Chapter 19

380 10 1
                                    

Diana's POV

"I know." Napatingin kami kay Franki. Wait, alam niya?

"Hanggang ngayon marupok ka parin haha. Do you actually think na mahuhulog ako sayo? Kahit mag-iba ka pa ng panlabas na kaanyuan Diana, babae ka parin. Kaya hinding hindi ako magkakagusto sayo. You know, I deserve an award for this. I fckin convinced you btch. Surprise haha. You lose." Franki smirked. Biglang kumirot ang puso ko.

"Bakit?  Bakit sa lahat ng pwede mong paglaruan, feelings ko pa?!. How could you do this to me?!."

"Simple lang Diana. Because I can and I'm not stupid enough to fall for you. Kung nag-ingat lang sana yang mga kaibigan mo nung pinag-uusapan nila ang plano mo sa CR, siguro talo ako ngayon. You almost convinced me."

"Pero yung mga nangyari, we shared kisses at yung--"

"Yeah, that was disgusting. But I have to do that to be more convincing. Nagwork naman diba? Haha."

"Teka, kasali pa ba ako dito?." Sky interrupted.

"Hindi. Kaya please, lumayas ka na dito. Marami pa kaming pag-uusapan nitong EX Girlfriend mo." Tulak niya kay Sky palabas.

Naiiyak na ako,

"Wala kang puso. Alam mo yun? Nagsisisi ako na nakilala kita at minahal kita ulit! Napakatanga ko! Ang tanga tanga ko!. Sana pinatay mo nalang ako kaysa saktan ng ganito! I was so scared of hurting you tapos parang ang dalidali lang sayo na saktan ako!.."

..

Argel's POV

FLASHBACK

Hinatid ko na si Diana, kasama ko ngayon si Franki sa kotse ko para ihatid siya.

"How on Earth did you end up falling for Diana? You despised her."

"You're bad at science and math right?."

"Wag kang magchange ng topic, seryoso ako."

"Sagutin mo nalang kasi. What do you do when you're bad at something?."

"I hate it?."

"How would you love something you hate?."

"Hindi ko alam, pano ba?."

"Simplify complex things. Learn it, pay more attention to it, understand it deeper. If you're not interested enough, just stop."

"What's your point?."

"Loving doesn't have to do with them or because there is something about them. It has something to do with how you learn to love the ones you thought are impossible to love. That's the reason why most people don't know the exact reason why they fell for the person. It's called true love. You see more of what you're capable to give than what you can get from them."

"So, tinamaan ka because you understood her?."

"Sino bang may sabing tinamaan ako? Hindi lahat ng naiintindihan minamahal."

"Pero sabi mo--"

"Keep your friends close and your enemies closer. That's how you outsmart a potential predator. Teach them how to love you, so you can destroy them by breaking their hearts. Sabi nila, mas masakit daw yun haha."

EOFB

She's not really in love with Diana. Nalaman niya ang planong paghihiganti nito kaya sinubukan niyang gamitin laban kay Diana ang napili nitong weapon against her.

That's a smart strategy, more of a defense mechanism so she can break the latter's heart first but I feel bad for Diana. Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito.

..

Diana's POV

She just looked at me like she doesn't care about what I feel.

"Tapos ka na? Pwede ako naman?." Aba. Sa dami ng sinabi ko, eto lang ang reaction niya? Ang sama sama talaga ng ugali.

I hate you Franki, I hate you!

"Nakakatawa lang isipin na mas maraming naging bobo sa pag-ibig kaysa sa math haha. Masakit diba? Ganyan kasakit ang mararamdaman ko if I didn't see that coming. Buti nga sayo! Gagawin mo pakong kabit, ang kapal ng mukha mo!."

"Pero Franki. Minahal kita. Mahal na mahal parin kita. At nakita ko sa mga mata mo, alam kong meron. Na mahal mo rin ako." Iyak ko.

"Isang malaking kalokohan haha. Diana, si Argel ang mahal ko okay? Lalaki ang gusto ko. Yan ang isaksak mo sa kokote mo!."

"Naalala mo ba? Sabi ko sayo, be careful for the lies you tell yourself."

"You think I'm lying to myself? Na hindi kita mahal? Haha joke ba yun?. In fairness nakakatawa hahaha. Hay, makaalis na nga. Sinasayang mo lang ang oras ko, loser."

Sabay alis.

Days, months and years passed by. Hindi na kami ulit nagkita ni Franki hanggang sa nag graduate kami ng college. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Dalawang beses. Dalawang beses akong nagpakatanga dahil sa kaniya.

Sinayang ko ang lahat ng pinaghirapan ko, ang paghihiganti ko sa kaniya. She doesn't deserve any of it. Isa siyang halimaw. Wala siyang awa.

Kung dati galit ako sa kanya, ngayon galit na galit na galit na talaga. I finished school and became a flight attendant.

Recently ko lang nalaman na uuwi narin sa Pilipinas si Franki para magbakasyon, after calling off her wedding. Naghiwalay daw kasi sila ng fiance niya nang malaman niyang he cheated on her. Buti nga sa kaniya.

Pauwi na ako galing sa trabaho isang umaga habang nagdadrive nang biglang,

..

Argel's POV

Nasa opisina kami ni Kiara nang makasalubong ko siya na palabas ng building,

"Where are you going?."

"Si Diana, naaksidente."

"A-ano?!."

"Sige na, kailangan ko na siyang puntahan sa hospital."

"Sasama ako."

Pagdating namin dun, nasa isang kwarto na siya.

"Don't worry. The patient and her baby survived."

"Wait, she's pregnant?." Gulat naming tanong.

"Oo. 6 weeks na. Hindi nyo ba alam?."

"Well, she's getting married next month." Sabi ko.

"Kaya lang may isang kaunting problema."

"Ano po yun doc?." Tanong namin sa doctor.

"The patient lost her memory. Pero temporary lang naman ito. Kailangan niya munang magpahinga."

Amnesia? Hindi pwede. Next month na ang kasal nila ni Dino.

FF

6pm.

Nasa loob na si Dino para bantayan si Diana. Pauwi narin kami ni Kiara.

"Grabe no? Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganun." Sabi ni Kiara.

"Alam mo, may kakaiba akong pakiramdam eh."

"What do you mean?."

"May mali. Hindi ko lang alam kung ano pero may masama akong pakiramdam tungkol dito."

"Well, imagine na walang naaalala si Diana at paggising niya ulit magugulat siya na buntis na siya. That's crazy. She's like born again to be a mom for the first few minutes of her life."

He Loves Me, She loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon