2.3

17 0 0
                                    

Dear Hoshi

         Yan nabasa ko na din ang 3rd message mo sa akin. Aww sayang di ako nakasama sa program na sinasabi mo. Gusto ko pa namang subukan ang iba't ibang program kaso naunahan ako. Bwiset kasi yung lamok na yon. Alam niya kasing yummy ako kaya ako napagdeskitahan niyang kagatin

Wala namn akong sakit sa bato Hosh maylabs kaya wag kang mag alala.

Hosh gising na ako. Pero wala ka. San na yung sinabi mo na liligawan mi ako? Nasaan kana ba? Saan ka ba nagpunta? Talaga bang iniwan mo na ko? Payag naman ako na i kiss mo ako sa lips eh. Wala na akong paki kung sa kasal man natin o hindi. Basta bumalik ka lang

Nga pala Hosh. Yung sinabi mo na sumali ka ng Dance contest. Sus di mo ba alam na may talent ka sa pagsasayaw? Lagi nga kitang tinitignan sa room nyo tapos nakikita ko may ginagawa ka na steps sa cellphone mo. Paulit ulit mong iwinawagayway ang kamay mo sa may ulo mo. Akala ko nga nung una nagpapatawa ka lang.

Pero nung nakita kitang sayawin mo yun ng buo, nagulat ako hosh. Ang galing mo! Lalo akong nainlab sayo hosh. Kaya uwi kana dali! Sasagutin na agad kita

Alam mo ba na Ideal type ko sa lalaki yung magaling sunayaw? Magaling kasi silang sumayaw... Sa kama charoot lang hosh

Hosh 1st love mo pala ako? Ayieee kinilig ako doon hosh honestly. Ikaw din kasi ang 1st love ko e. Saka wag kang papauto kay Wonu. Totoo ang love at 1st sight yun kasi ang naranasan ko sayo eh

Ps. Hosh Nakatayo na ako. Gising na ako. Handa na akong magpaligaw sayo. Kaya umuwi kana please

Hihintayin ka,
Ayeshyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now