Chapter 28

379 24 0
                                    

Ps: Tuloy lang sa pag update, yey!

Trxie POV.

Pag pasok ko kanina ay puro tungkol sa Ms/Mr. Campus ulit ang pinag uusapan nila. Kaya hindi ako ginagalaw nila venice  kasi pati siya busy sa pag a-assume na siya daw ang mananalo tsk. Oo maganda namn siya pero sigurado ako na hindi siya ang mananalo hihi. Nakasa lubong ko si sir manalo ang teacher namin sa Math. Fav. Teacher ko yan si sir manalo.
"Ms. Villamar" banggit niya sa apilyedo ko
"Po?" magalang na sabi ko
"pwede bang ikaw nalang ang represent sa Section B?" tanong ni sir na ikina kunot noo ko.
"P-po?" naguguluhang tanong ko. Represent? Represent saan?
"Hays, trixie, pleasee Pwede ba ikaw ang mag represent ng section ko. Pleaseee" nag mamakaawang sabi ni sir. Lalo akong naguluhan sa sinabi ni sir
"Represent po saan?" nalilito na talaga ako huhuhuness
"Matalino nga slow naman" bulong ni sir. Bulong ba talaga un o sinadya niyang iparinig saakin? Hindi nalang ako nag salita at mag lalakad na sana ulit ng mag salita ulit siya
"Please, Ms Villamar, ikaw nalang ang pag-asa ko, please, irepresent mo yung section B para sa Ms/Mr. campus." sabi ni sir habang nag mamakaawa saakin. Nanlaki naman yung mata ko dahil never kong naisip na sumali sa pagent na yan.
"Ahmm. Pag iisipan ko po sir" nag aalin-langan na sabi ko kay sir. Ngumiti naman si sir sa sinabi ko para siyang nabunutan ng isang malaking tinik sa lalamunan niya.
"Puntahan mo ko sa office ko pag nakapag desisyon kana, Salamat ms villamar" sabi ni sir at nag paalam na kaya nag lakad narin ako pa punta sa room ng humarang sa harap ko si clark at nakatingin ng seryoso saakin. Ano pa bang bago?
"Come with me" pag kasabi niya non ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Huh? Bakit?" takang tanong ko sakanya. Bigla ako nainis dahil naalala ko yung mga araw na hindi siya pumasok at hindi nag paramdam saakin. Bakit ko ba kasi to nararamdaman nakakainis na ah! -_-
"Basta" sungit. May regla ata tong lalaking to hahaha peace yow jahah. Hinawakan niya ang braso ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. At hinila ewan ko pero nag patangay nalang ako sakanya. Mayamaya ay nakarating na kami sa may parking lot
"Sakay!" Seryosong sabi niya kaya wala akong nagawa kaya pumasok naako sa kotse niya at kinabit ang seatbelt kaso ayaw malagay huhuhu. Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga kaya suko naako
"Ako na" napatingin ako sa nag salita at si clark pala yun. Hindi ko man lang napansin na nakasay na pala siya. Hindi na'ko nag reklamo. Dahan dahan siyang lumapit saakin kaya yung puso ko sobrang bilis ng tibok. Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa puso ko. Kinabit niya na ang seatbelt ko at inangat niya ang tingin niya sa'kin. Nanlaki yung mata ko dahil sobrang lapit ng muka niya sa muka. My heart is Booom char hahah. Tinignan ko siya sa mata at ganon rin siya. Pabilis ng pabilis ang pag tibok ng puso ko na akala mo mawawala na sa kinalalagyan nito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napalunok ako at tumingin ulit siya sa mata ko. Hindi na ako makahinga huhuhu. Parang walang hangin na pumapasok sa kotse nato. At parang walang silbe ang aircon nito. Inilihis ko na ang ulo ko at tumingin nalang sa bintana at humugot ng malakas na buntong hininga. Pa simple kong hinawakan ang dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko at medyo nagiging normal na ang beat nito
"ano ba kasi nangyayari sa puso ko" bulong ko. Habang nakatingin parin sa bintana. Pansin ko rin na hindi pa umaandar ang sasakyan kaya napalingon ako sakanya. At nakita ko na nakatingin lang siya sa harap
"ahmm clark?" pag aagaw ko ng atensyon niya. Lumingon naman siya pero biglang nag slow motion ang pag harap niya saakin at eto nanaman ang puso ko nag aalburuto nanaman
"Bakit?" seryosong tanong niya saakin. Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil yung mata niya parang inaakit ako huhu.
"Wala naman pala tayo pupuntahan. Pinasakay mo pa ako dito baba nalang ako." saad ko. Paano ba naman sabi niya Come with me. Tapos nong sumama dito lang pala sa kotse. Anong trip niya dito kami tatambay mag hapon? Akmang aalisin ko na yung seat belt ko ng mag salita siya
"So ine-expect mong may pupuntahan tayo?" sarcastic na tanong niya. Pero hindi ko siya nilingon at hindi rin ako nag salita. Ewan ko pero bigla akong nainis sakanya. Tinanggal ko na ang seatbelt ko. Buti naman hindi ako nahirapan. Baka pag tawanan niya lang ako pag nakita niyang nahihirapan ako sa pag tanggal. May narinig akong tumunog pero hindi ko nalang yon pinansin. Binubuksan ko yung pinto ng kotse pero ayaw ma bukas, pero hindi ako tumigil. Nang hindi talaga mabuksan ay sumuko na ako. At pagod na isinandal ang sarili sa upuan.
"Pffft" hindi ko na inilingon kung sino yun dahil alam kong si clark yun at pinag tatawan ako kainis.
"Badtrip!" inis na sabi ko at humarap ako sakanya at nakita kong nag pipigil siya ng tawa pero inirapan ko lang siya at pumunta sa back seat at doon umupo nakakainis siya!. Naiinis ako sakanya
Tumingin nalang ako sa bintana at nag muni muni ng nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may text na galing kay ate katelyn agad ko itong binuksan

From: Ate Katelyn

Hey,trixie, i miss you so much, See you tom. I really miss you huhuhu. Bonding naman tayo if you have a free time. :)

Napangiti ako sa nabasa ko dahil makikita ko na si ate. Excited na'ko hihi at tinago na ang cellphone ko sa bulsa at tumingin nalang ulit sa bintana
"Sino yun?" Seryosong tanong ni clark. Pero hindi ko siya tinignan at binalingan ng tingin dahil naiinis ako sakanya.
"Fuck" this time napatingin ako sakanya at seryoso siya nakatingin sa harap. Tinignan ko siya sa salamin sa kotse at nakita kong nakatingin na siya saakin. Inirapan ko lang siya at tumingin nalang ulit sa bintana. So dito nalang ba talaga kami? Di na kami aalis? Sayang lang oras ko. Kainis. Narinig kong tumunog ang sasakyan inunlock niya na siguro. Akmang hahawakan ko na yung pinto ng mag salita siya
"Don't leave" para akong na stuck sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Tama ba rinig ko na ayaw niya ako paalisin ' ko o nag kakamali lang ako?
"Huh?" ani ko pero hindi niya ko sinagot at nirestart ang sasakyan niya at pina-andar na buti naman at naisipan niya na paandarin to? Agad akong nakaramdam ng antok kaya sinandal ko yung ulo ko sa bintana at dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos

Ps: Puro tulog nalang si trixie

*Please Vote*
Thank You Muah :-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now