2.16

12 0 0
                                    

Dear Hoshi,

         Hello ulet hoshi. Ang tagal na nung huli kong mabasa yung sulat mo at makapagsulat ulet ng reply. Sorry ha? Naging busy kasi nitong nagdaang araw eh. Malapit na kasi ang exam tapos kailangan ko pang ipasa on time yung concept paper ko. Isama mo pa yung art production at music vedio. Ang hirap talaga ng senior high life hosh amp

Ikaw kaya? Nahihirapan karin kaya gaya ko? Hayst gustong gusto kitang puntahan kung nasaan ka tapos i cheer ka na kaya mo yan. Kasi nakaya ko eh.

Oo nga nabasa ko yung letter mo. Natanong ko na din si mama tungkol sa sulat na to. Totoo daw yun.

Hosh salamat. Salamat ng malaki ha? Kahit maliit lang na tulong, malaking tulong na iyon sa amin Hosh. Wag kang mag alala, di ko naman naisip nang basahin ko ang sulat mo, na sinusuhulan mo ako

Alam ko na gusto mo lang akong tulungan. Alam ko kasi na mahal na mahal mo ako ayieeeee. Syempre mahal din naman kita hoshi yieeeee

Pero yung vedio napanood ko na din hosh! Ang galing mo talaga hosh! Pero mas trip ko talaga yung sinasayaw mo nung una kitang nakita. Nung sumasayaw ka sa room noon. Alam ko na ang title ng kantang yon hosh. 'Highlight' pala yon. Alam din nina Hao at Jun yon e. Tinuro mo daw sa kanila.

Tama ka din hosh. Sikat ka na nga! Huhu binisita ko yung facebook account mo (na di mo naman na ino open. Di kan kasi active kaya miss na miss na kita) ang dami dami mong followers hosh. May mga nagpopost pa sa tl mo ng kung ano ano. May nakita din akong fanpage mo

Amp. Ayoko hosh na may magpapa autograph sayo sa date natin. Aawayin ko sila hehehe. Kung magde date man tayo

Ps. Nagpost din ako sa Tl. Picture natin dalawa with caption na "Girlfriend" akala ko aalis na fans mo, kaso sinabihan lang ako na edit yon. Amp picture na kuha mo yun nung naospital ako e. Nagkaroon pa ako ng instant haters

May Haters na kasi maganda,
Ayeshyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now