Chapter 20

361 10 0
                                    

Franki's POV

5 days later. 1 hour nalang highschool reunion na namin, tapos traffic pa.

"Franki, narinig mo na ba ang nangyari kay Diana?." Tanong sakin ni Maza, siya kasi nag offer na ihatid ako sa venue.

Nang sabihin niya yun, biglang naalala ko lahat pati na ang pananakit ko sa kaniya. Matagal ko na yung pinagsisihan. Narealize ko na hindi yun deserve ni Diana. Mabuti siyang tao, halimaw ako.

"Franki.."

"Yeah yeah, what were you saying?."

"Si Diana. She lost her memories five days ago. Kaya you don't have to worry about crossing paths with her."

"You think so na kapag nalaman nya yung ginawa ko sa kanya noon mapapatawad niya ako?."

"Oo naman. Bakit hindi? Pero warning lang, she's gonna be a wife and a mom soon."

"Anong ibig mong sabihin?."

"Alam mo na as cliché as it sounds, naaalala ng puso ang nakalimutan ng isip. Pano kung mahulog siya ulit sayo at piliin ka niya? What if she choose to cancel that wedding?."

"That doesn't happen in real life. Hindi ito teleserye Maz."

"I know but it already happened before. She fell in love with you twice kahit labag sa loob niya. Franki, masisira ang pamilyang nabuo niya."

"Maza, wala naman akong planong landiin siya. Sabihin nga nating nahulog siya sakin twice, pero wala namang nangyari samin diba? Alam mo bakit? Because I am straight and I would never fall for her."

"Hindi naman yan ang sinabi mo 2 years ago."

"What?."

"You were so drunk nung birthday ko, remember? At ng gabing yun, you said something that I never expected you to say."

"A-are you sure?."

"Oo. Bakit naman ako gagawa ng storyang hindi totoo?. Kaya wag ako Franki, kasi hindi mo ko maloloko. You can't tell me na wala lang sayo yung mga nangyari sa inyo ni Diana dati, kasi I know na kahit ilang beses mo pang ideny, hindi yun mababago ang katotohanan na tinamaan ka."

"H-hindi totoo yan. That's ridiculous. Ako? Mahuhulog sa babae? Yuuuck."

"Sige, lokohin mo pa yang sarili mo. Sino sating mahihirapan ngayon?."

Wag mo nakong pilitin pa Maza, hindi ako pwedeng umamin.
Hindi kailanman.

..

Kiara's POV

Nasa venue na kami at kasama ko si Diana at Argel sa table. Nasa kabila sina Veah at Gazini. Nag-usap na sila ni Diana kanina at nagpakilala. Pareho silang nalungkot sa nangyari kay Diana, ngayon parang nakatunganga lang lagi si Diana. Sobrang tahimik niya. Ibang iba sa Diana na nakilala ko.

Parang takot lagi ang mukha niya.

"Diana, are you okay?." Alala ko sa kanya.

"Uhm cr lang ako." Paalam niya.

"Sasamahan na kita."

"Wag na. Okay nako, kaya ko." Sabi niya sabay ngiti at tumayo na.

He Loves Me, She loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon