Chapter 4

476 10 1
                                    

Franki's POV

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa, lalo na kay Diana. Bakit bako naaawa sa kanya?.

Kinuha ko na sa laundry shop ang mga damit at uniforms na pinalabhan ko. Naalala ko yung nakita ko si Diana sa dressing room at ang katawan niya. Sht. Franki, kailan ka pa naging manyak?. At saka sa babae talaga ah?.

Will you just stop thinking about her?.

Umuwi nako sa dorm at nakita ko si Kiara. Wait, dito rin pala sya nakatira?.

"Oh hey, you live here?." Tanong niya.

"Oo."

"Great, di kita napansin dito ng first day eh. Bukas, PE ulit. If you want, I'll ask Diana to really assist you ng tama. Tinitingnan ka lang nya at pinagtatawanan, and I think that's really wrong."

"Thanks for the concern but I don't really need that girl's help, I could do it on my own. Practice lang kulang sakin."

"Pero if you need help, I'm here lang ah."

"Okay, thank you Kiara."

"Sige. See you around."

Umalis na sya.

OMG am I really hearing myself right? Marunong na akong mag-thank you. No no no, hindi pwede. Franki, hindi ka mabait.

KINABUKASAN

"Ano ba?! Franki, sobrang simpleng bagay hindi magawa!. Ang lapit lapit lang nyan for a service--Diana, don't just laugh there! Assist her!." Sigaw ni sir Gino. Lumapit naman si Diana sakin at hinila ako sa gilid.

"I can't believe na nadamay pa ko dahil sa pagiging slow mo." Reklamo niya.

"Hindi ako slow. Sobrang hirap kaya ng pinapagawa at FYI lang ah di ko kailangan ang tulong mo."

"Talaga lang? Nakita ko pa naman na 8 over 20 lang ang grade mo kay sir nung isang araw haha. Tapos sasabihin mong hindi mo kailangan ang tulong ko?. Well, okay lang din sakin. Your loss." Paalis na sana sya nang pigilan ko sya.

"Oo na. Eto na, magpapatulong na ako. Pano ba--"

"Bend ka ng bahagya--" tinulak ko siya bigla dahil nagulat ako.

"A-anong ginagawa mo?."

"Assisting you, ano pa nga ba?." She said rolling her eyes.

"B-bakit mo hinahawakan ang bewang ko?."

"Aba malamang. Alam mo ginaguide lang kita, kung ano ano na yang iniisip mo. Gosh."

"Naninigurado lang, mamaya nyan minamanyak mo na pala ako ng wala akong kaalam-alam."

"Hindi ako ganun."

"But you like girls."

"Correction, I just liked you." Natahimik nalang ako. Ewan ko, why are my cheeks heating up?

Napangiti sya.

"You're blushing." She smirked. Napahawak ako sa mukha ko.

"H-hindi ah. Over my dead sexy body."

He Loves Me, She loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon