Prologue

1K 21 1
                                    

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na I don't like girls Diana?!. Kaya will you please take your filthy hands off me?!. Baka mahawaan pako ng katiboan mo. Tara na girls." Sabi ni Franki habang mukhang diring diri sakin. Hindi ko rin naman sya masisisi eh. Hindi ko rin ginusto to.

Ang totoo nyan hindi ko narin alam ang gagawin ko. Akala ko talaga totoong kaibigan ko si Franki, na tatanggapin niya ako. Pero siya ang pinakaunang tao na pinagtabuyan ako. Pinandirian at minaliit ang pagkatao ko.

Naaalala ko pa nga isang beses,

"Sa tingin mo magugustuhan ka nito ni Franki?. Haha baka masuka pa pwede hahaha. Tingnan mo nga itsura mo, kahit students ng SPED di ka papatusin hahaha." Sabi ni Argel habang pinagtatawanan lang nila ako ni Franki. Sobrang sakit nun.

Sabihin nalang nating hindi uso ang beauty ko. For short, hindi ako maganda. Okay lang naman ako nung elementary, pero ewan ko ba kung bakit naging medyo pabaya ako sa sarili nang mag-high school.

Pero kahit maraming nanghuhusga sa itsura ko, isa ako sa mga outstanding students sa school. At varsity player ako ng volleyball sa school namin. Madalas nasa school ground lang kami nagtetraining tuwing hapon kaya bilad ako sa araw tapos puro pa tigyawat kaya tinutukso nila akong Pinipig. Tapos boyish pako. Nasanay narin ako na binabato nila ako ng itlog everytime na dumadaan ako ng hallway kaya nakasanayan ko narin na magdala lagi ng extra na pambihis.

While kabaliktaran naman kay Franki. Lagi syang nananalo sa mga beauty contest sa amin sa school. Talagang kahanga-hanga ang ganda nya at talino pero ayun lang, she's a bad bitch.

Kaya nang malaman ng whole school na may gusto ako kay Franki, tinawag nila kaming the Butch and the Bitch.

Hanggang sa di nako nakapagtiis at nagtransfer agad ako sa ibang school after junior high school. Para narin makatakas sa kahihiyan at makalimutan na ng tuluyan si Franki.

Buong summer, hindi ako lumabas ng bahay para maibalik ang dati kong kulay. I took a lot of skin care products para mawala na ang mga tigyawat ko dahil gusto kong ayusin na ang buhay ko at malayo sa panghuhusga.

Naging sobrang conscious ko sa sarili ko. Araw araw kong pina-practice ang tamang tayo, kilos at lakad ng isang disenteng babae. Kasabay nun ang panlalabo ng mga mata ko kaya napilitan akong magsuot ng glasses. Hindi naman yung nerdy type. Parang fashion glasses nga lang eh. Ayaw kasi ni mommy na nagsusuot ako ng contact lenses kasi hindi daw yun safe.

At naging masaya naman ako sa kinalabasan.

He Loves Me, She loves Me NotOnde histórias criam vida. Descubra agora