CHAPTER 14

1 0 0
                                    

After nung nangyari noong nilalagnat ako naging mailap na ako kay alexis. Ginawa ko ang lahat para maiwasan sya. Pag nasa kotse hindi ako nagsasalita. Minsan nauuna na akong umuwi sa kaniya at nag commute na lang. Pag nandyan sya tahimik lang ako. Naguguilty ako dahil walang alam ang magulang nya sa nangyaring aminan. Hindi man ako umamin pero alam kong naramdaman nya iyon ng tumugon ako sa halik nya sa akin.

"Iniiwasan mo ba ako?" napatingin ako kay alexis ng bigla itong magtanong habang nasa kotse kami papuntang covered court. Pinasama ako ni tita sa kaniya dahil nasa bahay na lang daw ako lagi.

"N-no. Naging busy lang siguro ako dahil sa school" medyo totoo ang dahilan ko dahil naging busy naman talaga sa school. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya.

"Sur? Or it's about my confession with you. If it bothered you just forget about it. I don't want you to ignore me because of that." Seryosong sabi nya at bahaguang bumaling ng tingin sa akin.

"N-o. Busy lang talaga. I'm not ignoring you. I'm just thinking. Just give me time to absurd all the things you told me" pagsasabi ko ng totoo. Kahit anong isip ko talaga ay mali ang nangyayari sa amin.

"Okay... Just don't ignore me, please" Bakas ang lungkot sa boses nito. Nanahimik na lang ulit ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Hello anica... I missed you" natawa sya ng bigla syang yakapin ni ivan.

"Yeah we missed you" sabi rin ni tristan at nakiyakap.

"Namiss ko rin kayo-- Ouch" nagulat ako ng may parang sumabunot sa akin

"Ooh... Tama na tama na" rinig kong sabi ni alexis at pilit hinila ang mga kaibigan palayo sa akin.

"Sorry anica nasama yung buhok mo sa relo ko" paghingi ng tawad ni ivan. Ipinakita nya ang relo na may nakakawit na buhok.

"Oka--"

"Yan yakap yakap pa kasi" putol ni alexis sa sasabihin ko.

"Napaka protective naman ni insan"  natatawang biro ni tristan. Alam ko naman wala silang alam sa nararamdaman ni alexis para sa akin.

"Mga manyakis kasi kayong dalawa. Parang hindi ko kayo kilala ah" bulyaw nito sakanila.

"Laro na nga tayo" natatawang sabi ni Lawrence.

"Wala nanaman ba si Jeremy?" Tanong ni Alexis. Naglakad na ako papunta sa mga upuan at naupo.

"Umalis nanaman ang gago" sagot ni tristan.

"Si Samuel?" Tanong ulit ni alexis.

"Ayon nag enjoy yata sa pagiging bartender" natatawang sagot ni Lawrence.

Nagsimula na silang maglaro. Tahimik lang akong nanonood sa kanila. Paminsan minsan ay pumapalakpak pagnakaka shoot sila. Natatawa ako tuwing pabirong nagflying kiss sina ivan sa akin tuwing nakakashoot sila. Habang kita ko ang dilim ng mata ni alexis sa nakatingin sa akin. Gusto ko man isipin na nagseselos sya dahil alam ko na may nararamdaman sya sa akin. Pero iniisip ko na baka nalilito lang sya damdamin nya.

Nang matapos ang laro lumapit na ako sakanila. "Ang galing nyo"

"Syempre nandyan ka" biglang banat ni tristan.

"Naku tristan wag mo ng banatan yang baka nagaway nanaman kayo ng pinsan nya" natatawang biro ni Lawrence.

"Tara na nga anica" sabi ni alexis at pinulot ang bag nya at hinila ako palabas.

Lumingon ako sa mga kaibigan nya "Bye sa inyo" paalam ko at tuloyan ng nagpatianod sa hila nito sa akin.

Pagkauwi namin ay nagkulong na ako sa kwarto. Magdradrawing sana ako ng makita ko ang regalo na ginawa ko para kay alexis. Nakalimutan ko pala itong ibigay sakaniya.

