Chapter 2

1.6K 76 0
                                    

Trixie POV.

Minulat ko ang mga mata ko at nilibot ang aking mga mata at puro puti lang ang nakikita ko nasa langit naba ako? Patay na ba ako? ganon nalang ba mag tatapos ang buhay ko sa isang iglap wala na ako.
"oh gising kana pala" tinignan ko kong sino yung nag salita nurse lang pala. Nilibot ko ulit ang mata ko at nasa clinic lang pala ako. Umupo ako sa pag kakahiga at biglang sumakit ang ulo ko biglang nag flashback saakin lahat ng nangyari kanina. Grave bat ba kasi sila ganon saakin? porket ba nerd ako? wala na akong karapatan mabuhay sa mundong ito. Hindi ko na malayan na umiiyak nanaman pala ako kaya agad kong pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa aking mga mata. Binigyan nalang ako ng nurse ng gamot at nag paalam na ko sa kanya hindi ko na tanong kong sino ang nag dala saakin sa clinic pero kong sino man siya salamat sa kanya. Baka kong hindi dahil sa kanya baka pinag lalamayan na ako ngayon. Bago ako pumunta ng classroom nag punta muna ako sa rest room para tignan ang muka ko namumula parin ang muka ko dahil sa sampal saakin ni venice bakat parin ang kamy niya sa muka ko. Hindi ko mapigilan na maiyak nanaman dahil sa nangyari saakin kanina. Bakit kasi napakahina ko bakit kasi hindi ko kayang i pag tanggol ang sarili ko. Mayamaya y naisipan ko ng pumunta sa classroom at walang naiintindihan sa mga tinuturo ng mga prof. Ko at mayamaya ay nag bell na hudyat na uwian na.

---

Nandito ako ngayon sa may kwarto ko at hindi ako maka tulog dahil naalala ko ang mga nangyari kanina. Umupo ako sa pag kakahiga at kinuha ang cellphone ko para mag facebook habang sa kalagitnaan ng pag f-facebook ko ay nakaramdam narin ako ng antok kaya hinayaan ko ng maka tulog ako...

"Manang gising na" hindi ko minulat ang mata ko dahil inaantok pa ako
"hindi kapa gi-gising jan" sabi ni kuya
"gusto mo ba mabuhusan ng malamig na tubig ulit?" sabi niya kaya na pamulat na ang mga mata ko sa wala sa oras. Akmang lilingon ako ng maalala ko na baka halata pa ang pamumula sa pisngi ko kaya hindi nalang ako lumingon at hindi ko lang siya pinansin. tumayo na ako at nag punta na sa cr para maligo nang matapos na ako maligo tinignan ko yong itsura ko sa salamin. Nakita ko na medyo na mumula pa ang pisnge ko buti nalang talaga hindi lumingon kay kuya kong hindi hayss. Alam ko ugali non ayaw niya na may umaapi saakin pero siya grave siya maka bully saakin ih sweet ng kuya ko no. Bumababa na ako at nakita ko na kumakain na sila
"Good morning ma" bati ko kay mama at niyakap ko siya at kiniss sa pisnge
"Good morning din baby" bati saakin ni mommy
"Good morning kuya" bati ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon kasi busy siya sa pag kain niya napa buntong hininga naman ako. Nong tapos na ako kumain ay nag paalam na ako na papasok na ako syempre mag lalakad ako ngayon wala lang trip ko lang mas gusto ko kasi na nag lalakad para maka pag excersice narin ako charoooottt! Lagi naman ako nag lalakad pag papasok sa school. Hindi ko na malayan na nasa tapat na pala ako ng gate ng school ko. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok at hinanda ko na ang sarili ko sa mga maririnig kong hindi maganda tungkol saakin. Nag lakad na ako papasok sa campus habang naka yuko at tumuloy sa library maaga pa naman kaya pumunta muna ako doon. Habang nag babasa ako dito sa library may naramdaman akong naka tingin saakin alam ko naman na nandidiri lang saakin ang naka tingin saakin. bigla naman tumunog ang bell kaya inayos ko na ang gamit ko at nag madali papunta sa room dahil ayaw kong ma late. Nang malapit na ako sa room ng biglang may nabangga ako. Pinulot ko nlng ang mga librong nahulog at hindi siya tinignan at  aalis na sana ako ng biglang may humila sa mga braso ko at tinignan ko kong sino siya pero hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita transfer kaya siya dito? Infairnes ang pogi niy--- Erase Erase Erase ano ba yan trixie kahit ano ano sinasabi mo.
"sorry miss" sabi niya at ngumiti siya tumango nalang ako at umalis na.. Habang nandito ako sa room hindi ko maintindihan ang tinuturo ng prof. Namin dahil lutang ang isip ko. Hayss
"Miss Villamar" nataohan naman ako ng tinawag ni Prof. Ang apilyido ko
"S-sir" sagot ko
"okay ka lang ba miss Villamar?" tanong ni sir na halatang nag aalala
"y-yes sir" sagot ko at ngumiti. Nag turo na ulit si sir pero wala parin ako maintindihan. Hindi naman ako ganito ah anyare saakin?. "Nabunggo kalang ng gwapong lalaki nagka ganyan kana". Sabi ng utak ko.
"Class dismiss" natauhan naman ako ng sinabi iyon ng prof. Namin ganon pala kabilis ang oras pag lutang ka.

*Please vote*
Thank you muah :-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now