CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Linggo ngayon kaya pagkagising ko ay naligo na dahil ako ay magsimba. Nagsuot na lang ako ng simpleng pants at blouse na plain blue. Hindi rin kasi ko sanay magdress.

Bumaba na ako para magpaalam kay tita na magsisimba. Nakita ko sila ni alexis na kumakain na sa hapag kainan

"Ahmmm... T-tita magsisimba lang po ako saglit"

"Oh. Sabay ka na sakin sweetie. Magsisimba rin ako. Kain ka muna. Maaga pa naman" Offer ni tita.

"S-sige po" umupo ako sa upuan nasa harap ni alexis. May plato na rin dito.

Binalingan ni tita si alexis na tamad na kumakain.

"Ayaw mo ba talaga sumama magsimba, son?" Tinignan ko rin si alexis na busy sa pagkain.

"Mom. You know me. Nagsisimba ako. But i have to finish my project. Tomorrow na ang deadline non. Kailangan ko ng taposin" simpleng sagot nya sa ina na hindi man lang tumingin dito.

"Okay. Anyway I'm with anica naman." Ngumiti naman sakin ni tita kaya napayuko ako. I don't know. I'm still shy to her.

"I'm full" tumayo si alexis at umalis na.

"Are you done, anica?" Baling ni tita sakin habang nagpupunas ng bibig

"Yes po" simpleng sagot ko.

"Okay. Let's go na. Baka nagsisimula na ang misa" tumayo na si tita kaya sumunod na ko sa kanya.

"Hey son be good here" sigaw ni tita at lumabas na.

Tahimik lang ako sa kotse habang nakikinig kay tita ng kwento nya tungkol kay alexis. Kakabreak lang daw nila ng jowa nya. Bachelor of business administration daw ang course nya. Tapos mahilig daw sya sa adobo. Nung bata daw sya madali lang sya madapa. Nung bata daw sya pala iyak. Pero parang hindi na sya ganon ngayon?.

"We're here let's just continue our talk later." Lumabas kami ni tita at nagpwesto kami sa medyo malapit sa pinto.

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. Medyo singkit ang kaniyang mata at maputi ang balat. Tumingin rin sya sa akin at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at humarap na lang sa harapan.

May umupo nanaman sa tabi ni kuyang singkit kaya napausog sya sa akin. Nagkadikit ang mga braso namin kaya napausog ako ng konti kay tita. Napatingin sya sa akin. At ngumiti. Natapos ang misa na umiiwas sa katabi. Habang si tita ay nakikinig talaga na parang walang tao na kasama.

Nagmamadali akong tumayo.

"You okay?" Nagaalalang tanong ni tita sa akin.

"O-opo"

Napatingin si tita sa tabi ko.

"Oh. Ivan. What a coincidence. Long time no see" nakangiting sabi ni tita sa lalaking katabi ko. So kilala sya ni tita.

"Hello tita. Where's alexis?" Nakangiting tanong nya kay tita.

"Nasa bahay making his project. Alam ba nya na nakabalik ka na?" Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.

"Actually he doesn't know. I was about to go to your house after this mass" nakangiti nyang sabi at bumaling ang tingin sa akin. Mabilis na iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Naiilang talaga ako sa mga lalaki.

"Pwede ka naman sumabay samin" nagsimula ng malakad si tita. Tahimik lang ako makasunod sa kanila.

"I'm bought my car tita" simpleng tugon nya.

"Oh... Okay... By the way. My niece. Anica." Pagpapakilala sa akin ni tita.

"Ivan" nilahad nya ang kamay nya sa akin. Nahihiya ko pang inabot ito.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now