CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas. Naging close na ako kay tita. Naging malapit na rin ako kayna sabrina dahil tuwing lunch ay nagsasabay kami. Casual naman ang pakikitungo sa akin ni alexis. Medyo naiilang pa nga ako sa kanya. Minsan iniiwasan ko na lang sya.

Nasa hapag kaininan kami ngayon kumakain ng dinner. Wala parin si tito Anthony nasa out of town parin. Kaya kaming tatlo nanaman ni tita ang nasa hapag kainan.

"So.. alexis malapit na birthday mo. What's your plan?" Tanong ni tita kay alexis. Napatingin ako sa kanya. Birthday na pala nya.

"Just a simple celebration, mom." Tamad na sabi nya na parang hindi excited sa kaarawan nya.

"Okay, anak. You better invite your friends na. Next week na rin yon" masayang sabi ni tita na tila sya ang nagbibirthday.

"Alam na ng mga yon mom. Every year naman sila pumupunta dito pagbirthday ko" simpleng sagot nya.

"Okay. How about you anica? Do you already have friends? Invite them as well." Excited na baling ni tita sa akin.

"Naku tita hindi naman po ako ang may birthday" nahihiya kong tugon.

"Naah. It's alright. Pinsan mo naman ang magbibirthday"

"I'm full" napatingin kami ni tita kay alexis na tumayo at umalis ng dinning.

Ayaw nya yata na magdala ako ng kaibigan ko sa birthday nya. Okay lang naman sakin. Kasi hindi ko naman kaarawan iyon.

Tinulongan ko si manang roseng maghugas ng pinagkainan namin. Si tita naman ay umakyat na sa kwarto nya.

Pagkatapos kong maghugas dumiretso na ako sa taas. Pakiramdam ko kailangan kong kausapin si alexis.

*Knock* *knock*

"Can i come in?" Tanong ko katapos kumatok. Sigurado akong narinig nya ako.

Ng walang sumagot ay pinihit ko ang pinto at dahan dahan itong binuksan. Sa ilang linggo ko rito ngayon lang ako makakapasok sa kwarto niya.

Napaangat ang tingin ko ng makita ko syang naka bungad sa pinto.

"Can we talk" napayuko kong sabi.

"Who told you to come in?" Seryoso nyang sabi.

"S-sorry" mas lalo akong napayuko at isasara ko na sana ang pinto para hindi na tumuloy ng bigla nyang hawakan ito at hinila ako papasok sa kwarto niya.

Isinandal nya ako sa pinto habang nakatukod ang isa nyang kamay sa may pinto at ang isa sa may doorknob. Nanlaki ang mata ko sa biglaang pangyayaring iyo.

"Ano gusto mo pagusapan?" Seryosong tanong nya.

"A-ahhh..." Walang gustong lumabas sa bibig ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa hindi malaman na dahilan.

"What?" Ulit na tanong nya. Umiwas ako ng tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.siguro dahil sa gulat.

"Ahmm.. i just want to tell you na kung ayaw mo kong pinsan just sa-" naputol ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"Pano kung sabihin kong ayaw talaga kitang maging pinsan?" Napatingin ako sa kaniya na seryosong nakatitig sa akin. Lalong nanghina ang tuhod ko.

"O-okay. Iiwa-asan na- lang k-kita" nauutal kong sabi at yumuko. Ayaw nya pala talaga akong maging pinsan.

"Nevermind. Just forget what i said" sabi nya at inalis ang kamay na nakakulong sa akin at lumayo ng konti. So ano? Gusto na nya akong pinsan ngayon?.

"Invite your friends. I know you already have some" napatingin ako sakanya ng sabihin nya iyon.

"N-no okay lang kung ayaw mo na magsama ako ng kaibigan" nakayuko kong sabi. Nagulat ako ng iangat nya ang mukha ko.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now