Chapter 3

437 13 1
                                    

Franki's POV

Pagkatapos ng klase namin, hinatid nako agad ni Argel sa dorm. Kasi nga magpapatutor pa sya ngayon kay Diana. Diana Diana, puro nalang Diana ang bukang bibig niya. Nakakarindi na.

I decided to open my facebook account and while I'm scrolling my newsfeed I came across a memory, 2 years ago. Picture namin ni Diana. Nung medyo chaka pa sya at nanalo ako sa isang pageant namin sa school for Miss United Nations. I represented New Zealand at I won. Caption pa nya, Congratulations to my most beautiful besh. You deserved it.

FLASHBACK

Isang gabi, habang nasa ball field kami ng city. Nakaupo lang kami habang pinapanood ang mga tao sa paligid na may kanya kanyang mga mundo.

"Pano kung di ako manalo dun?."

"Okay lang. Everything is not about winning naman Franki. At kahit naman di ka manalo, para sakin the best ka parin. Ikaw ang pinakamaganda at pinakamagaling para sakin." Diana sincerely said.

..

Grade 9.

"Bakit mo ginawa yun?!." Palabas ng school.

"Kasi Franki, gusto kita--gustong gusto kita. Hindi,mali. Mahal--" Sinampal ko sya sa sobrang inis.

"Nakakadiri ka!. Diana, di mo ba nakikita?. Babae ako!. Pareho tayo!. Hindi pwede!."

"Pero wala akong nakikitang mali--"

"Pwes, magpa check ka ng mata, magpa psychiatrist or magpa-rehab, wala akong pakialam. Nababaliw ka na!."

..

Grade 10. Hindi parin niya ako tinitigilan. At nakakainis na bawat araw. She's giving me gifts na tinatapon ko lang naman sa basurahan.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na I don't like girls Diana?!. Kaya will you please take your filthy hands off me?!. Baka mahawaan pako ng katiboan mo. Tara na girls." Sabi ko kina Maza, Jodie and Julia.

Pagdating namin sa bahay ni Maza para tumambay, umiyak lang ako.

"Franki,hindi mo kailangang maguilty. She deserved it. She's a freak anyway." Sabi ni Maza.

"But Diana's still my friend Maza."

"For you, she is. Pero kaibigan ba ang tingin nya sayo?."

"Maza's right Franki. At saka, hindi mo ba naisip?. These  whole time, she's taking advantage of you lang pala. Like ew. Baka sunod nyan she's gonna touch or even try to kiss you or something--" sabi ni Julia.

"Ew Julia, that's so gross. Why would you even dare say that?. Kaya Franki, okay lang yan. So what if you're gonna hate her?. You have a reason to naman." Jodie said.

EOFB

Simula nun, I forced myself to believe that I hate Diana hanggang sa naging totoo na nga. I'm always annoyed by her presence. Lalong-lalo na ngayon na masyado syang epal.

Hindi ko namalayan na nakatulog nako. Nagising nalang ako ng gisingin ako ng isang roommate ko. Si Jamie.

"Franki, andun si pogi si baba. Dinner daw." Sabi nya. 7 na pala ng gabi. She's referring to Argel. Nagmadali naman akong magbihis at mag-toothbrush saka bumaba.

"Milagro ah, nag-aya ng dinner. So, how's your tutoring session with Diana the Great?. Sabi ko naman kasi sayo sakin kana--"

"It turned out great. At saka sobrang thoughtful nya."

"Sya sya, tapos na ang Diana time. Ako naman--"

"Actually, sasama sya satin mag dinner. Andun sya sa kotse, naghihintay."

"Ano?!. So parang third wheel pala ako nito?."

"Wag kang mag-alala, sinama ko naman si Wealand eh."

"Kahit na, ayokong makasama ang babaeng yun. Dalawang buong magkasunod na araw ko na syang kasama at nakikita. Ayoko."

"Libre nya."

