2.18

12 1 0
                                    

Dear Hoshi

         Hosh. Kalat na kalat na sa school yung picture mo. May kasama kang 12 na lalaki don hosh. Tapos nasa description na kpop boygroup daw

Hosh nasa korea kaba talaga? Iniwan mo na ba talaga ako? Akala ko na mag coconfess kapa? Sana mali ako hosh. Sana di ikaw yung nasa picture. Sana kamukha mo lang yon

Hehe wala naman kasing nakalagay na pangalan doon na ikaw eh. Saka medyo malayo naman kasi marami sila doon. Haha tama! Tama! Kamukha mo lang yon! Masyado lang kasing ma issue mga kaklase ko haha

Imposible kasi hosh. Diba nga sabi mo magtatapat ka pa sa akin? Manliligaw kapa diba? Magiging tayo pa! Kaya imposible na aalis ka bago mangyare yun hosh. Ikaw naman pinapakaba mo ako! Umuwi ka na kasi para maipaliwanag ko sa mga kaklase ko na di ka talaga umalis

Na babalikan mo ako

Hosh... Please hinhintay lang kitang umuwi. Di ako naniniwala na nagpunta ka ng ibang bansa. Hosh gusto kitang makita

Hosh may pangarap pa tayo diba? Kaya uwi kana hosh please? Oo na hosh! Di kana manliligaw! Sasagutin na kita agad! Wala nang ligaw ligaw. Kaya umuwi kana hosh. Wag mo na akong pag alalahanin.

Yung pangarap natin. Matutupad pa natin yun diba? Sabihin mo please? Umuwi kana please?

Ps. Sorry den kung medyo magulo. Umiiyak kasi ako

Maghihintay ano man ang mangyare,
Ayeshyesha

Letters || Kwon HoshiWhere stories live. Discover now