CHAPTER 12

0 0 0
                                    

Habang kumakain wala silang ibang pinagusapan kung hindi yung samuel. Nakikitawa na alang ako minsan sakanila pagbinibiro ni alice at sabrina si trixhia.

"Kanina ka pa mukhang matamlay anica" nagulat ako sa biglang sinabi ni alice sakin. Totoong kanina pa nga ko nanghihina. Pakiramdam ko ay magkakasakit nga ako

"H-huh? Ah.. h-hindi. Amm hindi lang ako sanay s-sa maraming t-tao" pagsisinungaling ko sakanila. Nakokonsensya man ako pero ayaw ko naman silang mag-alala.

"Sure? You look pale" nagaalalang sabi ni trixhia.

"Yeah. I'm fine" bahagya akong ngumiti sakanila para ipakita sakanila ayos lang ako.

"By the way ito yung regalo ko." Sabi ni sabrina sabay abot ng regalo nya para kay alexis. Inabot rin nina alice yung kanila.

"Wait lang ah. Isasama ko lang sa ibang mga regalo" paalam ko sa kanila.

Muntik ko ng hindi makita ang dinadaanan ko dahil sa tatlong patong na box na dala ko. Dahil medyo natatabunan ng mga box ang dinadaanan ko. Hindi ko namalayan na may babae palang pasalubong sa daanan ko. Pareho kaming na out of balance sa pagkakabungo kaya natumba sa lupa. Rinig ko ang tili ng babaeng natamaan ko. Yung mga regalo na hawak ko ay nahulog rin sa lupa.

"What happen here?" Napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Kita ko ang madilim na mata ni alexis.

Kaagad akong dinaluhan ni aling roseng sa lupa. Tinulongan nya akong makatayo."Sus kang bata ka. Ayos ka lang ba?".

"O-opo" nauutal kong sagot. Tinignan ko ang nabangga ko. Kita ko kung pano sya tinutulongan ni alexis makatayo.

Nagulat ako ng bigla na lang akong sinugod ng babae. " You?. My clothes are very expensive. And now what? Nagagasan na dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" kita ang iritasyon sa mata ng babae.

"I-I'm s-sor-"napahinto ako sa pagsasalita sa sinabi ni alexis.

"Sorry again? Quit saying sorry"naistatwa ako sa kinatatayuan ko sa sinabi nya. So hindi dapat ako humingi ng tawad?.

"Your sorry can't fix my designer dress" maarting sabi ng babae. Lalo akong nayuko nararamdaman kong umiinit ang gilid ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha. We are making scene here. And it's alexis birthday. Nakaramdam ako ng hiya.

"What is happening here?" Tanong ni tita ng makalapit samin.

"Are you okay, my dearest niece?" Tanobg ni tito at hinagod ang likod ko.

"O-okay lang po ako" nag-angat ako ng tingin sa babaeng nabungo ko. "I-I'm so s-sorry. Hind-i ko naman sinasadya" hingi ko ng tawad at pinulot ang mga regalong hawak ko kanina.

"E-excuse me po"paalam ko at naglakad na papunta sa mga regalo.

"Sorry for the scene. Please, continue eating. Hope you enjoy the food" rinig kong sabi ni tito sa mga bisita.

Pagkalagay ko sa mga regalo sa lalagyan bumalik agad ako sa upuan ko kanina.

"Are you okay" tanong agad ni sabrina ng makarating ako sa pwesto namin

"Oo. Ayos lang ako" sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Look. Magpahinga ka na lang muna. Next time nalang natin ituloy yung party natin. Okay" sabi naman ni alice.

"Hindi okay lang ako. Sasamahan ko kayo. May biniling drinks si ale-"

"No. Okay lang kami. Punta na lang tayo sa bar next week." Agap ni trixhia. "And I'm tired. We need rest"

"Tired. O naiilang ka lang kay samuel?" Panu ukso ulit ni sabrina kay trixhia.

"Come on guys. Galing tayo school then nagpunta agad dito. Hindi tayo robot para hindi mapagod" paliwanag ni trixhia.

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now