"Edi go. Tara na, ang bagaaal." Hila ko kay Argel.

Patay ka saking Diana ka, libre mo pala ah. Tamang tama, simula pa kaninang tanghali akong hindi pa kumakain.

Nasa passenger's seat si Wealand so meaning makakatabi ko ngayon dito sa likod si Diana na busy naman sa phone niya.

Nagbatian lang kami ni Wealand at umupo ako far enough from this btch.

Pagdating namin dun syempre, gusto kong makabawi kay Diana. Sobrang dami kong inorder. Butas ngayon ang bulsa mong impakta ka. Wahahaha.

"Hindi ka naman masyadong matakaw no?." Sabi sakin ni Diana.

"Wala kang paki. At saka ikaw naman magbabayad eh." Sabi ko with an inside smirk. Bakit ba magkaharap kami ng babaeng to?.

"Eherm. Ah Diana, okay lang naman sakin--ako nalang magbabayad ng lahat." Suggest ni Argel.

"Hindi. Okay lang Argel. Ako nag-aya kaya dapat ako ang sumagot. Nakakahiya naman dito sa kaibigan mong sobrang arte pero kung makakain parang elepante."

"Siguraduhin mo lang na mauubos mo lahat ng in-order mo Franki ah." Sabi sakin ni Wealand.

Hindi naman problema yun. Kasi talagang gutom na gutom nako. So hindi ko alam kung pano umabot sa 5k ang kinain namin ng gabing to pero atleast naisahan ko na si Diana, nabusog pako.

Sa susunod na araw, buti nalang talaga walang PE. Heaven.

Recess.

Nasa kabilang table lang si Diana kasama sina Veah at Gazini. Nagkukwento lang si Argel ng kung ano ano pero di naman ako nakikinig.

"Diana, ano bayan?. Yan lang kakainin mo?." Tanong ni Gazini.

"Nagtitipid kasi ako eh. At saka okay nato. Diet rin ako." No, Franki. Wag kang maaawa sa kanya.

"Naku, hindi pwede yan. Eto--take my burger. Bibili nalang ako mamaya ng iba." Sabay bigay ni Veah rito.

"Wag na, nakakahiya naman. Okay lang talaga ako Veah. Busog pa nga ako eh." Sinungaling ka talaga Diana.

"No, Diana--I insist. Sayo na yan." Pilit pa ni Veah.

"Busog pa talaga ako. Okay natong salad." As she faked a smile. Kaya di na sya pinilit ni Veah. Bahala ka Diana, sinong gugutumin satin ngayon.

..

Diana's POV

Magugutom ako ng isang linggo dahil binusog ko si Franki ng isang gabi. Di naman ako galit sa kanya eh, galit ako sa sarili ko kasi hinayaan ko syang gawin yun sakin.

Diana, ano ba?. Diba Naka move on ka na?. So bakit lumalambot ka na naman pagdating sa babaeng yan?.

Magkasama kami ni Argel sa pag-uwi dahil itotutor ko pa sya sa apartment ko. Pagdating namin, may kinuha sya sa bag nya.

"Sya nga pala Diana--may nagpapabigay sayo." Sabay abot niya sakin ng isang tupperware ng pagkain. Uy adobo, paborito ko.

"Kanino naman to galing?."

"Sabi ni Franki wag ko daw sabihin sayo kaya secret haha." Biro nya.

"Ayoko nyan, baka may lason pa yan. Alam mo namang sobra ang galit ng babaeng yun sakin.”

"Wala. Walang lason yan. Baon nya yan for today. Nalaman nya kasing nagtitipid ka, baka di ka narin kumakain."

"Pinaglololoko mo ba ako?. Walang konsensya ang babaeng yun. Kaya impossible."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Sabi ko naman kasi sayo, di ganun kasama si Franki. Masama lang ugali nun minsan pero hindi naman sya masamang tao."

Franki, bakit mo ba to ginagawa?.

He Loves Me, She loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon