CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Hindi nanaman ako pinansin ni Alexis magkatapos namin magusap kanina sa kusina.

"Bye ivan. Ingat ka" kumaway ako sakanya. Ako na naghatid sa kanya sa labas dahil katapos kumain ni alexis ay pumunta na agad sya sa kwarto nya.

Nagulat ako ng bigla nyang hinalikan ang noo ko. Napatingin ako sa kanya. Lumapit sya ng konti sa akin.

"I won't let you go again" rinig kong bulong nya sa tenga ko.

Napatulala ako sa sinabi nya. Anong gusto nyang sabihin doon? Again? Anong ibig sabihin non? Alam ko ngayon ko lang sya naging kaibigan ah?

Hindi ko napansin na nakaalis na sya dahil sa pagiisip ko. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay.

Nagulat ako ng may biglang humila sa akin papasok sa isang kwarto. Isinandal nya ako sa pinto. Nanlaki ang mata kong nakatingin kay alexis.

Itinukod nya ang isang kamay sa gilid ng mukha ko sa may pinto.

"You are so frustrating" biglang sabi nya. Napayuko naman akoa dahil doon.

"S-sorry. Ano ba-ng ayaw m-mo sa ginag-gawa ko?" Tanong ko. Baka naiinis sya dahil nagluluto ako?

"Lahat. Anong sinabi nya sayo?" Naguguluhan kong tinignan sya sa mata.

"Ewan ko sayo alexis. Ganyan ba ang pinsan? Sorry" bakas sa boses ko ang pagbabadyang umiyak.

Inipon ko lahat ng lakas ko at tinulak sya. Lumabas na ako sa kwarto nya at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Bakit ba sya ganyan sa akin? Lagi na lang nya ginugulo ang isip ko. Kung ayaw nyo ko makasama edi magpanggap na lang sya na wala ako. Na hangin lang ako sa paligid nya.

Nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko nung gabing yon. Pag dating ng umaga hindi ako lumabas sa kwarto. Iiwasan ko na lang sya. Bahala sya. Kung ayaw nya akong maging pinsan ayos lang. Tutal sabado naman ngayon magmamaktol na lang ako dito sa kwarto.

*Knock* *knock*

"Sino yan?"

"Ako to anica" rinig kong sigaw ni aling roseng sa labas ng kwarto ko "Hindi ka daw ba baba para kumain?"

"Hindi na po. Busog pa po ako." Tugon ko at nagtalukbong ng kumot.

"Haynaku ka talagang bata ka" dinig kong sabi ni aling roseng mula sa labas. Pagkatapos non ay wala na akong narinig.

Matutulog na lang ako sa buong sabado.

*Knock* *knock*

"Aling roseng busog pa p-" pagkatanggal ng kumot sa mukha ko ay nakita ko si alexis na may dalang try ng pagkain.

"Eat. Isasama kita. Wala si mommy at mamalengki si yaya. Kaya ikaw lang ang maiiwan dito" sabi nya at ipinatong ang try sa side table.

"Kay aling roseng na lang ako sasama." Mahinang sabi ko. Iiwasan sana kita tapos isasama ka

"Wag na makulit anica. Pagkatapos mo kumain maligo ka na" tumango na lang ako sa kanya.

Pagkalabas nya ng kwarto ay kumain na agad ako at naligo. Nagsuot na lang ako ng pantalon at simple vneck t-shirt na kulay blue. Paborito ko talaga ang kulay na blue. Lalona ang dark blue humahawig kasi ita sa kulay ng langit tuwing gabe.

Pagkababa ko nakita ko si alexis na nanonood ng basketball sa sofa.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng tumingin sya saakin.

"May laro kami ngayon" simpleng sagot nya at pinatay na ang tv. Akala ko ba ayaw nya ako pag may laro sya kasi nagugulo ko ang kaibigan nya?.

"O-sige" tumayo na ito at lumabas. Tahimik na sumunod na lang ako sa kaniya.

Tahimik lang ako sa buong biyahe ganon rin naman sya. Napatingin ako sa labas ng huminto ang kotse. Nasa covered Court kami ng village nila. Nang lumabas sya ay lumabas narin ako.

Nakabuntot lang ako sa kanya. Pumasok na kami saloob ng covered court. Nakita ko na ang mga kaibigan nya na nagkakatuwaan. Mukhang sila lang. Private kasi itong village na ito.

