Dear Ayesha
Nag quiz kami kanina maylabs. Ang hirap sobra. Lalo na yung Gen math. Di ko pa naman naintindihan yung mga ilang tinuro ni maam kaya lalong di ko nagegets yung pina quiz niya. Ang ending, 10/30 ko lang maylabs. Nakakalungkot. Mukhang tadhana na sa akin ang 10. Parang mata ko lang. 10:10 hehe
Nga pala maylabs okay na kami ni Jun. Sabi niya susuko na daw siya hehe. Mukhang Talo na siya. Ang gwapo ko kasi maylabs. Pero maylabs ayoko parin lumalapit ka sa kanya ha? Kasi malay mo. 1st love ka pa naman nun at 1st love never dies. 1st love din naman kita eh hehe. Pero basta ayoko na lalapit ka sa kanya natatakot ako
Nga pala Maylabs. Pumunta ulet dito si Mama natin hehe. Humingi siya ng ilang linggo pang excuse sayo. Umiiyak si mama mo maylabs. Pati sa section namin pumunta siya. Umiiyak din siya. Sa totoo lang naiyak din ako.
Maylabs malala na daw ba talaga ang lagay mo? Sabi ni Mama natin baka di ka na daw makaligtas. Tapos kapos pa kayo sa pera. Ang daming nag contribute na pera sa section namin. Nilabas ni Wonu lahat ng pera na meron siya. Akalain mo nga naman maylabs ang daming nagmamahal sayo
Alam mo maylabs umiyak talaga ako habang pauwi ako. Kasi naiisip ko palang na mawawala ka, lalo lang akong naiiyak. Lumaban ka please maylabs. Kasi magde date pa tayo. Liligawan pa kita. Magiging tayo pa
Maylabs Sana kayanin mo
Ps. Kung pwede lang ipasa sakin ang sakit mo, ginawa ko na. Ayokong mahirapan ka maylabs
Pps. Sorry kasi basa tong papel ha? Umiiyak kasi ako habang sinusulat ko to eh
Poging umiiyak ngayon,
10:10 Hoshoshi
YOU ARE READING
Letters || Kwon Hoshi
Short Story[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wala ka Boy Next Door, 10:10 Hoshoshi. Naega Hosh♡ (2.0 - 2.25) Dear Hoshi, Tae Crush na ospi...