Chapter 16

389 14 2
                                    

Franki's POV

Sumunod din agad si Diana.

"Great, the desserts are finally here. This one babe, you should taste this." Subo ni Diana sa isa sa desserts kay Sky. Dahil dun, lalong uminit ang ulo ko.

"Mmm. Yeah ang sarap nga babe." Sabi ni Sky.

Napabaling ako kay Argel at napansing may sauce na sa pisngi nya. I should be disgusted pero what I did was wipe it off with the tissue on the table. You think ikaw lang ang marunong Diana ah.

"Thank you Franki." Sabi ni Argel sakin.

"Aweee ang sweet nyo naman. Kagatin sana kayo ng langgam hahaha kidding." Sabi ni Diana. Bitter.

"Babe, ang lamig na dito." Arte pa nito sabay yakap kay Sky.

Ew pabebe. I know Sky's gay and they're just pretending kaya hindi ako dapat affected, so why am I feeling like this? Like I wanna grab a gun and shoot this man with Diana. It doesn't make sense.

Nanood kaming apat ng sine pagkatapos. Argel-Me-Diana-Sky
Habang nanonood kami, nakayakap lang siya kay Sky. Ang landi. Tsk. May paholding holding hands pa at nagsusubuan ng popcorn! Nakakairita.

Kaya ginawa ko, tinabig ko intentionally ang cup na nasa handle ng upuan para mabasa ang damit ni Diana.

"What the--"

"Naku, sorry. Di ko sinasadya." Sabi ko like I didn't mean my apology.

"Franki, kanina ka pa. Last na talaga.." warning ni Diana sakin na halos pabulong. Syempre, hindi talaga ako nagpapatalo.

"Really? Don't worry D, may extra shirt naman ako sa bag. Excuse us lang saglit guys ah?." Paalam ko sabay hila kay Diana.

Sa CR. Walang tao.

"Look what you did to my shirt." Hindi ako makapaniwala na nagagalit siya sakin because of her goddamn shirt.

"Yeah I know. I did that on purpose. Ang landi mo kasi, buti nga sayo." Pagtataray ko dito.

"Aminin mo na kasi, nagseselos ka."

"Hindi nga ako nagseselos."

"Then why are you acting like this?."

"Kasi naaalibadbaran akong makita kang sweet sa iba. Ano? Masaya ka na?."

"So, nagseselos ka nga. Oo at hindi lang naman sagot dyan Franki eh. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo?. Just admit it. You're jealous."

Natahimik ako. Pakiramdam ko iiyak nako.

"Bakit ka kasi ganyan?."

"Huh?."

"How can you confess your feelings for me and be the same to someone else? Hindi ba pwedeng panindigan mo nalang yung nararamdaman mo para sakin? Hindi ba pwedeng magpakatotoo ka nalang? Kasi naguguluhan nako Diana." I cried at tumakbo na palabas. Hindi nako bumalik at sumama sa kanila.

He Loves Me, She loves Me NotWhere stories live. Discover now