1.4

38 5 0
                                    

Dear Ayesha,

        Hello ulet Maylabs! Miss na miss na kita. Ang tagal mo namang gumising maylabs. Nauunahan ka na tuloy ng iba. Syempre joke lang maylabs. Ikaw lang ang maylabs ko. Kanina maylabs may lumapit sa aking babae tapos binigyan niya ako ng sandamakmak na letters. Habang nakatingin ako sa kanya, naaalala ko ang sarili sa kanya. Kasi ganun din ako sayo ngayon. Di ko masabi sayo ng diretso kaya dinadaan ko nalang sa sulat. Sa totoo nga lang, mas matapang nga kesa sa akin yung babae kanina eh. Kasi siya, naibigay niya ng diretsa sa akin. Ako? Heto dinadaan ko sa sulat habang tulog ka dyan

Kaya gising ka na dyan maylabs. Ayokong maging torpe. Bilisan mo ha?

Nga pala Maylabs. Tinanggap ko yung letters nung babae kanina. Wag kang magseselos ha? Ikaw parin ang maylabs ko. Kaso naaawa lang ako doon sa babae. Kasi naisip ko lang na paano kung ako yung nasa kinatatayuan niya? Tapos di ko tinanggap yung letters niya. Naisip ko na di ko kaya na di mo tanggapin ang letters ko

Sorry maylabs ha? Di naman kita ipagpapalit eh. Ikaw parin ang my one and only maylabs ko. Kaya gumising ka na dyan maylabs. Marami pa tayong gagawin hehe

Ps. Sana Tanggapin mo din yung mga letters ko gaya nung pagtanggap ko sa letters nung babae kanina

Mabait na bata
10:10 Hoshoshi

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now