" pagsasaway pa ulit ni tito sa kaniya.

"Yeah mom. Parang ikaw ang magbibirthday at hindi sya" sigunda ni alexis.

"Okay okay. Fine. Just let me know sweetie" sabi ni tita sa akin at ngumiti.

"Yes tita. I will think about it."

Natapos ang dinner namin. Nag hugas ako ng plato at umakyat na ulit sa kwarto. Nadaanan ko pa ang sala. At nandoon sila tita, tito at alexis na masayang nagkwekwentuhan.

I suddenly realized. I really need to go. I don't want to destroy their family. I can feel alexis is really into me. And i don't want him to turn his back to his parents because of me.

Pumasok ako sa bahay na ito na buo sila. At aalis ako dito na bui pa rin sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now