Chapter 29

409 27 0
                                    

Trixie POV.

Minulat ko na yung mata ko ng malipungatan ako at inilibot ang mata ko. Andito pa pala ako sa kotse. Agad kong 'stretch ang ulo ko dahil nangalay. Napatingin ako sa bintana at hapon na pala. Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa puno at sigurado akong si clark un. Kaya bumaba na ako. agad humangin ng malakas kaya napa-yakap ako sa sarili ko at lumapit sakanya. Nang makalapit na ako sakanya ay tumingin lang ako sa paligid at mukang familiar ito. Dito kami nag punta last week. Dko ikakaila na maganda dito umupo ako sa damo at pinapanood ang pag lubog ng sunset.
"Ang ganda" bulong ko habang nakatingin sa sunset
"Oo nga ang ganda" napatingin ako kay clark dko na malayan na naka-upo narin pala siya sa tabi ko. At sakin siya nakatingin bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko
"Huh?" hindi niya ako sinagot. Hilig mang snob kala mo gwapo. Charr gwapo naman talaga siya BWIZIT NGA LANG hahah. Shsh wag kayo maingay hihi. Agad humangin ng malakas kaya napayakap nanaman ako sa sarili ko.
"Oh suot mo" napatingin ulit ako sakanya. bago pa ako makapag salita ay sinuot niya na saakin ang jacket niya at tinignan siya ng nag tataka pero umiwas lang siya ng tingin at tumingin nalang ulit sa langit
"Salamat" saad ko at tumingin narin sa langit. Wala na ang Sunset kaya madilim na ang kalangitan. Walang nag salita ni isa sa'min kaya nakalabingi ang sobrang katahimikan huni lang ng ibon ang maririnig at ang kaloskos ng hangin. Mayamaya ay nag salita na siya
"Tara kumain" Yaya niya saakin kaya napatingin ako sakanya na nakatingin na pala saakin
"ahmm... Cge" gutom narin naman ako eh. Tumayo naako sa pag kakaupo at ganon rin ang ginawa niya, binuksan ko yung pinto ng backseat ng mag salita siya
"Don ka umupo sa harap" hindi na'ko nag reklamo dahil gutom na gutom narin naman na'ko at baka iwan niya ako dito mag isa. Lakas pa naman ng Saltik nitong lalaking to. Sumakay na'ko at sinuot ko na yung seatbelt ko. Nong makasakay na siya ay agad niyang pinaadar ang sasakyan. Habang nasa byahe kami ay walang nag sasalita ni isa sa'min kaya sobrang tahimik ng paligid. Tinignan ko si clark at seryosong nakatingin sa daan.
"Why?" Iritang tanong niya. Mukang napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya iniwas ko na yung tingin ko bago nag salita.
"Wala" tumingin nalang ako sa may bintana. Mayamaya ay huminto na ang sasakyan at bumaba na siya kaya baba narin sana ako ng pag buksan niya ako ng pinto. Dko alam pero napangiti ako ng walang dahilan at bumaba na.
"Saan gusto mo kumain?" tanong niya saakin.
"kahit saan" nahihiya kong sabi. Di naman ako maarte pero kung gusto niya sa mamahalin na restoran. Okay lang hihi.basta sagot niya haha charr.  Pero  okay lang naman saakin kahit sa kalenderya lang eh. Para tipid hihi. papasok na sana kami sa isang mamahalin ng restoran ng pigilan ko siya
"Why?" inis na tanong niya. At napatingin sa may kamay ko na nakahawak sa wrist niya kaya agad ko itong tinanggal
"Wala akong pera pag jan tayo kumain" nahihiyang sabi ko at yumuko
"sino ba nag sabi na kasama ka?" Lalo akong napayuko dahil sa hiya. Sorry naman dko naman alam eh
