Chapter 1

543 12 0
                                    

Franki's POV

Pasukan na ng senior high. Lumipat ako ng school para hindi na makita ang nakakasukang pagmumukha ni Diana. Sobrang excited ko na nga eh kasi classmates ulit kami ni Argel.

The reason why hanggang fling fling lang kami is because sa pagiging playboy niya, nakakainis. Kahit ngayon, first day palang ang dami na nyang nilalandi. Pero umaasa parin ako na kaya ko syang patinuin.

Nasa classroom na kami. May nakadikit nang name tags sa upuan namin at mabuti nalang talaga kasi seatmates kami ni Argel. Kaya lang, ayan na naman sya sa mga babae niya. Nakakairita.

"Hi, I'm Veah." Pakilala sakin ng isang tumabi sakin.

"Sinong may sabing may paki ako?." Pagtataray ko dito kaya di nalang pinilit magpakilala.

Hanggang sa may biglang pumasok. Napalingon ang lahat sa kanya. Oh ano naman kung maganda sya?. Mas maganda parin ako sa kanya. Nagsitakbuhan na agad ang mga lalaki para magpakilala sa kanya. Wow, artista?.

Mukha lang syang model pero for sure may putok yan. Teka, si Argel gago talaga. Ayun, kasali din sa nagpakilala.

"Kilala mo ko?. Ang saya naman haha. San ka ba nag-aaral dati?. Talaga?. Same pala tayo, Franki--schoolmate natin. Ano ulit pangalan mo?." Rinig kong sabi ni Argel.

"A-andito si Franki?." Narinig kong sabi nung babae. Bakit parang big deal girl?. Well siguro, she's a fan or something. I get that a lot lalo na when I started vlogging.

"Oo, ayun oh. Franki halika nga dito, magpakilala ka--"

"No thanks. Not interested." Sabay irap ko at nanatili lang sa upuan ko habang kinakalikot ang phone ko.

"Ha, the same old Franki." Sabi nung babae na magpakuha ulit ng attention ko.

"Magkakilala ba kayo?." Tanong ni Argel.

"Kilalang kilala." Sabi ng babae staring at me kaya napatayo ako at lumapit sa kanila.

"Tabi." Sabi ko sa classmates namin. Natakot naman sila at nagsiupo na.v

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Ngayon nga lang kita nakita. Sino ka ba?." Pagtataray ko sa kanya.

"Grabe naman, nagdaan lang ang summer di mo na agad ako kilala haha. Ako parin to--"

"Alam mo, diretsohin mo na nga ako. Sino ka ba talaga?. Magkakilala ba tayo?." Sabi ko na sobrang naiirita na.

Di sya sumagot, bagkos at tinuro nya lang ang upuan na nasa likod ko.

Diana Mackey.

At gulat kaming nagtinginan ni Argel. Pero talagang tulala lang si Argel.

"No freaking way--"

"Haha surprise." She said with a smirk sabay upo na.

"Pati ba naman dito, sinusundan mo parin ako?!."

"Bakit ko naman gagawin yun?." I swear that she's getting into my nerves.

"Because you're inlove with me--"

"Talaga?. And you think hindi pwedeng magbago ang isip ko?. Franki, I've moved on. And I made sure na itong nararamdaman ko sayo ngayon, nothing but hatred. So, get out of my sight if you don't want a miserable life." Where did she get all the confidence?. Hindi ito yung Diana na kilala ko. The Diana Mackey I know is a loser.

Arrrrgh. Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at sumunod naman si Argel tila naguguluhan parin.

Recess.

Pati dito sa cafeteria ay pinag-uusapan parin si Diana. And she really did found two friends. My annoying seatmate Veah and Diana's seatmate Gazini. Sobra akong nabubwisit na ayoko man lang silang tingnan. Ang sakit sa mata.

"Grabe talaga no?. Yung nilalait lait lang natin noon may tinatago palang 'agh' alam mo yun, sobrang ganda't sexy. Kung ganyan lang sya dati, siguro pinatulan ko na yan."

"As if naman, eh ako parin ang gusto. Tibo nga diba?." Sabay irap.

"Uy, sabi nya move on na sya sayo. Expired ka na hahaha. At saka hintay hintay ka lang, gagawin ko yang babae."

"Seryoso ka ba?. Porket maganda na sya--"

"Oops. Franki, yang issue nyo--it's all in the past. Bagong chapter na ngayon. Alam mo, di ko nga akalain na magiging sobrang ganda at feminine nyan ni Diana ngayon. Support nalang please."

"Bahala ka sa buhay mo."

At pati ba naman sa class discussions, bida bida itong Diana na to. Kaya syempre, di ako nagpatalo. Oo, ganito talaga sa school namin, first day of school palang nagkaklase na kami.

STEM kami.

"What do you call the programs that are used to find out possible faults and their causes?. Yes Franki?."tanong ni Miss Bee.

"Diagnostic software ma'am."

"Very good. How about the type of computer that is a client computer in a client-server system?. Yes, Diana--"

"Microcomputer po Miss."

"Very good din. Kaya lang gusto ko ring ipaalam sa iba na estudyante din kayo. Bakit sila lang Diana at Franki ang sumasagot dito?."

"Eh kasi Miss Bee, first day of class pa kaya tapos nagkaklase na agad tayo." Reklamo ni Argel. As usual.

"Mr. Reklamador, pinapaalala ko lang sayo na andito kayo para mag-aral at binabayaran kami para turuan kayo. Kaya mapafirst day or last day of class pa yan, wala akong pakialam. Yan ang patakaran dito. Kung ayaw mo ng klase ko,lumabas ka." Grabe, nakakatakot pala tong teacher namin sa ICT. Tiklop tuloy si Argel.

Yun ang last subject namin ngayong umaga. Actually, half day lang ang classes. Hanggang sabado nga lang. Pero okay na kasi makakagimik pa kami.

Pauwi na kami,

Sumabay nako kay Argel at nagpahatid na sa dorm ko.

"Gimik tayo ngayong gabi Argel--may pa-party si Maza."

"Sasama nako pag andun si Diana."

"Diana na naman?. Alam mo nahihibang ka na sa babaeng yan. Kanina ka pa."

"Bakit ka ba nagagalit?."

"Ewan ko sayo."

"Tingnan mo to. Nagtatanong lang eh. At saka Franki, feel ko iba na'to. Parang magtitino nako."

"As if naman mangyayari yun."

"Alam mo iba talaga eh. May kabog. First time kong naramdaman yun. Siya na siguro ang the one."

"Siraulo ka. May pa the one the one ka pa. Alam mo, sinabi ko na kasi sayo na tayo nalang."

"Franki--napag-usapan na natin to diba?. Akala ko ba nagkasundo na tayo na maging friends?. Tinry ko naman eh, pero iba parin. Ayaw kitang saktan."

"Bakit si Diana pa of all people?. Alam mo namang I hate losing, especially from that girl."

"Franki, everything is not about competing to be the best. If you love me, let me go. Hayaan mo, hahanapan kita ng makaka-date."

Pero ayoko ng iba, gusto ko ikaw. Ikaw lang.

He Loves Me, She loves Me NotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora