CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Nagsisimula na ang laro nila. At tulad ng dati maraming babae nanaman ang nanonood.

Naghanap na kami ng mauupuan ni sabrina. At napili namin umupo sa may babang parte ng court.

"Sino ba ang pinsan mo, anica" tanong ni sabrina ng makaupo na kami.

"Si alexis" simpleng sagot ko. Napangiti ako ng nakita kong nakatingin sa akin si alexis. Nakita ko naman si ivan na kumaway. Ngumiti rin ako sa kanya.

Natutuwa akong makita si ivan. Minsan lang kasi magkaroon ng natetext sa akin kaya natutuwa ako sakanya.

"Ah sya ba. Pero parang hindi kayo magkamukha. Medyo singkit ka kasi at sobrang puti mo. At medyo malayo ang ugali mo sakanya hahaha"

"Hahaha pero totoo pinsan ko sya" natatawa kong sagot sa kanya. "By the way. Invited kayo nina alice sa birthday niya" nakangiti kong sabi sakanya.

"Talaga?" Excited na sabi nya "Pero hindi ko naman kaibigan yang pinsan mo na yan ah" nagtataka na tanong nya. Mabilis magbago ang reaction nitong sis sabrina hahaha.

"Oo. Sabi kasi ni tita magsama ako ng kaibigan" nginitian ko sya ng makitang tuwang tuwa sya.

"Osige. Kailan ba?" Excited na tanong nya.

"Ahm... Next week pa naman"

"Bibili ka na ba ng regalo mo para sa pinsan mo"

"Wala pa nga akong maisip e" nahihiyang sabi ko.

"Sa Sunday punta tayo sa mall" excited na sabi nya.

"Osige" natatawa kong sabi dahil naalis ako sa reaction nya. Mukhang tuwang tuwa sya na pupunta sa birthday ni alexis.

Natapos ang laro nila alexis at inaya akong lumapit ni sabrina sa kanila. Medyo masikip kasi pumunta rin ang ibang babae doon at naglupong.

"Excuse me" inis na sabi ni sabrina. Natatawa naman ako dahil kanina lang ay tuwang tuwa sya ngayon ay mukhang inis na.

"Hello anica" napatingin ako kay ivan na kumaway at lumapit sa amin. Babati rin sana ako sakanya kaso

"Hello ivan" bati ni sabrina sakanya. Mukhang may napapansin ako.

Nginitian naman sya ni ivan. Natawa ako ng biglang humigpit ang hawak sa akin ni sabrina. Tama yata ang hinala ko.

"Kamusta na?" Nakangiting tanong nya. Sasagot sana ako kaso..

"Ayos lang naman" lalo akong natawa dahil naunahan nanaman ako ni sabrina.

"Ikaw anica?" Baling nya sa akin.

"Okay lang" natatawang sagot ko.

"Anica!" Napatingin ako kay alexis na nasa likod na ni ivan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Uuwi na tayo kukunin ko lang ang sports bag ko" seryosong sabi nya bago tumalikod.

Sumunod kami sakaniya. Binati ako ng iba nyang mga barkada. Bumati rin ako sakanila.Kilala ko na sila lahat. Galing sila sa bahay nung isang araw. Nakakatuwa sila. Nung una kasi medyo nahihiya pa ako sakanila dahil puro papuri ang sinasabi nila sa akin. Pero natuwa ako ng magsimula na silang magbiruhan. Nakakatuwa sila kasama. Nagpakilala naman si sabrina sa kanila. Nagkwentohan pa sila

"Let's go" napatingin ako kay alexis na dala na ang bag nya.

"Aalis na agad kayo bro?" Tanong ni Lawrence sakanya.

"Oo. Nakakasawa na kasi kayong makita" natatawang sagot nya dito.

"Ouch. Ganyan ba ang kaibigan" pagdradrama ni kurt kaya natawa na lang kami.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now