"Ay sorry hihi. Ah cge. Doon muna ako sa kalenderya hihi" hindi ko na siya hinintay na mag salita at tumalikod na sakanya. At nag simula naako mag lakad. Dko alam pero agad akong napaluha na dko malaman na dahilan agad ko itong pinunasan at inayos ang sarili ko. At pumunta na sa isang kalenderya at umorder ng Isang kanin at isang Adobong manok. Ilang minuto lang ay dumating na ang inorder ko kaya agad ko itong nilantakan. Gutom na gutom nga ako paki mo? Charr hahah. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at hindi naako nag abalang tignan yun. Dahil alam ko naman na costumer lang nila un.
"Patay gutom" napatingin ako sa katabi ko at nagulat ako ng makita ko si clark pero binalik ko kaagad ang tingin ko sa pag kain. Pag katapos kong kumain ay nag bayad na'ko at umalis. Naramdaman kong may sumusunod saakin at alam kong si clark un pero dko siya nilingon. Naiinis ako sakanya. Tinanong ako kung saan ko gusto kumain tapos Argghhh! Kainis. Basta ang mahalaga na busog ako buti nalang at may pera ako para pang kain. Agad akong napaisip kong may pera pa ba ako pauwi kaya napahinto ako sa pag lalakad. At agad na tinignan ang bulsa ko kung may pera pa ba ako pero wala! Shit kinuha ko yung bag pack ko at tinignan ko sa bulsa pero wala din akong pera! Lagot paano ako uuwi nito. Huhuhuh hindi nalang sana ako kumain huhuhu. Agad akong nanlumo dahil kahit ni piso ay wala ako. Lakarin ko nalang pauwi pero baka abutin pa ako nang umaga bago makarating saamin.
"Kamalas naman oh!" Inis na bulong ko
"Tanga tanga kasi kumain pa yan tuloy. Antanga tanga mo trixie!" Inis na sermon ko sa sarili ko. Naluluha naako huhuhu
"Nag sasalitang mag isa. Tsk" napatingin ako kay clark na nandito na pala sa harap ko. Dko man lang napansin dahil sa kakaisip kung paano ako makakauwi. Dko nalang siya pinansin at umupo nalang sa sahig
"Hoy babae, tumayo ka nga jan. Para kang tanga" seryosong sabi niya pero binalingan ko lang siya ng tingin at nag isip kong paano ako makakauwi. Lagot ako kay kuya nito. Ahh may naisip ako hihihi
"Hoy babae tumayo kana jan" hindi ko na Malayan na nasa harap ko na pala siya. Tinignan ko siya at ngumiti.
"Anong 'ngiti-ngiti mo jan?" inis na tanong niya. Tumayo naako sa pag kakaupo at pinag pagan ang palda ko
"Wala naman hihihi" kelangan kong maging mabait sakanya ngayon dahil siya nalang ang pag asa ko para makauwi hihi
"Baliw" bulong niya pero dko nlng pinansin ang sinabi niya at tinignan siya sa mata habang nakangiti
"Ano ba wag mo nga akong tignan ng ganyan at ngitian." iritang sabi niya kaya natawa ako at inalis ko na yung tingin ko sakanya.
"Uwi na tayo hihi, pero okay lang pag ayaw moko ka sabay" mahinang sabi ko. Pero pinapalangin ko na sana isabay niya ako. Huhuhu
"Okay" nag nod nalang ako sakanya at ngumiti. Tumalikod na siya at tinignan ko siyang nag lalakad palayo saakin. Habang ako eto nakatayo lang. Habang nakayuko. Wala na di na talaga ako makakauwi huhuhu
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?" agad kong inangat ang tingin ko at nakita ko si clark na nakatayo sa harap ng kotse niya. Akala ko umalis na siya?
"Akala ko kasi umalis kana, akala ko iniwan mo na'ko" mahinang sabi ko. Lumapit siya saakin at hinila at pinasakay sa sasakyan niya kaya sumakay naako agad. Pinaandar niya na ang sasakyan niya. Tahimik lang kami aat mayamaya ay nkarating na kami sa bahay pero bago ako bumaba ay nag pasalamat ako sakanya pero nod lang ang sagot niya saakin.

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos.

*Please Vote*
Thank You Muah :-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now