"Anica kain na kayo" rinig kong tawag ni aling roseng.

"Opo. Susunod na po" sagot ko at tumayo na. Kinuha ko ang regalo na ginawa ko at bumababa na para kumain.

Nang makarating ako sa kusina nakita ko na nandoon na sila at ako nalang ang hinihintay. Ang ganda ng pamilya nila. Tapos ito ako darating at mukhang ako pa ang sisira sa kanila. Hindi ko hahayahan yon. Kung kailangan kong umalis. Aalis ako.

"Oh sweetie, come. Let's eat." Nakangiting aya ni tita sa akin. Kaya lumapit na ako sa hapag at umupo.

"Ano yan, my dearest niece?" Tanong ni tito ng mapansin ang hawak kong regalo.

"Ah... T-his is for A-alexis" sagot ko at nagangat bg tingin kah alexis. Bakas ang gulat sa mukha nya. " I forgot to give it to you on your birthday. Along with the cupcakes on your birthday. I baked those for you and your visitors" sabi ko at iniabot ang regalo ko sakaniya.

Inabot nya ito at tumingin sa akin "Thank you for this".

"Buksan mo na, anak" excited na sabi ni tita kay alexis. Nahiya ako bigla. Baka makita nila ang guhit ko. Nakakahiya naman dahil hindi pa ako bihasa sa portrait.

"Elizabeth, para naman ikaw ang binigyan" saway ni tito kay tita.

"Haynaku Anthony... Bubuksan rin ng anak mo iyan. Kaya okay lang na ngayon nya" agap ni tita.

"Okay okay. Bubuksan ko na." Sabi ji alexis at unti unting pinunit ang balot nito. Napatigil ito ng makita ang laman nito.

"Wow portrait... Did you draw this, sweetie?" Manghang sabi ni tita habang titig sa drawing at tumingin sa akin.

"Y-es po. So-orry. I'm still p-practicing my skills in portrait" nahihiyang sagot ko.

"My ghad.. Practicing? You are great at this already" nahiya ako lalo sa papuri ni tita. Si alexis naman ay titig na titig parin dito.

"May i see?" Iniabot ni Alexis kay tito ang frame. Tinitigan ako ni tito are tinignan ng mabuti. "Yeah you're skill is already good. I don't even think you still need practice" papuri rin ni tito.

"T-thank you po"

Nagpresinta ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Matapos maghugas umakyat na agad ako sa itaas. Nadaanan ko pa sina tita at tito sa sala na nanonood ng tv. Hawak ko na ang doorknob ng pinto nang may biglang humila sa siko ko. Napapikit ako sa gulat. Namalayan ko na lang ang sarili ko sandal sa pader at may kamay na kumukulong sa akin dito na para bang ayaw akong makatakas. Inangat ko tingin ko at nakitang si alexis ito na mataman na nakatitig sa akin.

"Thanks for the gift. Kala ko ba hindi ka na magpoportrait?"

"W-wala kasi akong m-maisip na regalo s-sayo" nauutal kong sagot. Damang dama ko nanaman ang bilis ng pintig ng puso ko. Naghalong takot at kaba ang nararamdaman ko.

"I love it" sabi nito at unti unting inilalapit ang mukha sa akin. Ayokong magpadala sa nararamdaman namin. Magpinsan parin kami kaya hindi ito dapat. Buong lakas ko syang itinulak.

"K-kung ganon w-welcome... Matutulog na ako" sabi ko at iniwan sya doon. Pumasok na ako sa kwarto.

Hindi ko maatim na sirain ang pamilyanila dahil sa akin. Sa mga sinabi nya noon alam kong tatalikuran nya ang pamilya nya pag pinagbawalan kami nito. Ayokong mangyari iyon. Manghang mangha ako sa pamilya nila dahil kompleto sila. Hindi ko hahahyaan na dahil sa nararamdaman namin ay masisira ito. Aalis ako. Ako ang lalayo para pareho kaming makalimot. Mahal kita pero para sayo ang gagawin ko. I will stop your feelings for me, alexis and i will try to stop mine as well.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now