Chapter 31

369 24 0
                                    

Ps: Update Again!! :)

"May problema kaba?" nag aalalang tanong ni alex pero umiling lang ako para sabihin na wala akong problema at okay lang ako
"Sure ka?" paninigurado niya kaya nag nod naman ako.
"Ay napipi na'ta si bespren" nandito pala si nicko dko namalayan
"Loko hindi, may iniisip lang" sabi ko at hindi parin ginagalaw ang pag kain ko
"Ano naman yon?" Takang tanong ni alex. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi
"Ano kasi....." pag bibitin ko. Nag tatalo ang utak at ang isip ko dahil sabi ng isip ko na wag ko sabihin pero yung utak ko sabihin ko. Hayss
"May nag text kasi saakin..... Kanikanina lang" paninimula ko
"Sino?" curious na Tanong ni alex habang si nicko ay seryoso lang na nakikinig
"Dko kilala, unknown eh" sagot ko sa tanong ni alex
"Ano sabi?" seryosong tanong ni nicko. Bumuntong hininga muna ako bago nag salita
"kung gusto ko daw mabuhay ng matagal.... Kelangan ko daw layuan si clark" halos pa bulong kong sabi kasi iniisip ko palang nalalayuan ko siya may parte saakin na nasasaktan ako na para bang hindi ko kaya. Pag sinasabi ko ang salitang layuan siya parang may tumutusok sa puso ko ng isang malaking karayom. Ewan ko pero bakit ko yun nararamdaman.
"fuck sh*t!" napatingin ako sa nag mura at nakita kong si nicko un at mukang galit na galit at hindi mawawala sa muka niya ang bahid ng pag aalala. Tinignan ko rin si alex at pati siya ay nag aalala saakin. Pero nginitian ko lang sila para ipakita na okay lang ako
"Kelangan malaman ni Nash at clark to" Sabi ni Nicko. Wait? Kelan pa sila naging close ni kuya? Weyt a minute alam niya ba na magkapatid kami dko naman sinabi sakanya. Nalalong gumulo ang isip ko.
"Nash? You mean Nash Villamar?" pag kukumpirma ko nag nod naman siya. Mag sasalita pa sana ako ng unahan ako ni nicko. "Sasagutin ko lahat ng gumugulo sa isip mo kung ang iniisip mo ay Pano? At kelan? Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon, pero ang masasabi ko lang mag ingat ka at layuan mo muna si clark" seryosong sabi niya. Hindi ako sumagot kasi dko alam ang dapat kong isasagot. Pag katapos namin kumain ay bumalik na kami sa kanya kanya naming room hanggang sa matapos ang klase ay wala parin ako sa sarili dahil sa kakaisip. Umuwi naako ng bahay at dumeretsyo na sa kwarto ko at ni lock ito. Bakit ang gulo ng araw nato? Una. Kanina nakita ko si Nate tapos dko alam pero iba ang kutob ko at parang may mali sakanya. Pangalawa. Nakita ko si nicko at alex na mag kasama. Hindi naman sa maissue ako pero parang may something sila na hindi sinasabi saakin. Pangatlo Yung nag text sa'kin. Sino ba kasi yun? Pang-apat. Paano nakilala ni Nicko si kuya nash? At last Bakit kailangan niyang sabihin kay clark. Hayss ang gulo gulo ng araw nato. Pagod kong hiniga sa kama ang katawan ko at nakaramdam ng antok kaya hinayaan ko na ang sarili ko makatulog..

Kinabukasan ay nag text saakin si ate katelyn pero dko binasa yung text niya dahil gulong gulo parin ung utak at isip ko. Nandito ako ngayon sa bahay dahil weekend ngaun. Mayamaya ay may nag door bell kaya tamad na tumayo ako palabas ng kwarto at pagbaba ko ay agad kong binuksan ang pinto at nanlaki yung mata ko nong makita ko kung sino yung nakatayo sa harap ng pinto
"Ateeee kateellynn!" masayang sabi ko at sabay yakap sakanya. Natawa nalang si ate sa ginawa ko
"Wahhh ate i miss u huhu" saad ko. Humiwalay naako sa pag kakayakap at inanyayaan siya pumasok dito sa loob.
"Asan si tita?" tanong ni ate katelyn ng makapasok na siya sa loob.
"Wala eh, may business" tipid na sabi ko. Nag nod naman siya. Marami pa kaming pinag usapan ni ate katelyn. Mayamaya ay nag paalam na siyang uuwi na siya kaya hinatid ko na siya sa gate
"Byeee, ate" paalam ko sakanya nag nod naman siya ng makaalis na siya ay isasara ko na sana yung gate ng may kamay na humarang at nakita kong kamay yun ni clark
"bakit ka nandito?" takang tanong ko sakanya pero tinulak niya lang ang gate kaya bumukas ito at hindi ako sinagot. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay. Aba nakalimutan niya atang hindi nila to bahay. Agad kong sinara yung gate at pumasok sa loob ng bahay
"Hoy, trespasing ka!" sigaw ko sakanya ng makapasok na'ko sa loob ng bahay. At aba naka higa pa siya sa sofa. Ano to feel at home? Kapal!
"Hoy, Kalabaw lumayas ka nga dito!" sigaw ko sakanya. Tumingin siya saakin ng masama at nag salita
"Sinong kalabaw ha?!" Inis na sabi niya.
"Sino pa ba? Edi ikaw!" inis na sigaw ko sakanya. Tumayo naman siya sa pag kakahiga at dahan dahan lumapit saakin
"Pa'no kong ayaw ko?" nakangising sabi niya habang nag lalakad siya papalapit sa'kin kaya sya naman ang atras ko
"Alis na kasi! Wala dito si kuya!" Sigaw ko lalo naman siyang napangisi. Ano naman ang iniisip ng lalaking to?

"-_-" ako
" ....."
"-_-"

hanggang sa wala na'ko maatrasan. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa gilid ng ulo ko. Tinulak ko naman siya dahil malakas siya dko siya nagawang itulak papalayo saakin. Tinitigan niya ako sa mata at hindi naman ako nag patalo sa pakikipag titigan sakanya. Bumilis ng bumilis ang pag beat ng puso ko. Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko na kaya. Para akong nilalandi ng mga mata niya. Hinawakan niya ang chin ko. Para iharap sakanya. Ewan ko pero Lalong bumilis ang tibok ng puso ko parang anytime pwede ng mawala sa kinalalagyan nito.
"Look at me" mahinahon na sabi niya pero dko parin siya tinitignan. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa'kin at bigla siyang napatingin sa labi ko at tumingin ulit sa'kin papalit palit ang tingin niya. Hindi ko na malayan na sobrang lapit na pala ng muka namin sa isa't isa.
"Look at me" ewan ko kung tama pag kakarinig ko. Totoo ba? Na malambing niyang sinabi ang salitang look at me? This time napatingin ako sakanya. At nag kurba sakanyang mga labi ang isang ngiti. Ngiti na napakatamis. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at dahil sa sobrang bilis nito ay parang gusto ng umalis sa kinalalagyan nito. Nilapit niya ang muka niya saakin at 3 inch nalang ay mahahalikan niya na ako. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa labi niyang red. Hindi yung  red na red basta yun. At napatingin ako sakanya at konti nalang ay lalapat na ang mga labi ng may marinig kaming nag uusap usap sa labas kaya agad siyang napalayo saakin.
"Shit" bulong niya. Pero hindi ko nalang siya pinansin at  nag punta sa kusina dahil nagugutom na'ko.

Ps: Sayangg hahah charr

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos

*Please Vote*
Thank You Muah :-*

The Nerdy GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя