2.21

13 1 0
                                    

Dear Hoshi,

        After 7 days ngayon ako nagkaroon ng lakas ng loob para makapagsulat sayo hosh. Nung nabasa ko kasi yung sulat mo, di ako makapaniwala sa lahat. Di ko alam pero biglang kumirot yung dibdib ko hosh

Nung una di ako naniniwala talaga. Si ako naniniwala na totoo Ng sinulat mo. Binuksan ko yung ibang sulat mo at inisip ko na siguro may nag copy lang ng sulat kamay mo

Bakit kasi hosh? Bakit ka ganyan? Talaga bang wala kana? Talaga bang nasa ibang bansa kana? Ikaw ba talaga yung lalaki na nakikita namin sa headline ng dyaryo at sikat na sikat ngayin sa school?

Sa mga nagdaang araw walang araw na di ako umiyak. Naiisip ko na ako ang may kasalanan kaya ka umalis hosh. Di ko matanggap na pinili mong mawalay sa magulang mo dahil lang gusto mo akong tulungan. Grabe ka naman kasi hosh eh! Masyado mo naman aking mahal!

Nung una wala akong lakas ng loob na tanungin Kay mama. Pero narinig niya ata at siya na ang lumapit sa akin at sinabi na totoo ang mga sinulat mo. Lalo akong na guilt hosh. Tama nga. Tama nga na nasa korea kana

Sa nagdaang araw nalungkot talaga ako hosh. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko. Pero paulit ulit kong binasa ang letter mo. Ang huling pang 20 na message mo

Naisip ko na siguro di mo rin yun ginawa ng dahil sa akin. Bigla kasi kitang naaalala na sumasayaw sa rooms. At sumasayaw din sa mga dance contest. Siguro nga pangarap mo din na makita at i share sa lahat ng talent mo. At magagawa mo yun sa korea
Dahil doon nagising ako sa katotohanan

Na dapat di ako malungkot. Na dapat kailangan kitang suportahan

Hosh. Okay na ako

Magiging okay na ako

Kaya sana okay ka na din diyan ha?

Ps. Support kita hosh! Ako ang una mong fan! Ay hindi madami pala akong kaagaw amp

Pps. Wag na wag kang lalapit sa girl groups ha? Balita ko ang gaganda nila e. Amp mas maganda ako!

Mas maganda pa sa mga girl groups,
Ayesheyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now