Chapter 55

334 17 4
                                    

ps: na miss ko mag ud hihi, pero mas miss ko kayo ayieee

Trixie POV.

Naalipungatan ako kaya dahan dahan kung minulat yung mata ko at nanlaki yung mata ko nang mapansin ko na nasa kwarto naako at umupo ako sa pagkakahiga. Hindi kaya panaginip lang yun? Hindi eh parang totoo. Mayamaya ay bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon at niluwa niya si nicko, nate, alex, kuya. Agad na lumapit saakin si alex at niyakap ako. Diko alam pero parang may hinahanap yung mata ko. Humiwalay saakin si alex bago nag salita
"Kung hinahanap mo siya, wala siya dito" nilakahan ko siya ng mata pero kumunot lang ang noo niya. mukang di niya nakuha kaya binulungan ko siya.
"Anjan si kuya bunganga mo girl" inis na sabi ko pero tumawa lang siya kaya ako naman ang kumunot ang noo
"anong nakakatawa?" inis na sabi ko pero di niya ako pinansin. tsk. Bigla nanaman siya pumasok sa isip ko at naalala lahat ng sinabi niya. Talaga bang iniiwasan niya naako? Ayaw ko ng tumanga-nga dito gustong gusto ko na siya makausap. Hindi ko na talaga kaya.
"Trixie, okay ka lang ba?" Napatingin ako ng mag salita si nicko nag nod nalang ako at ngumiti. Bukas na bukas at kakausapin ko na si clark.
"Hey, parang wala ka sa sarili mo? May masakit ba sayo? Sinaktan kaba nila? dadalhin kana ba namin sa hospital?" Sunod-sunod na tanong ni nate. Umiling lang ako. Agad naman siyang lumapit saakin at akmang yayakapin niya ako ng biglang
"ehem!" Tikhim ni kuya pero hindi pinansin yun ni nate at niyakap ako.
"Nandito siya" bulong niya kaya agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Humiwalay siya sa pag kakayakap at tinignan ko siyang nag tataka.
"Huh?" Takang tanong ko. Pero kinindatan niya lang ako at umupo siya sa  may gilid ng kama ko.
"Payakap ulit?" Hindi pa ako nakakapag salita ng niyakap niya ako ulit.  mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako este kaming lahat doon at nakita ko si clark ang bumukas non. Yung puso ko. Jusko. Humiwalay sa pag kakayakap saakin si nate. Tinignan ko siya pero ngumiti lang siya
"See?" Si clark pala yung tinu-tukoy niya pero paano niya nalaman?  Diko namalayan na nasa harap ko na pala si clark kaya yung puso ko nag aalburuto sa sobrang bilis ng tibok. Seryoso siyang nakatingin saamin ni nate. Hindi ko ikakaila na miss ko siya. I miss him, i miss her voice, shit i really miss him. hindi ko alam kung bakit miss na miss ko siya. parang gusto ko siyang yakapin pero may pumipigil saakin. Kailangan ko na talagang malaman ang nararamdaman ko sakanya.  Ilang segundo lang kami nag katitigan ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya hindi agad ako nakapag react agad. kaya yung puso ko parang gusto ng umalis sa pwesto nito
"I miss you" hindi ko alam kung guni guni ko lang yun pero ansarap sa feeling. Ilang minuto kaming ganong posisyon bago siya humiwalay sa pagkakayakap. nakatingin lang ako sakanya at diko alam kung ano sasabihin ko. Hindi pa nag si-sink in saakin ang nangyari nang yakapin niya ulit ako
"Ehem" pekeng ubo ni kuya. pero etong si clark ay nanatiling nakayakap saakin. humiwalay na siya sa pagkakayakap at seryosong nakatingin saakin. nanatili lang akong tahimik *Diba trixie gusto mo siya makausap? anjan na siya sa harap mo* sabi saakin ng isip ko.
"Pwede bang iwan niyo muna kami? mag uusap lang kami" seryosong sabi ni clark habang nakatingin saakin bago siya lumingon kila kuya kaya napatingin din ako.
"Bakit? pwede naman kayo mag usap na nandito kami ah?" seryosong sabi ni kuya.
"halikana nga kuya nash" pagyaya sakanya ni nate pero sinamaan lang siya ng tingin
"sabi ko nga ayaw mo. sabihin ko nalang kay ate katelyn na mag mahanap nalang siya ng iba HAHAHAH." tawa lang ng tawa si nate bago lumabas ng kwarto kaya nakita ko sa muka ni kuya ang inis
"Hoy nate! Gago! bumalik ka dito!" sigaw ni kuya at lumabas. mukang affected pa si kuya. napangiti nalang ako. mukang may gusto pa siya kay ate kate hihihi. ngumiti muna si alex bago sila lumabas ni nicko at sinara ang pinto. dalawa nalang kami ni clark ang natitira sa kwarto. gusto ko siyang tanongin kung bakit naging cold siya saakin netong nakaraan at gusto ko rin malaman kung totoo bang gusto niya ako. pero hindi ko magawang mag salita para akong na pipi bigla.

"trixie?" paninira niya sa katahimikan. Pero nanatili parin akong tahimik *Hey trixie diba gusto mo siya makausap?* pag uulit ng isip ko.
"okay kalang ba?" nag aalalang tanong niya pero nag nod nalang ako bilang sagot.
"Sorry" malungkot na sabi niya dahilan ng pag kanot noo ko.
"saan?" sawakas nakapag salita din ako.
"Everything" he said. gusto ko mag salita pero parang may pumipigil saakin kaya tumahimik nalang ako. seryoso siyang nakatingin saakin nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon. grabe yung puso ko sobrang bilis ng tibok yung akala mo nakikipag karera sa mga kabayo.
"Sorry dahil iniwasan kita, sorry dahil hindi kita pinapansin, sorry akala ko ang pag iwas ko sayo ang solusyon para mawala na ang nararamdaman ko sayo pero mali ako. maling mali ako dahil nong mga panahon na nakikita kita na may kasamang iba nasasaktan ako. oo nasasaktan ako pinipilit ko sarili ko na sugurin yung lalaking un. sorry din dahil  sa akin umiiyak ka. Oo nakita kita na umiiyak nong iniwan ka namin ni venice sa harap ng restroom. gusto kitang puntahan at humingi ng tawad pero fuck! lumapit sayo si drew at niyakap ka. alam mo bang gusto ko siyang suntukin ng mga panahon na yun? dapat ako yun eh. pero wala eh ako din naman ang naging dahilan kong bakit ka umiyak nong araw na yun. at higit sa lahat sorry dahil wala ako sa tabi mo nong nasa panganib ka. Sorry trixie. kahit anong iwas ko sayo ikaw at ikaw parin laman neto." sabay turo niya sa puso niya. diko alam pero bigla nalang bumuhos lahat ng luha ko. Diko din alam kung anong sasabihin ko sa mga sinabi niya dahil na speechless ako. pinunasan niya ang mga luha ko na dumadaloy ngayon sa may pisngi ko.
"shshsh don't cry, nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak" he said. At niyakap niya ako. ewan ko feeling ko eto na ang pinaka magandang araw sa buong buhay ko.

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos

We loves you babies :)

Please Vote
Thank You Muah :-*

The Nerdy GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora