CHAPTER 6

1 0 0
                                    

"Ahm... Tita aalis po pala ako bukas" sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Oh? Saan ka naman pupunta sweetie?" Nakangiti syang bumaling sa akin.

"Sa mall lang po"

"Maganda yan nagpapaalam ka na. Do you want alexis to come with y-"

"H-hindi na po" pagputol ko sa sasabihin nya. I know it's rude. Nabigla lang ako kasi para sa kaarawan nya yon tas sasama sya?. Bad idea.

"Oh?" Medyo gulat na sabi ni tita. Napatingin naman sakin si alexis na nakakunot ang noo.

"Sorry for cutting your words po. But anyways i'm with sabrina naman po" nahihiyang sabi ko. I think napakasama ko talaga nung nagsalita ako bigla habang nagsasalita si tita.

"It's okay sweetie. Just take care okay?" Ngumiti na ito na parang walang nangyari.

Napatingin ako kay alexis na hindi nagsalita at nakagtatakang nakatingin rin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Pagkatapos kumain ay tinulongan kong maghugas ng pinggan si aling roseng. Nang matapos ay sandali akong umakyat para kunin ang sketch pad at lapis ko. Bumaba muli ako at nagtungo sa likod bahay nila.

May maliit na parang garden sila dito. Naghanap ako ng magandang bulaklak at nagsimula ko ng iguhitang anggulonito. Matagal na panahon na rin nung huling beses akong gumuhit.

"Can you also draw me?" Napaangat ang tingin ko ng may marinig na nagsalita.

"I'm not that good at portraits" simpleng sagot ko at nagpatuloy sa pagguguhit.

Napatingin ulit ako sakanya ng bigla itong tumabi sa tabi ko at tinignan ang aking ginuguhit.

"Oh? Really? Hindi ka pa ba gumuhit ng mukha noon?" Pinagpatuloy ko ang pagguhit ko.

"Gumuhit na"

"Sino? Probably your first boyfriend?" Hindi pa ba sya tapos sa issue na boyfriend na iyan.

"Wala pa akong nagiging boyfriend" simpleng sagot ko. Sabi nya kanina bata pa ako para doon. Ngayon naman iniisip nya nagkaroon na ako. Ano ba ang tingin nya sa akin?

"That's good. Then, sino ang una mong ginuhit? First lo-"

"Yeah my first love" pagputol ko sa sasabihin nya. Napatikom ang labi nya.

"S-sorry for cutting your words" tinignan ko sya sa mata. Anica, you are being rude again.

"It's okay. So who is your first love?" Napaiwas pa sya ng tingin sakin.

"My mom" nakayuko kung sagot. Naramdaman kong tumingin uli sya sa akin.

"My mom is my first love. She is the only one with me in my darkest days. She is the only one who understand me. She is the only one supporter i have. But sad to say she's gone. Gone forever." Nagulat ako ng bigla nya akong hinila para sa isang yakap.

"You told me that you don't pity me because of that. And I'm so thankful. I don't want to be pity by anyone" mahinang sabi ko habang humihikbi.

"Shhhh... I don't pity you, okay. I adore you" bulong nya sa tenga ko.

"Now if you don't want to be pity.  Stop crying okay" dahan dahan nya inangat ang mukha ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Ngumiti ako. Ganito pala pag may pinsan ka may maiiyakan at makakausap ka sa malulungkot mong araw.

Maaga akong nagising kinabukasan. Usapan namin nina sabrina ay 9 nandoon na. Nagluto ako ng almusal namin. Tahimik lang akong kumain. Nahihiya ako kay alexis sa pagiyak ko kagabe sa kanya. Pakiramdam ko napakabata ko kagabe.

"So what time ka aalis, sweetie?" Baling sa akin ni tita.

"Ahm.. mamayang 9 po dapat nasa mall na" tuloy parin ako sa pagkain.

"Okay ingat ka ah. Padrive ka nalang sa driver natin" sabi ni tita.

"No. Ihahatid ko na lang sya. Malapit lang naman ang gym sa mall. Mag-gym kasi kami nina kurt" napatingin kami kay alexis na biglang nagsalita. Kanina pa kasi sya tahimik.

"Okay. Bale text mo na lang si manong pag pauwi ka na. Para masundo ka. Magtatagal ba kayo sa mall?" Napatingin ako ulit kay tita. Sasagot palang ako ng maunahan akong magsalita ni alexis.

"Hindi sya gagabihin. Bawal baka kung ano mangyari sa kanya. Susunduin na lang kita. I will text you" tamad nya akong tinignan. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang mag-ina

"You are being over protective to her,son. Baka gusto pa nilang magtagal sa mall. Then there you are ending their happiness"

"No tita. Okay lang po. Mabilis lang naman po kami sa mall" agap na sagot ko. Okay lang naman na sunduin nya ako. Maaabala pa si kuya roy.

"Okay, sweetie" tipid na sagot ni tita at nagpatuloy na sa pag kain.

Pagkatapos kumain ay agad akong pumanhit sa kwarto ko. Naligo na ako at nagbihis ng simpleng maong palda at white na blouse.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok. Kaagad na akong bumaba. Nakasalubong ko si tita na paakyat ng hagdan.

"He is already in the car, sweetie. Hinihintay ka na lang nya doon" salubong nya sa akin.

"Sige po. Bye po tita" sabi ko at humalik sa pisngi nya. Nagpatuloy na ako sa pag baba.

"Natext mo ba ang kaibigan mo? Ask them kung nasa mall na ba sila" sabi nya habang binubuhay ang kotse nya. Napatango naman ako at agad na hinanap ang aking cellphone sa bag.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kanila.

"Saan na po kayo" sent.

Matapos ng isang minuto ay nakatanggap ako ng reply galing kay sabrina

*Ting*

"Otw na friend"-sabrina.

"On the way na daw sila" sabi ko at ibinalik sa bag ang cellphone ko.

"Okay. Remember sa mall lang. I'm going to fetch you there" sabi nya habang seryosong nagmamaneho.

I just nod my head as a response. I look outside the car. Tirik na tirik ang araw. Naalala ko si mama. Pag mainit ang panahon gumagawa sya ng ice candy. At yon ang ginagawa namin pampalamig sa maghapon.

Napayuko ako. I really miss you,mom. Kung sinalo ko ang bala ng baril noon. You are still a live now. I am continuing my life because of you. I know i will see you in the other side of this world after my life. And i want to fulfill all of our dreams before my life end.

Naramdaman kong may tumulong kuha mula sa aking mata. Mapait ako napangiti. I really love my, mom.

Nagulat ako ng may pumunas ng luha sa pisngi ko. Napaangat ang tingin ko kay alexis. Ngayon ko lang napansin na nasa mall na kami.

"What's on your mind?" He ask. Nakikita ko sa mata nya ang pag-aalala. He is worried. My cousin is worried.

"My first love" mapait akong ngumiti sa kanya. Alam king alam nya na si mommy ang tinutukoy ki.

"Don't be sad. Baka hindi na kita payagan lumabas sige ka" pagbabanta nya sakin.

"I'm okay. Naalala ko lang sya bigla. She use to make ice candy when the weather is really hot" ngumiti ako sa kanya. Nakita ko parin ang pagalala sa mata nya.

"Seriously. I'm okay see" i let him see my sweetest smile.

"You sure?. Just text me when you need something or you want to go home. Okay?" Nakangiti akong tumango sa kanya.

I'm okay. I should be for my mom and... For my cousin...

Can i STOP my FEELINGS? (Series 1)Where stories live. Discover now