Chapter 53

331 13 3
                                    

Alex POV.

Nandito kami ngayon sa may cafeteria.
"Trixie" pang aagaw na atensyon ni nate. Ilang araw ko ng napapansin si trixie na walang gana kumain. Daig pa ang broken hearted. Hindi niya kasi aminin sa sarili niya na may gusto din siya kay clark.
"Bakit?" Naawa naako kay trixie dahil nag bago na siya. Nami-miss ko na yung dating trixie na lagi nakatawa at nakangiti. In short nami-miss ko na ang kabaliwan ng babaeng yun.
"Okay ka lang ba? May problema kaba?" Takang tanong ni nate. Lumipat siya ng upuan at tumabi siya kay trixie. Agad namang umiling si trixie at ngumiti. Hindi ko alam pero bakit hindi niya sinasabi kay nate yung problema niya? Siguro ayaw niya lang mag-alala sya ni nate. Ayaw kasi ni trixie na kina-aawaan siya ng ibang tao.
"Rest room lang ako" paalam niya at umalis. Saktong pag kaalis ni trixie ay nakita ko si clark na naka poker face habang naglalakad at kasama niya ang bruhang babae agad akong nakaramdam ng inis. Hindi dahil sa nag se-selos ako sakanila. Naiinis ako dahil sinaktan niya ang kaibigan ko.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa nag tanong at nakita kong si nate yun. Andito pa pala tong lalaking to.
"Oo" i replied.
"Hey!" Agad akong napa-ayos ng upo ng marinig ko ang boses ni nicko.
"Yow!" Nate.
"Asan si trixie?" Taka niyang tanong
"Restroom" maikling sagot ni nate. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya yung puso ko ambilis ng tibok. Di na bago saakin to tulad ni trixie na sobrang manhid. Alam ko na may gusto na ako kay  nicko. Nagiging dumber ako. Kasi pag nag sasalita ako pag kaharap ko siya nau-utal ako.
"Hey alex!" He greated at me. Tinignan ko lang siya at tumango at tumingin nalang sa kamay ko
"Are you okay?" Nag aalala niyang tanong. Nag nod nalang ako. Lalo akong nahulog sakanya dahil sa sobrang ka sweetan niya at caring narin
"Antagal naman ni trixie?" Takang tanong ni nate. Kaya agad akong napa-angat ng tingin.
"Oo nga, saglit puntahan ko lang" sabi ko sabay tayo.
"Sama" wika ni nate kaya nag nod nalang ako.
"AKO rin" seryosong saad ni nicko. Ewan ko kung bakit may diin ang sinabi niyang AKO. Napailing nalang ako at umalis na sa may pwesto namin. Mayamaya ay najarating na kami ng restroom dahil babae lang allowed don ako lang pumasok don. Pag pasok ko don walang tao tinignan ko rin isa isa ang cubicle pero walang tao. Kaya agad akong lumabas
"Wala siya" bungad ko sakanila. Saan siya nag punta?
"Saan siya nag punta?" Ayan din ang tanong ko sa isip ko. Agad ako nakaramdam ng kaba ewan ko kung bakit.
"Tara hanapin na natin siya" saad ko tumango naman silang dalawa. Buti nalang at walang klase kay may oras kami para hanapin siya
"Trixie!" Sigaw ko. Nag hiwalay hiwalay na kaming tatlo para mas madali namin siya mahanap.
"Trixieeee! Asan ka?!" Sigaw ko kahit nag mumuka na akong tanga dito wala akong pakialam. Mayamaya ay nakita ko si clark na naglalakad at kasama si HIGAD at ang GAGA naka hawak pa sa braso ni clark. Agad kong nilapitan si clark at sinampal na ikina-gulat ni venice pero si clark ganon parin ang muka niya naka poker face parin.
"How dare you!" Sigaw ni higad at akmang sasampalin niya ako ng unahan ko siya.
"Wag mo nga ako ma how dare you jan!" Sigaw ko sakanya. Nakita ko sa muka niya ang gulat hindi ako katulad ni trxie na hahayaan lang akong apihin.
"Hoy!" Inis na sigaw ko kay clark pero cold niya lang ako tinignan
