Chapter 48

305 14 2
                                    

Ps: Ewan ko kung bakit hindi sunod sunod yung bawat chapter, anyareeeee? Dko alam kung may nakapansin. Pero ayos lang yan tuloy lang sa pag ud. And stayyyy safe everyone❤

Trixie POV.

Pag katapos nila akong ayusan ay nag apir silang tatlo at sabay sabing
"Perfect" nakangiti silang tumingin saakin.
"Ang ganda niya" rinig kung sabi ng kasama nila pero dko na pinansin dahil alam kung hindi naman ako yun. Mayamaya ay inikot na nila ang upuan ko at hinarap sa may salamin. Nanlaki yung mata ko ng makita ko ang reflection ko sa may salamin.
"Ang ganda" bulong ko sa sarili ko. Kahit na inayusan ako ng Ms. Chi-LA noon ay nagulat parin ako sa kinalabasan nito. Hindi ako makapag salita dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Akmang kukunin ko na yung salamin ko ng pigilan ako ng jaja
"Wag mo ng isuot yan" naka-ngiting sabi niya.
"p-per--" hindi na nila ako pinatapos dahil nag salita ulit siya.
"Mag contact lense ka nalang" naka-ngiting sabi niya.
"Pwede mo naman itago yang malaki mong salamin if may memories yan at mahalaga sayo yan." dagdag niya pa. Nag nod nalang ako. Binigyan nila ako ng contact lense na kasing kulay lang ng mata ko. Na medyo may pag ka brown. Sinuot ko na ito agad. Kaya ng masuot ko na ay namangha ulit ako ng makita ko ulit ang muka ko dahil ang ganda. Malayo sa dating ako.
"Oh isuot mo nga pala to" singit ni ms. Chi-La. Kaya napalingon ako sakanya at may inabot siya saakin na isang paper bag. Tinignan ko lang yung paper bag at tumingin sakanya.
"Bakit po?" takang tanong ko sakanya.
"Sabi ng kaibigan mo pag katapos ka namin ayusan ay ipasuot daw namin to sayo" nakangiting sagot niya sa tanong ko. Kinuha ko na yung paper bag habang hindi tinitignan ang laman nito at tinanong ko kung saan pwedeng mag bihis at tinuro naman niya kaya nag punta na ako don. Pag bukas ko ng paper bag ay may laman na isang light pink na dress. Nilabas ko na yung damit sa paper bag at sinuot ito. Napa *Wow* nalang ako ng makita ko ang sarili ko sa may salamin.
"Ang ganda" manghang sabi ko sa sarili ko.
"Ako ba talaga to?" takang tanong ko sa sarili ko. Btw Cinurly nila yung buhok ko. Tas binawasan nila yung kilay ko at inapplyan nila ako ng light make-up at erong suot kong damit ay bumagay sa ayos ko. Mayamaya ay Narinig ko mula dito ang boses nila alex at nicko at mukang hinahanap na nila ako. Tinitigan ko muna yung sarili ko sa may salamin bago ako lumabas. Pag labas ko ay nakita ko si alex at nicko na nakatalikod saakin at kausap nila si ms Chi-LA.
"Oh, anjan na pala siya" sabi ni ms Chi-LA. Dahilan ng pag-lingon nila saakin. Nakita ko sa muka ni nicko ang gulat at ganon rin kay alex. Si alex nanlaki yung mata si nicko naka-nganga haha
"Hey" pag aagaw ko ng atensyon nila.
"Asan?" takang tanong ni nicko habang nililibot ang mata niya.
"Sino?" takang tanong ko
"ms Chi-LA, sabi mo anjan na wala naman ih" parang batang sabi ni nicko. Napatingin ako kay alex at ngayon ay nakangiti na siya saakin at mukang nag sink in na sakanya ang pag babago ko. Agad siyang lumapit saakin at niyakap
"Biii!" tili niya kaya natawa nalang ako sa inasal ni alex.
"Alex" tawag sakanya ni nicko kaya humiwalay siya saakin at tumingin siya kay nicko
"Bakit?" takang tanong ni alex.
"Sino yan? Asan na si trixie?" takang tanong niya. Muka ngang hindi niya ako nakilala napatingin si alex saakin at tumabi sa gilid ko
"Eto" nakangiting sabi niya sabay hawak niya sa braso ko.
"Yan?" takang tanong niya nag nod naman si alex pero kumunot lang ang noo ni nicko habang nakatingin sa'kin.
" Alex, hindi siya yan, may malaki siyang salamin sa mata at manang yun tapos ampan---" bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay lumapit na ako sakanya at syaka siya sinapak.
"Ako nga to! Ang kulit mo talaga kahit kelan" inis na sabi ko sakanya.
"paano ako maniniwala?" tanong niya. Habang hinihimas ang braso niya kung saan ko siya sinapak.
"EWAN KO SAYO!" inis na sabi ko at sabay labas na ng salon. Bahala nga siya don ayaw niya maniwala di wag. Pag kalabas ko ng salon ay nag lakad lakad ako hanggang sa maka punta ako ng mall. Pag pasok ko ng mall ay maraming tumi-tingin saakin at may narinig din akong mga bulungan.

