Chapter 45

346 18 0
                                    

Trixie POV.

"I said go to your room!" pag uulit ni kuya. Dko alam pero Tumingin muna ako kay clark bago ako umalis sa harap nila. Bago pa ako tuluyang makaalis ay may humila sa wrist ko kaya napahinto ako sa pag lalakad at napalingon ako kung sino yung humawak saakin at nakita kung si clark un at seryoso lang ang muka niya na nakatingin saakin.
"don't" he said. But meaningful
"trixie isa!" napa-pikit ako ng marinig kung sumigaw si kuya. Natatakot ako kay kuya  pag nagagalit siya para siyang isang dragon pag nagalet nakakatakot. Alam ko naman pati ikaw hindi mo gu-gustuhin na magalit ang dragon, haysss. Hinigpitan ni clark ang pag kakahawak niya saakin. Pilit kung kinakalag ang kamay niya sa pulso-pulsuhan ko pero dko matanggal dahil humigpit pa ito.
"Clark, bibitawan mo siya o hindi mo na siya makikita?!" pag babanta ni kuya. Bakit may ganon? Bakit kailangan ng ganyan? Naramdaman kung lumuwang ang pag kakahawak niya sa pulso ko at syaka naman ako hinila ni kuya kay clark. Napatingin ako kay clark at hindi ko maipaliwanag ang expression ng muka niya ngayon. Tinignan ako ni kuya ng *mag uusap tayo mamaya look* kaya napayuko nalang ako. Bakit kailangan pang mangyari to?Ewan ko pero nasasaktan ako. Kasi feeling ko heto na ang huling pag kikita namin ni clark. Biglang kumirot ang puso ko sa naisip ko. Parang Hindi ko kaya na mapalayo sakanya.
"Trixie pumasok kana sa kwarto mo ngayon na" seryosong sabi ni kuya. Hindi ako kumibo at hindi ako gumalaw sa pwesto ko
"trixie!" sigaw ni kuya.
"Fuck trixie! What are you doing! Are you deaf now?!" galit na sabi ni kuya. Kaya lalo akong napayuko hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"don't shouted her!" sabat ni clark. Pinunasan ko na ang mga luha ko pero tuloy parin sa pag patak. Hindi ko alam kung bkit ako umiiyak. Bigla akong nakarinig ng isang mura galing kay kuya. Kaya napatingin ako kay kuya at kay clark at nakita kong sinuntok ni kuya si clark. Kaya lalo akong napaiyak. Agad akong lumapit kay clark at nakita ko sa gilid ng labi niyang may sugat at dumudugo ito dahil sa tinamo niya kay kuya. Agad pinunasan ni clark ang labi niya. At nag smirk lang siya kay kuya. Naramdaman kung may humila saakin kaya napalayo ako kay clark.
"Go to your ROOM! Trixie villamar" mahinahon pero alam kung kinakalma niya lang ang sarili niya.
"Papasok ka sa kwarto mo o ipapa-punta kita sa korea para hindi mo na makita itong lalaking to kahit kelan?" biglang kumirot ang puso ko ng marinig ko ang huling salita na narinig ko. Nag nod nalang ako kay kuya dahil alam kung hindi siya nag bibiro. bago ako umalis ay tinignan ko si clark pero ngumiti lang siya saakin. Nag lakad naako pa punta ng kwarto ko at sinara ang pinto at humiga sa kama. Bakit nakuha pa ni clark ngumiti kahit sinuntok na siya ni kuya. Bakit ganon? Simula ng marinig ko yung pangalan ko kanina biglang nag bago ang atmosphere ng dalawa. Ano ba kasi yung pinag uusapan nila kaya humantong sa ganito? Hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na makatulog.

