CHAPTER 7

0 0 0
                                    

"Ano bang bibilhin mo? Napapansin mo ba kung ano ang hilig nya?" Tanong sa akin ni alice. Naglalakad na kami ngayon sa loob ng mall.

"Ahm... Magbasketball? Manood ng basketball?" Yan lang kasi napapansin ko sa kanya.

"Grabe naman sa tuesday na birthday nya. Patatahi ko ba sya ng jersey nya?" Natatawang sabi ni trixhia.

"Bili natin ng bola?" Natatawang sabi din ni alice.

"Tangeks. Marami ng bola yon. Ring na lang hahaha" sabi ni naman ni sabrina. Palipat lipat lang sa kanila ang tingin ko. Natatawa na lang ako sa mga iniisip nila.

"Haysh. Bahala na nga bilhan ko na lang sya ng relo" sabi naman ni trixhia.

"Damit na lang sa akin. Anong damit ba lagi ang suot ng pinsan mo?" Tanong ni alice. Napaisip ako ss taning nya. Alam ko lagi lang syang nakat-shirt e.

"Plain na t-shirts. Yung iba ibang kulay"

"Ako baka bilhan ko na lang sya ng house and lot hahaha" natawa naman ako sa biglang banat ni sabrina.

"Wow naman. Bili ka muna ng iyo sabrina bago ka magregalo ng ganon" pangiinis ni trixhia kay sab.

"Makita mo. Magiging may-ari ako ng isang sikat na village someday" taas noong sabi naman nya. Nagtawanan na lang kami.

Medyo nahihiya na nga ako kasi nakatingin na sa amin ang mga tao sa kaingayan namin.

Una kaming pumunta sa mga pagbibilhan ng relo. Nagtagal rin kami doon dahil hindi makapili ng maayos si trixhia.

Matapos namin doon ay nagpuntakami sa department store ng mall. Pumunta kami sa mga damit panglalaki. Mabilis lang nakapili si alice. Bumili sya ng limang plain t-shirts na magkakaiba ng kulay.

"Bilhan ko na lang sya ng boxer nya" natawa naman kami sa naisip ni sabrina. Kanina pa sya nagiisip ng ireregalo nya kay alexis. Ako rin nga wala pang maisip na bilhin para sa kanya.

"Wala na bang ibang tumatakbo sa utak mo sab kung hindi kalokohan ah" nagpipigil ng tawa si alice habang sinesermon si sab.

"Okay hahaha seryoso na. Bilhan ko na lang sya ng sapatos na pwede nyang pambasketball" sa wakas may naiisip na syang maayos. "Ano bang size ng paa nya" tumingin sya sa akin.

"Hindi ko rin alam e" nahihiyang sagot ko. Hindi ko naman kasi nakikita ang mga sapatos nya. "Wait text ko si tita tanongin ko sya"

Hinalongkat ko ang cellphone ko sa bag. Nang mahanap ko ito hinanap ko agad ang number ni tita sa contact ko.

"Hello tita. Can i ask? Ano pong size ng paa ni alexis?" -sent.

Kaagad naman kaming nakatanggap ng reply. Agad na dumungaw sila sa cellphone ko ng marinig na tumunig ito.

*Ting*

"Hahaha size 44,sweetie"-tita Elizabeth.

"44? Laki ah. Sabay matangkad naman sya" sabi ni alice.

Hinila na agad kami ni sabrina papunta sa isang shop ng sapatos. Mabilis lang syang nakapili ng sapatos. Plain white ang rubber shoes na napili nya.

"So ikaw anica. Wala ka bang balak bilhan ang pinsan mo" baling sa akin ni trixhia ng makalabas kami ng shop na pinagbilhan namin ng sapatos.

"Wala pa nga akong maisip e" sagot ko naman. Nabili na lahat nila ang mga usually pinagreregalo sa birthday wala na tuloy akong maisip.

"Boxer na lang kasi" natatawang singit ni sabrina.

Sasagot pa lang sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*Ting*

"Nasa parking lot na ako. I hate waiting"-alexis

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now