Chapter 41

348 19 1
                                    

Trixie POV.

"Sasakay ka o hahalikan kita dito mismo" pag babanta niya. Habang nakangisi. Ako naman ay automatic na napasakay sa sa-sakyan niya. Kainis talaga yung lalaking yun. Habang nasa byahe kami ay walang nag sasalita ni isa sa'min. Kaya tinuon ko nalang yung pansin ko sa nadadaanan namin. Napatingin ako sakanya at nakita kung nakatingin rin siya saakin pero agad niya itong inalis ng makita niyang tumingin din ako sakanya. Tulad ng dati sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko pero kahit nag kakatingin lang kami bumibilis na agad ang pag tibok ng puso ko kahit nag uusap lang kami o kaya pagmalapit siya saakin. Nalilito naako sa nararamdaman ko. Inalis ko na kaagad ang tingin ko sakanya at tumingin ulit ako sa bintana at napansin kung puro puno na ang dinadaanan namin. Kaya napalingon ulit ako sakanya. At nag salita
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko pero di niya ako sinagot.
"Snoberong kalabaw" inis na bulong ko. At tumingin nalang ulit sa may bintana. Mayamaya ay nakarating na kami kung saan man niya ako dinala. Bumaba na siya at dko na inaasahan na pag bubuksan ako ng kalabaw nayun. Tsk sa sobrang gentle man niya sarap niyang itapon sa putikan tsk. Akmang bababa na'ko ng mag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tinignan kung sino un at nakita kong si alex un.

From: Bii

Asan kana? Bakit hindi kana bumalik? Sabi ni nicko nag punta kalang daw ng restroom pero bakit hindi kana bumalik? Pumunta kami don pero wala ka.

Basa ko. Gusto ko sana siyang replyan at sabihin na hinila lang ako ng kalabaw nato at pinunta sa dko alam na lugar kaso wag nalang kasi wala naman akong load huhuhu.  Tinago ko na yung cellphone ko sa palda ko. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse ay ng bumukas ito at bumungad saakin ang muka ni clark
"Ano pang ginagawa mo jan?" inis na tanong niya pero dko siya sinagot at bumaba na. At nilibot ang tingin ko sa paligid diko alam kung saan to pero napaka ganda at ang tahimik tulad ng buhay na gusto ko. Hindi naman na sobrang init kasi mag hahapon naman na kaya hindi na masakit sa balat. Nang makakita ako ng upuan na semento ay umupo ako pero agad din akong napatayo. Dahil ang init shit.
"Pffft" napatingin ako kay clark na nag pipigil ng tawa pero inirapan ko lang siya. Tinalikodan ko siya at nag lakad lakad ng konte at huminto at sumandal sa malaking puno at pinikit ang mga mata. Ewan ko pero nare-relax ako. Dahil narin siguro tahimik at mayamaya ay humangin ng malakas ang sarap sa pakiramdam. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nahuli kung nakatingin saakin si clark agad niya rin itong iniwas ng makita niyang tumingin ako sakanya. Humangin ulit ng malakas kaya yung buhok ko ay humarang sa muka ko kaya agad ko itong inalis at ramdam kong may nakatingin saakin pero diko nalang pinansin. napayakap ako sa sarili ko at umupo sa ilalim ng malaking puno. Naka-indian sit ako at may nakita akong maliit na sanga at kinuha iyon at  nag sulat ng kung ano ano sa may lupa.
"Nagugutom kaba?" Agad akong napalingon ng mag salita siya at hindi ko napansin na katabi ko na pala siya.
"Hindi" tipid na sabi ko sabay tingin ulit sa lupa
"Really?" nag nod naman ako ng bilang tumunog yung tiyan ko.
"Pfft" bigla akong nakaramdam ng hiya. Naramdaman kung tumayo siya kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko siyang nag lalakad palayo.
"Hoy, saan ka pupunta?" takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot siguro hindi niya ako narinig hays. Kaya  Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko kanina at nag sulat ng hangul na salita

             *Nae Sarang, Saranghae*

"Ehem" Dali dali kung binura ang sinulat ko at tinignan kung sino yun at nakita kung si clark yun at may dalang mga pag kain at umupo siya sa tabi ko. At nag salita
"Gusto mo?" sabi niya sabay pakita saakin ng pag kain na hamburger. Tumango ako at akmang kukuhanin ko na ng ilayo niya saakin at ngumisi
"Bili ka ng sayo" sabi niya kaya inirapan ko lang siya. Paepal talaga nakakainis. Inis na tumayo ako at akmang mag lalakad naako paalis sa tabi niya ng hawakan niya ang wrist ko dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko. Nilingon ko siya at tinignan ko ang kamay niya sa braso ko. Kaya yung puso ko. Ay lalong nag alburuto sa sobrang bilis. Binalik ko ulit ang tingin ko sakanya at nag salita
"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.
"Saan ka pupunta?" he ask. Tinaasan ko naman siya ng kilay bago nag salita
"wala kang pake" sabi ko at inalis ang kamay  niya sa kamay ko. Ng matanggal ko na ay agad akong nag lakad palayo sakanya. Nagugutom na'ko huhuhu. Epal kasi yung lalaking yun.
"Saan naman kaya ako makakabili?" inis na bulong ko at sinipa ang kahoy na nasa harap ko
"Walang tindahan dito" Hindi na'ko lumingon kasi kilala ko naman kung sino un. Hindi rin ako nag salita. Tumunog nanaman ang tiyan ko dahil nagugutom na talaga ako. Dahil hindi naman ako nag lunch kanina. At hindi rin ako nag breakfast. Mag kaka ulcer naman ako nito tsk. May pag kain pala ako sa bag ko kaso naiwan ko sa room ung bag ko. Huhuhu. Inis na umupo ako at naramdaman kong may tumabi saakin
"Ohhh" nilingon ko siya at may inaabot siya saaking pag kain kaso baka pinag ti-tripan niya nanaman 'ko
"No thanks" sabi ko at binalik ko ulit ang tingin ko sa lupa at dinamo ang nasa harapan kong damo.
"kunin muna" pag aalok niya sabay abot saakin ng hamburger pero tinitigan ko lang.
"No thanks, baka ikamatay mo pa" sabi ko at akmang tatayo ako ng hawakan niya nanaman ang braso ko dahilan nanaman ng pag bilis ng tibok ng puso ko.
"Dito Kalang" Ewan ko pero parang ang amo ng dating saakin non tataasan ko sana siya ng kilay pero nakita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo kaya hindi ko nalang ginawa at umupo nalang ulit. Nakitang tumayo siya at lumipat sa harap ko. Ngayon ay mag kaharap na kami. Ngayon ko lang napansin na andami niyang dalang pag kain.
"Ahh" sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko.
"Anong ahh?" takang tanong ko sakanya.
"Say, ahh" seryosong sabi niya dahilan ng pag tawa ko ng mahina.
"At bakit naman?" wika ko pero seryoso lang talaga siyang nakatingin saakin. Susubuan niya ba ako?
"Wag ng mag tanong, basta gawin mo nalang" wala naman mawawala kung susundin ko diba? Ginawa ko naman ang sinabi niya at hindi nga ako nag kamali dahil sinubuan niya nga ako.

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos.

*Please Vote*
Thank You Muah :-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now