Chapter 22

398 9 4
                                    

Dino's POV

Break na namin after ng pagkahaba habang meeting with the investors nang tawagan ko si Kiara,

Tumuloy ba yung Franki para bantayan si Diana?

Oo pero parang si Diana lang ang ayaw.

Bakit naman?

Personal issues.

Naku, hindi siya gagaling agad dyan sa katigasan ng ulo niya. Sige, pagsasabihan ko yun. Dapat kasi may nagmomonitor ng mga kinakain niya.

Sana naman pumayag na si Diana.

Ano ba kasi ang issue niya dyan sa Franki na yan?

Basta, mahabang storya.

Sya nga pala, yung ipinapatrabaho ko sayong budget report? Kailangan ko yun bukas. Nakahanap na kami ng lupa para sa paglalagyan ng solar panels.

Opo Sir Dino, natapos ko na po. Email ko nalang sayo mamayang gabi.

Sige, salamat Kiara.

Sige Sir.

Eoc

"Boss, andun na po sa labas ang may-ari ng lupa." Tawag sakin ni Wealand kaya lumabas na ako agad.

..

Franki's POV

Sinundan ko si Diana at sumakay narin sa taxi na sinakyan niya,

"What the--"

"Kung saan ka, dun ako dapat."

"Manong sa asdfghjkl nga po." Sabi niya sa driver.

"Alam mo, makukunan ako sa ginagawa mo."

"OA naman. Diana, I'm here to take care of you and your baby. At saka request to ng fiance mo. Wala naman akong gagawin para sa ikakapahamak mo."

"Ewan ko sayo."

Pagdating sa bahay nila, I offered na ako na magbibitbit ng mga pinamili namin. Wala na akong pakialam kung mahirapan man ako dahil sa rami at bigat. At least I'm with Diana at natutupad ko na ang gampanin ko.

Nakita ko ang mga pictures nina Diana at ng fiance niya sa frames na nakalagay sa mga ding ding ng bahay. They look really happy.

Dino is a decent man who's obviously financially stable. Pang CEO ang peg. Physically, siya ay matangkad, tisoy, na parang maala Richard Gutierrez ang dating at mukha. He's so much better than Sky.

Dumiretso siya sa kwarto nila para matulog while nagluto naman ako ng para lunch namin. Healthy veggies lang naman.

12 na. Tinawag ko na si Diana para kumain, pero nang kumakain na siya biglang,

"Pwe. Ano ba tong luto mo? Ang pangit ng lasa." Reklamo niya.

"Normal lang yan sa buntis. Kainin mo nalang, makakabuti naman yan sayo eh. Wag mo nang isipin ang lasa. Kailangan mong kumain."

He Loves Me, She loves Me NotWhere stories live. Discover now