"Ang ganda niya"
"May bf na kaya siya?"
"nakakatomboy yung ganda niya"
"Ang swerte ng magiging bf niya"

Rinig kong mga sinasabi ng mga nadadaanan ko. Sumakay ako ng scalatur para maka punta ng second floor. Andon kasi yung mga pag kain pero dahil wala akong pera tatambay lang ako haha at syaka may seven eleven din (7/11) dito. Pag tungtung ko ng second floor ay may naririrnig na naman akong bulungan habang nakatingin saakin. Hindi na negative ang mga naririnig ko di tulad ng dati.

"Uyy pre chix" b-1
"Ang ganda, bro" b-3
"Jowain ko na kaya?" b-2
" blahhh blahhh blahhh"

Nakaka panibago lang kasi na ganyan na ang tingin nila saakin. Papasok na sana ako  sa may seven eleven ng may nakabangga saakin. Kaya napa upo ako dahil sa sobrang lakas ng pag kabangga niya saakin.
"Sorry" Nakita ko na inaabot niya yung kamay niya pero hindi ko kinuha
"Kaya KO" sabi ko sabay tayo. Habang hindi siya tinitignan. Nakayuko lang ako at pinagpagan ang suot kung damit. Nang mapagpag ko na ay inangat ko yung tingin ko at nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino yun.
"clark?" takang tanong ko pero kumunot lang ang noo niya. Pati rin ba siya hindi niya ako nakikilala?
"excuse me, you know me?" takang tanong niya. Nginitian ko lang siya at hindi sinagot ang tanong niya. Ganon na ba kalaki ang pinag bago ko kaya hindi nila ako nakikila? O sadyang Oa lang sila? Hayss. Tinalikoran ko nalang si clark dahil kahit sabihin kong ako to hindi rin siya maniniwala. Dahil ang kilala nilang trixie is PANGIT. Oo tanggap ko na pangit ako kaya hindi na problema saakin yun.
"Trixie?" taka niyang tanong kaya napaharap agad ako sakanya na may gulat sa muka. Akmang mag sasalita ako ng unahan niya ako.
"Oh sorry miss, malabong ikaw si trixie dahil ang pangit pangit nun" sabi niya. See? Biglang kumulo ang dugo ko sa lalaking to. Inirapan ko nalang siya at umalis. Dahil uminit ang ulo ko ay hindi na ako pumasok sa seven eleven. Naisipan ko nalang na bumaba ulit mayamaya ay nasa 1st floor na'ko at lumabas na sa may exit pag kalabas na pag labas ko ay nakita ko si alex at kasama niya si nicko at mukang hinahanap nila ako. Hindi naman sa assuming pero parang ganon narin hihihi nang makita nila ako ay agad silang lumapit saakin..

.........  

A/N: Sorry For Grammitical Errors And Typos

The Nerdy GirlWhere stories live. Discover now