"Pag may nangyaring masama kay trixie, ako makakalaban mo!" Sigaw ko sakanya. Tinalikoran ko na sila dahil kung hindi ako makapagpigil baka makapatay ako.
"Anong sabi mo?" Seryosong tanong niya. Kaya humarap ulit ako sakanila at ngayon ay hindi na naka kapit ang higad sa braso niya at seryoso lang nakatingin saakin si clark at hindi narin siya naka poker face. Tsk
"Ang s----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita ulit siya
"And so?" Naging poker face ulit ang expression ng muka niya. Kaya di ako nakapag pigil ay sinampal ko siya.
"Wala ka ba talagang pakialam sakanya?!" Inis na sabi ko
"Wala" tipid na sagot niya
"Wala ka naman palang pakialam eh haha, nag sayang lang ako ng oras dito. Pero sinasabi ko sayo pag may nangyaring masama sakanya papatayin kitang hayop ka" galit na sabi ko sakanya.
"Hoy babae makadikit ka naman kay clark daig mo pa yung isang ALINTA sa sobrang dikit mo sakanya. Ay ALINTA KA PALA" sabay turo ko kay Higad slash alinta na si venice. tsk. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko
"Anong sabi mo?" Inis na sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay
"Bingi kaba o nag bibingi-bingian ka lang? O baka naman nasaktan ka?" Sarcastic na sabi ko nakita ko sakanya na namumula na siya sa galit pero nginisihan ko lang siya.
"How dare y--" hindi na niya natuloy dahil inunahan ko na siya.
"Gusto mo ba talaga ng gulo bitch? Sige di kita pipigilan" sabi ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Sinampal ko siya ng kaliwa't kanan. Napahawak siya sa pisngi niya na ngayon ay namumula na
"Hindi ako yung babaeng nag papa-api lang kaya wag ako ang kalabanin mo, bitch!" Sigaw ko sabay tulak sakanya dahilan ng pag upo niya. Ngayon ko lang napansin na marami na palang student na nanonood saamin. Akmang aalis na ako nang sugurin ako ni venice at sinabunutan ako. Syempre di ako nag patalo.
"Gusto mo pala ng war?higad" nakangising sabi ko
"Ang hina mo naman slut!" Sabi ko sakanya.
"Wala kang karapatan para sabihin yan!" Sigaw niya saakin habang nag sasabunutan kami nang biglang may umawat saamin
"Tama na nga yan" awat ni nicko habang nakahawak sa bewang ko at si nate naman ay pinipigilan si venice.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni venice kay nate pero hindi siya sinunod ni nate.
"Ano ba!, bitawan mo nga ako at maipakita ko sa babaeng to ang hinahanap niya!" Sigaw ko kay nicko.
"Sabi ng TAMA NA EH!" sigaw ni nicko. Pasalamat talaga yang higad na yan yung taong mahal ko ang uma-awat saamin. Oo mahal ko na si nicko.
"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya at kumawala kay nate
"Talaga!" Sagot ko sakanya. Binalingan niya muna ako ng masamang tingin bago siya umalis. Napa buntong hininga nalang ako. At humiwalay kay nicko
"okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni nate pero nag nod nalang ako bilang sagot.
"Bakit  ba kayo nag away?" Takang tanong ni nate pero diko siya sinagot. Di na ako nag abalang ayusin yung sarili ko. After a minute ay hinanap ulit namin si trixie at ngayon ay mag kakasama na kaming tatlo sabi ni nicko baka mapa-away nanaman ako kaya sabay-sabay nalang kami mag hahanap kay trixie. Nang biglang tumunog yung cellphone ni nicko pero hindi ko nalang yun pinansin kahit na curious ako kung sino yun.
"Fuck" agad kaming napatingin sakanya

A/N: Sorry for grammitical errors and typos

*Please Vote*
Thank you muah:-*

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now