"Hello anica" bati ni Lawrence.

"Hello sa inyo" sabi ko at ngumiti sa kanila. Mukhang kulang sila ah.

"Wala yata si pareng jeremy?" Takang tanong ni alexis habang binababa ang sports bag nya.

"Ang lover boy ay sumunod sa prinsesa kuno nya" natatawang sabi ni tristan.

"Lakas ng tama nya sa prinsesa nya" natatawang sabi rin ni kurt.

"Inlove pala ang ugok kaya kahit nasa harap na ang ulam hindi tinutuklaw" nagtawanan sila sa sinabi ni Lawrence na kararating lang.

"Ulam?" Takang tanong ko. Medyo gets ko yung umalis si Jeremy para sa prinsesa nya. Pero yung ulam? Anong connect noon sa usapan?.

"Ah wala yon anica"natatawang sabi ni ivan at lumapit sa akin para akbayan ako. Naguguluhan ko silang tinignan.

"Maglaro na tayo" napatingin kami kay alexis na hawak na ang bola. Matalim ang tingin na ipinukol nya sa akin.

Tumayo na si ivan na nasa tabi ko at lumapit na sa mga kaibigan. Nagsimula na ang laro nila kaya nanahimik na lang ako sa upuan ko. Paminsan minsan ay pumapalakpak ako pag may nakakashoot sakanila.

*Ringtone*

Hinanap ko agad ang cellphone ko sa bag ng marinig na tumutunog ito. Tumatawag pala si trixhia.

"Hello babe?" Bahagya akong natawa sa naging tawag nya sa akin.

"Hello hahaha" bati ko sakanya.

"Totoo ba na invited kami sa birthday ng pinsan mo, babe?" Pati sya ay natatawa na sa kabaliwan nya.

"Oo naman po hahaha ayaw mo ba babe?" Natatawa kong sabi sakanya. Sasabayan ko na lang sya.

"Syemore gusto hahaha sayang naman ang handa hahaha" biro nya.

"Pupunta nga pala kami sa mall bukas para bumili ng regalo"

"Osige. Kita ns lang tayo bukas babe"

"Osige bye po" natatwang paalam ko. Pinatay na nya ang tawag. Napangiti ako ng maalala ang usapan namin.

Si trixhia ang pinaka makulit sa amin. Tueing magkakasama kami sa kubo ay lagi syang nagbibiro.

"Ano ba alexis? Naglalaro tayo bro" napatingin ako sa court ng marinig si Lawrence.

"Sorry bro. Masama pakiramdam ko una na kami ah" napatingin ako kay alexis na pinulot ang kanyang bag at naglakad papunta sa akin.

Naguguluhan kong tinignan ang mga kaibigan nya. Nagkibit balikat naman ang mga ito. Hinila na nya ako palayo doon.

"Anica... Bantayan mo ang pinsan mo mukhang wala sa sarili e" natatawang sigaw pa ni kurt.

Nagtataka kong tinignan si alexis. Ngunit likod lang nya ang nakita ko. Bakit naman sya wala sa sarili nya.

Kaagad sya pumasok sa kotse nya kaya sumakay na rin ako sa sasakyan nya. Tahimik kong nilagay ang seatbelt ko.

"Sino kausap mo kanina sa phone?" Napatingin ako sa kanya ng bigla syang magtanong.

"Si trixhia?"nagtataka kong sagot. Pag ba may pinsan ka kailangan alam nya lahat ng ginagawa mo?.

"Trixhia? Babae? Bakit babe ang tawag mo sakanya?" Masama nya akong tinignan. Kung hindi ako nakaupo ay malamang nanginginig na ang tuhod ko.

"Ah.. s-sinabayan ko la-ang sya sa bir-o nya. Pero babae sya" napayuko ako kasi hindi ko kinakaya ang talim ng tingin nya.

"Siguraduhin mo, anica. Bata ka pa. Bawal ka pang mag boyfriend" umiwas sya ng tingin. Naramdaman ko na binuhay na nya ang makina.

Katapos ng usapan namin na iyon ay hindi na muli sya nagbukas ng usapan. Hindi na rin ako nagtangkang magsalita.

Naiintindian ko naman na bata pa lang ako para doon. Pero bakit parang galit na galit sya?Wala pa naman akong nagugustuhan ah. Wala pa.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now