2.4

15 1 0
                                    

Dear Hoshi,

         Umuulan ngayon Hosh. Kaya nakaupo lang ako ngayon sa tapat ng bintana ko wala kasing pasok ngayon suspended dahil ata sa bagyo. Binasa ko na din pala yung pang apat na Letter mo Hosh

May fans kana? Ang bilis naman. Porque sumali ka sa Dance contest may fans kana agad? Kainis naman. Nagkatoon ako ng kaagaw sayo. Pero Hosh diba ako lang naman maylabs mo diba? Haha aasahan ko yan ha?

Hosh sino nga pala yung babae na sinasabi mo na nagbigay sayo ng letter? Yung sinasabi mo na kinaawaan mo kaya mo tinanggap yubg letter niya. Pag naiisip ko natatawa ako. Kasi Kawawa naMan yung babae. Akala niya tinanggap mo buong puso, pala dahil sa awa.... Dapat malungkot ako para sa kanya. Pero natutuwa ako Hosh. Buti naman at di ka tumutingin sa iba

sorry nagmumukha na akong obsessed di naman kita pag aari. Kaya umuwi kana Hosh. Liligawan mo pa ako eh. Tapos sasagutin pa kita

Hosh lumalakas ang ulan. Nag aalala ako sa mga letters ko na nakalagay sa garapon sa itaas ng puno sa paborito mong istambayan. Bale Di naman sana mababasa yon ano? Bukod kasi nakalagay sa garapon, naka plastic pa yun. Tapos nakalagay pa sa wooden box

Kaya pag pupunta ka doon, makikita mo ang letters ko hehe

Sigi na Hosh. Ang lamig kasi. Sasarado ko na din bintana

Ps. Tinanggap ko ang letters mo Hosh. Uuwi ka na ba?

Nababasa na ulan,
Ayeshyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now