Nandito kami ngayon sa may park at mag ka holding hands na nag lalakad. naka kita kami ng nag titinda ng ice cream kaya naisipan naming bumili nang makabili na kami ay umupo na kami isa sa mga bench dito sa park. Binitawan niya ang kanay ko kaya napatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya sa mga bata na nag lalaro dito kaya binalik ko na ulit ang tingin ko sa ice cream na hawak ko.
"May gusto akong sabihin sayo" sabi ng lalaki na mahal ko.
"Cge. Ano yun Love?" nakangiting sabi ko habang kumakain ng ice cream
"Layuan mo na ako" sabi niya. Na ikinagulat ko
"Huh? Anong pinag sasabi mo?" sabi ko. Sabay hampas sakanya ng mahina.
"layuan mo na ako. Trixie" seryosong sabi niya. Lumayo ako sakanya ng konti
"okay na ba yan?" sabi ko at tinuloy lang ang pag kain ng ice cream
"Stupid, i said lubayan mo na'ko. Ayaw na kita makita" bigla kung nabitawan ang ice cream na hawak ko at napatingin sakanya at seryoso lang siya nakatingin saakin
"wag ka namang mag biro ng ganyan, love" naiiyak na sabi ko
"Hindi ako nag bibiro, seryoso ako. At wag mo nga akong tawaging love, kadiri!" biglang bumuhos ang mga luha ko
"Nag jo-joke ka lang diba?" umiiyak na sabi ko.
"Pinag laruan lang kita at never kitang minahal" he said
"Joke ba to? Hindi sob* magandang bi-biro to sob*" umiiyak na sabi ko.
"Muka ba akong nag jo-joke trixie? Layuan mo na'ko at BREAK NA TAYO kasi nakakasawa ka! Ampangit mo, sino ba naman mag kaka gusto sa pangit mong yan?" lalo akong naiyak sa mga sinasabi niya saakin. I can't believe sa 3 taon pinag lalaruan niya lang pala ako pero hindi ako naniniwala.
"Pleasee wag mo naman akong biruin ng ganyan" nag mamakaawang sabi ko.
"Tanga kaba talaga?" inis na sabi niya
"Dati iniisip ko palang na mawawala ka saakin hindi ko na kaya. Pero ngayon nangyari na. Hindi ko na talaga kaya para akong sinasaksak dito" sabi ko sabay turo kung nasaan ang puso ko
"So?" bored na sabi niya
"Ganon nalang kadali sayo yun?!" galit na sigaw ko sakanya
"Oo, sino ba mag mamahal sayo ng tunay kong ang pangit mo?" inis na sabi niya. Kaya yung mga luha ko ay tuloy parin sa pag agos.    Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinalikoran ako at nag lakad na palayo saakin hanggang sa hindi ko na siya nakita.
"Nooooooooooooooooo!" sigaw ko. Agad akong napa-upo sa pag kakahiga. Agad akong napahawak sa puso ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko
"Panaginip lang pala" sabi ko sabay hinga ng malalim, naramdamn kung may mga luha na umaagos sa aking mga mata kaya hinawakan ko ito.
"Nakakatakot na panaginip pero parang totoo" ewan ko pero yung mga luha ko na dumadaloy sa'king pisngi ay ayaw tumigil ang mga luha ko sa pag patak.Tinignan ko ang alarm clock ko at alas 3:49 am palang. Naisipan kung bumaba para kumuha ng tubig. Pag baba ko ay agad akong nanguha ng isang basong tubig. At nilagok ito. Hindi ko alam kung bakit ko yun napaginipan. Kahit panaginip lang yun nasasaktan ako. Feeling ko kasi totoo. Kumuha ulit ako ng tubig at uminom. Umupo ako sa upuan dito sa may kusina at nag muni-muni. Hindi ko nakita ang muka ng lalaki dahil malabo ang muka niya at muka ko lang ang nakikita ko. Bumuntong hininga ako bago ko uminom ng tubig. Ewan ko pero naka 6 na'ko ng baso ng tubig.

A/N: Sorry For Grammitical Erros And Typos

The Nerdy Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن