Chapter 13

351 9 0
                                    

Franki's POV

Sino ba tong sobrang ingay? Distorbo. Tulog mantika parin si Diana sa tabi ko. Nagising ako dahil sa katok. Pagbukas ko si Sky lang pala.

"Ano? Natutulog yung tao eh." Reklamo ko.

"What are you doing here?." Takang tanong ni Argel sakin.

"Sinasamahan ko lang si Diana. Ayan tulog."

"How is she?." Tila nag-aalalang tanong ni Sky.

"Medyo bumaba na ang lagnat niya."

"Ganun ba? Sige, pakisabi babalik nako mamayang gabi."

"Wag."

"Huh? Bakit?."

"S-sabi niya kasi a-ayaw ka muna niyang makita ngayon. Baka mahawa ka."

"Eh ikaw, siguro naman buong hapon kayong magkasama parang okay ka naman."

"Ay basta. Kabilin bilinan ni Diana, wag ka munang magstay dito hangga't di pa siya okay."  Sinungaling ka Franki. Bakit mo naman pipigilan si Sky na samahan si Diana buong gabi?

Syempre, mahirap na. Mabuti na yung nag-iingat. Lalaki parin si Sky. Baka kung anong gawin niya kay Diana.

"Sige. Basta ikaw nang bahala sa kanya ah? Dito ka ba matutulog ngayong gabi?."

Sige, panindigan mo yan. Nakatingin lang sakin ng nakakaloko si Argel.

FLASHBACK

"Sige. Deny mo pa. Pustahan tayo."

"Kahit ipusta ko pa si Cleopatra. I would never fall for that girl. Come on. You know me, I don't like girls like that."

"Edi maghanda ka nang umiyak. No Cleopatra, no mommy Franki. You're such a terrible mother."

EOFB

"Ah eh oo."

"Sige sige. Okay na pala eh. Tara na Argel." Naunang bumaba ni Sky.

"Susunod ako. May pag-uusapan lang kami saglit nito ni Franki."

Nang makalabas na si Sky.

"See? I told you. Mahuhulog ka rin." He said smirking.

"I'm not falling for Diana." Mahina kong sabi rito.

"Really? So ano yun? Bakit hindi mo pinayagan si Sky na samahan si Diana?."

"Malay ko ba kung manyakis ang lalaking yun. Concerned lang ako."

"He is her boyfriend."

Kung alam mo lang talaga Argel.

"Kahit na. Lalaki parin siya."

"Sinasabi mo bang mas safe si Diana sayo kasi babae ka?."

"Yes."

"Hmm. So dito ka nga matutulog?."

"Hmm o-o?."

"Bakit parang hindi ka sigurado?."

"Sigurado ako. I'm sleeping here tonight with Diana."

"Alam na ba to ni Tita Arlene?."

"Hindi. Pero I'll tell her, soon."

"Okay. Sabi mo eh. Good luck. Wag mong gagahasain si Diana ah?."

He Loves Me, She loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon