Chapter 40

376 21 0
                                    

Trixie POV.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Habang nag lalakad ako dito sa may campus ay naisipan ko muna pumuntang court baka nandon si crush hihi. Pag karating ko doon ay walang tao na kahit isa. Pero tumuloy parin ako at umupo sa  upuan na parang hagdan. (Sana gets nio) at nag labas ng libro at nag basa. This time ang binabasa ko ang story na UNTILL HE WAS GONE by jonaxx.
"I'm jealous and insecure of all  the girls who can be with him" ewan ko pero natamaan ako sa part nato. Ganyan ang nararamdaman ko pag may kasamang iba si clark. Hindi kaya may gusto na ako sakanya?
"Ano yan?" nagulat ako ng may nag salita kaya agad akong napalingon at nakita kung si drew yun at nasa tabi ko. Hindi ko manlang siya napansin. Pero hindi naman bumilis yung tibok ng puso ko hindi tulad kay clark na lalapit palang siya saakin bibilis na kaagad ang tibok ng puso ko. Ganito ang mga nababasa ko eh. May gusto naba ako kay clark o kaya Mahal ko na siya?  Shit kelangan kong malaman kung ano na tong nararamdaman ko para sakanya
"w-wala" sabi ko sakanya at sabay tago ng libro na binabasa ko.
"C'mon, what's that?" pangungulit niya pero di ko siya sinagot at tumingin nalang ako sa harap
"Trixie" tawag niya saakin at lumingon naman ako sakanya
"hmm?" parang nawala na ng konti ang pag ka crush ko sakanya.
"I have a little question" nag nod naman ako at hinihintay ang tanong niya. Tumingin siya sa harap bago nag salita.
"This guy is really love her but this girl is really benumbed. and this girl hindi niya alam na unti unti niya ng nasasaktan ang lalaking ito dahil sa kamanhidan niya. before you answer it. Isipin mong ikaw yung lalaki at may gusto ka sa babaeng yun. " he ask. Pero dko alam kung anong isasagot ko sa tanong ni drew. Parang.... para saakin yung tanong na yun. Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa harap kaya tumingin din ako sa harap bago nag salita.
"If you really love her. Don't give up. And i don't know who's that girl, but why she really benumbed?" ewan ko kung may connect yung sagot ko sa tanong niya pero ayun nalang ang lumabas sa bibig ko. Wala naman kasing akong alam jan.
"Anong gagawin mo pag yung taong mahal mo ay may unti unti ng nadudurog ng dahil sa mga ginagawa mo?" hindi ulit ako nakapag salita dahil wala naman akong alam sa mga ganito pero sa mga nababasa ko pag mahal mo ipag laban mo pero pag nasasaktan na siya at hindi na kayang i handle  i let go muna ng maaga kesa naman na patagalin mo pa kung wala rin naman na itong hahantungan.
"Dko alam. Wala naman akong alam sa mga ganyan" i said. Narinig ko naman siya na bumuntong hininga.
"Really? C'mon, trixie, bakit ba kasi napakamanhid mong tao?" bigla akong natahimik sa sinabi niya.
"S-so yung tanong mo kanina ay connected saakin?" i ask. Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya. Tumayo na siya at umalis habang ako eto nakatulala lang. Ganon naba ako kamanhid. Pero kung ako nga yung babaeng tinutukoy niya sa mga tanong niya kaya sino naman yung lalaking yun?. Siya kaya? Tumunog na yung bell kaya tumayo na'ko at lumabas na ng court at dumeretsyo na sa may classroom pag dating ko doon ay umupo naako agad at nilabas ang mga gagamitin ko sa oras nato. Mayamaya ay dumating na si Nicko. Buti nalang at  Wala pa ang prof. Namin para sa oras na to.
"Yow, okay na ba yang kamay mo?, sorry nga pala kahapon" sabi ni nicko pero nag nod nalang ako bilang sagot.
"Galit kaba?" malungkot na sabi niya.
"Hindi naman" walang ganang sabi ko
"Hindi pa daw pero parang walang gana akong kausapin" malungkot na sabi niya. Kaya napatingin ako sakanya at nakita kong nakabusangot siya.
"Sira! Di nga ako galit, gusto mo magalit talaga ako sayo?" pag babanta ko sakanya pero mabilis naman siyang umiling. Mag sasalita pa sana ako ng may nag salita sa gilid ko at nakita kong si nate un at nakangiti. Smiling face amp. Hahaha
"Trixie, bakit mo ko iniwan? Sinundo pa naman kita sa'nyo pero sabi ng tao don umalis kana daw" he said. Sasagot sana ako ng may nag salita ulit. Bakit ba ayaw nila ako pasalitain? Haysss
"buti nga sayo" napatingin kami sa nag salita at nakita kung si clark un at nakatingin sa harap kaya tinignan ko kung may kausap siya pero wala naman. Umupo nalang si nate sa upuan niya. Mayamaya ay walang teacher na dumating
"Close pala kayo non?" takang tanong ni nicko.
"Ahmm oo, bakit?" umiling naman siya at nag salita
"pakilala mo naman kami" nag nod naman ako at dahil walang teacher ay tumayo ako
"oh saan ka pupunta?" takang tanong ni nicko. Pero ngiti lang sinagot ko
"Saan nga kasi?" pangungulit niya kaya tinasan ko siya ng kilay.
"Rest room, bakit sasama ka?" narinig kong may tumawa kaya napatingin ako don at nakita kung si clark un. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nong tumingin siya saakin kaya agad kong iniwas ang tingin ko at lumabas na ng classroom. Agad akong pumunta sa may rest room at pumasok sa isa sa mga cubicle at ginawa ko na ang dapat gawin. Signal number 1 lang kaya wag kayong ano HAHAHAHA, flinash ko na at lumabas na ng cubicle at nag hugas na ng kamay bago lumabas. Pag labas ko ay nakita ko si clark at na naka-sandal sa may pinto at mukang may hinihintay. Lalagpasan ko na sana siya ng mag salita siya.
"where you go?" he ask. Pero di ako nag salita akmang mag lalakad na ulit ako ng hilain niya ako paalis sa rest room at dko alam kong saan kami pupunta.
"bitawan mo nga ako!" inis na sigaw ko sakanya pero parang wala siyang naririnig dahil tuloy tuloy niya lang ako hinihila. Dko namalayan na nasa parking lot na kami
"Sakay!" sigaw niya saakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay
"Bakit ko naman gagawin un?" Sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin at hindi naman ako nag patalo sakanya.
"Sasakay ka o hahalikan kita dito mismo" pag babanta niya. Habang nakangisi. Ako naman ay automatic na napasakay sa sa-sakyan niya. Kainis talaga yung lalaking yun...

A/N: Sorry For Grammitical Errors and Typos.

Ps: Medyo matatagalan nanaman akong mag update, pero susubukan ko parin kung may free time ako para mag ud.

*Please Vote*
Thank You muah :-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now