1.9

26 3 0
                                    

Dear Ayesha,

         Alam mo ba kahapon maylabs pinagkaguluhan nanaman ako ng mga babae. Sumikat talaga yung video ko maylabs. Pano ba yan? Proud ka ba sa akin maylabs? Hehe para sayo naman yun maylabs. Di ko naman papansinin mga fans ko kasi ikaw lang ang gusto ko

Iku kwento ko nga pala sayo yung barkada ko maylabs. Kilala mo naman sila maylabs diba?.

Alam mo ba maylabs nagjoke kanina si Wonu. Di ko talaga maintindihan yung iba kong grupo kung bakit di sila natatawa, eh sobra namang nakakatawa yung joke niya. :< tapos inasar nila ako na wag daw akong tatawa kasi nawawalan na daw ako ng mata. Ang sama nila noh? Bali na mahal ko naman sila lalo na si Wonu hehe. Si Jun nga pala maylabs ang sarap niyang itapon sa ibang bansa. May bagyo na nga, lalo pa niyang pinapa bagyo naguumapaw kasi sa Self confidence yung baliw na yon

Si Coupscoups hyung naman nilalandi parin si Hanhan hyung. Pero si hanhan hyung gusto niya si Shua Hyung na inglis ng inglis. Pero si shua hyung gusto niya si Coupscoups hyung. Ang gulo no? Di ko nga maintindihan ang tatlong hyung. Isama mo pa si Venom na paliparan ang noo. Inglis din ng inglis eh. Maganda silang pagsamahin ni Kwanie. Tignan nalang natin pag nagsama sila. Best quality daw si kwanie eh

Tapos si aozi naman yung pinakamaliit sa amin minamalas na ata. Minamalas sa height niya. Yan kasi di siya humihingi ng swerte kay Wonu eh. May bag of luck pa naman yun.

Si Memyou as usual maitim parin. Di kasi uminom ng gluta eh. Pero ang kapre nag gu gluta daw siya. Weh? Syur ba siya doon? Bat di siya pumuputi? Kaaway nga pala niya si Hao. Lagi namang nagaaway yung dalawang yun eh. Isang Kapre tapos isang Kawayan

Si Denden di parin nagbabago. Bata parin siya pero di na inosente. Nahuli ko nga yang nanonood ng porn sa Cellphone niya. Sinumbong ko siya kay hanhan hyung ayun pinagalitan siya bwuahhahah. Si DK naman maingay parin. Di naman nagbabago yun eh. Nakakabingi nga minsan

Yun lang naman maylabs. Medyo walang masayang nangyayari ngayon hehe

Ps. Wag kang lalapit kay Jun ha? May feeling ako sa kanya eh. Di feeling na gusto ko siya ha? Feeling ko may gusto siya sayo e

Mapagmahal na kaibigan,
10:10 Hoshoshi

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now