2.2

14 1 0
                                    

Dear Hoshi,

         Hosh alam ko na kung saan ko ilalagay ang lettrers ko!

Nabasa ko yung 2nd letters mo. At napagpasyahan ko na doon nalang sa favorite mong spot ko ilalagay. Ang talino ko diba? Joke lang di ako matalino. Pareho nga tayo ng nakuha sa exam diba? 10 Whaha

Kaya sige pag uwi mo, sabay tayong mag rereview at tatalunin natin si Aozi. Yung pandak talaga na yun magaling sa essay eh. Kaya wala talaga tayong panalo pagdating sa essay

Magaling gumawa ng kanta yon eh. Ginawaan niya ng kanta noon yung isang singer sa school at nanalo siya s,a contest

Galing niya no? Pero nakakinis siya kasi ang sunget niya. Pero ang cute niya hehe. Pero syempre mas cute ka hosh.

Saka yung sinabi mo na doon tayo ikakasal sa likod ng school sa favorite mong tambayan? Actually napuntahan ko na siya kahapon. Aminado ako na maganda talaga doon! Ang sariwa ng hangin tapon green ang paligid. Payag na ako! Doon tayo ikakasal yieeee kilig kana haha

Kaya umuwi ka na tapos ligawan mo na ako para pagplanuhan na natin ang kasal. Charoot lang. Papahirapan pa kita haha

Nakausap ko nga din pala yung mga ka grupo mo. Di sila ganun kasaya di gaya nung nandun ka. Pinagmamasdan ko kasi ikaw noon at nakita ko na sobrang saya nung nandoon ka

Sigi andyan na teacher namin baka capturin tong letter tapos basahin sa harap. Nakakahiya

Ps. Wag mong kagatin yung lamok na kumakat sa akin. Baka ikaw ang madengue eh

Maghihintay na ligawan mo,
Ayeshyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now