Ms. Prim&Bratty

26.2K 468 4
                                    

SWAN

"Xen naman please samahan mo na ako sa mall" sabi ko sa bff ko habang hinahatak yung polo shirt nya andito kami ngayon sa room nya since magkapitbahay lang kami at halos sabay kaming lumaki kaya super welcome ako dito at ganun din sya sa bahay namin.

"Swan alin ba ang mahirap sa sinabi ko na ayaw ko?" sabi nya sabay balik sa binabasa nyang book , well, his kinda a bookworm.

Kristina Swan Rodrigues here, but everybody call me Swan, 18 years old na ko and I'm a 3rd year college taking up architecture design sa High Land International School, which by the way classmate ko ang lalaking ito ginagaya nya ako kasi idol nya ako hahaha sa tingnin ko lang naman, nagtataka kayo bakit 3rd year na ako kasi nung bata pa ako sabi ng teacher ko hindi ko na daw kailangan mag-kinder 2 kaya nag-kinder 1 lang ako then grade 1 na kaya napaaga ako ng isang taon.

"Kapag hindi mo ako sinamahan hindi rin kita tutulungan kay Danny" pananakot ko sa kanya I won't take NO for an answer, some say na napaka-brat ko daw bahala sila opinion nila yun, si Danny yung friend namin na super crush nya pero tingin ko hindi lang crush baka super love kasi sabi nya she is the one daw, cynical for love noh? nililigawan nya si Danny kahit na laging busted, ewan ko ba kay bff ang kulit din eh.

Sa totoo lang wala kasi yung driver namin and tinatamad ako magdrive kaya ko sya kinukulit na samahan ako medyo panget kasi ako magpark ng sasakyan,knowing na maraming sasakyan sa parking lot ng mall for sure mahihirapan ako or worst makakasabit na naman ako ng sasakyan ng iba ang hirap kaya magpark.

Napansin ko na binaba nya yung book nya "tara na".

Oh ha? sabi ko na nga ba makukuha ko lahat ng gusto ko by hook or by crook hindi pwedeng hindi, yan ako medyo bumait na nga.

Nagulat ako ng bigla syang tumigil at lumingon sa akin kasi naman ang lapit na nya sa akin naaamoy ko yung hininga nya sa totoo lang kahit hindi matangkad si bff gwapo sya as in,bakit kasi hindi na lang ako ang nagustuhan nya, napalunok ako kasi napatingin ako sa lips nya "basta yung kay Danny ha!" sabi nya bigla bago tumakbo pababa ng hagdan nila.

Ang gwapo nya, yung face nya ang kinis mahihiya yung pores ko sa pores nya tapos ang talino nya pa any girl would fall for him? siguro kahit ako, weeehhh parang binoboyfriend mo nun ang kuya mo,sabagay masyado kasi namin kilala ang isa't isa eh, pero may times na tinatanong ko sarili ko baka crush ko sya pero walang sign eh pero andun yung minsan naiilang ako natural lang siguro yun kasi naman babae ako at lalaki sya.

"Swan bilisan mo na!" sabi nya mula sa ibabang bahagi ng bahay nila kaya nagmadali na rin ako sumunod sa kanya.

==================================

@The mall

"Bakit pa kasi ako ang isinama mo dito!?!??" maktol nya sa akin.

"Mabait ka kasi" sabay ngiting pusa.

"Nasan ba ang kuya mo?" sabi nya na hindi man lang natuwa sa sinabi ko.

Ay oo nga pala my kuya ako Si Enrico Jose Rodrigues 25 years old na sya my isa pa akong kapatid dati pero wala na sya wag na natin pag-usapan pa muna yun nakakalungkot eh, si kuya ang nag-ma-manage nang ilang resort namin sa batangas at laguna, yung parents ko kasi nasa construction business sila...partners in life partners in business ang peg nilang dalawa....but sadly now it's only business...well I am just trying to live the life I have right now ayoko maging bitter about it.

Hindi ko na pinansin pa si Xen basta nagenjoy na ako sa pagpili ng kung anu-anu tapos magtatanong kay ate sales lady kung my size ba ganito, my kulay ba ganyan, fit dito fit doon ciempre weekend ngayon dapat i-enjoy habang masaya ako si Xen parang boyfriend na nakabuntot lang sa akin kinikilig ako ng konti ciempre ang gwapo ba naman ng kasama ko eh.

"Xendong bayaran mo na ah" sabi ko sa kanya nung nasa counter na kami.

Kunot noong tumingin sya sa akin "anu ba naman yan ayoko!".

"Ah ganun? sige kalimutan mo na kung hindi dahil sa akin hindi ka makakalabas dun sa imburnal na pinaghulugan sayo nung mga pilyong kalaro mo nung bata pa tayo" sabi ko habang pinapalungkot ko yung boses ko nakita ko na lang na nagaabot na sya ng card sa cashier.

Ang sweet!

Nung bata pa kami dahil nga kapos sa height si Xen pinag-kaisahan sya ng mga kalaro nya tinulak sya at nalaglag sa imburnal ako naman nun naglalakad kasama yung dog ko na si Hamed (shitzu) natakot ako nung una kasi akala ko nagsasalita si Hamed at humihingi ng tulong yun pala si Xen na nasa imburnal kaya ayun tinawag ko yung mga tanod at tinulungan sya since then naging bff na kami.

Dala yung mga pinamili ko lumabas na kami ni Xen ng mapadaan kami sa isang malaking clothing store tingin ko ito ang pinakamalaking store dito sa mall DRESS UP ang name ng store halata mo na mamahalin yung mga binebenta nila familiar ako sa brand nila since isa sila sa pinakasikat but I never had nor try one of their clothes.

Mula sa labas kita mo na agad yung pang-sosyal na ayos ng store nila mula sa interior,lights at sa ilang furniture nakadisplay din yung ilang design nila mula sa casual hanggang sa mga elegant suits and gown.

Natutuwa ako tumingin tingin mula sa labas then parang movie nagslow-mo.

I saw her...uso pa ba ang dyosa ngayon?at sa mall pa? she is so classy yung pag-galaw ng fingers sya habang kausap yung receptionist ng store,yung magulong bun ng hair nya, yung eye glasses nya na bumagay sa kanya not in a nerdy way... her presence screams of beauty, naka-maong pants lang sya na medyo bitin at fitted and naka-polo na blue nakatupi yung sleeve nya hanggang siko, kahit medyo malayo her nose is so pointed but her eyes....she look so lonely

Nagulat ako ng bigla sya tumingin sa akin gosh nakita nya ako pinapanuod ko sya baka kung anung isipin nun ah, nagmamadali kong hinila si Xen.

"Anu ba?ba't nagmamadali ka?" nagtatakang tanong nya sa akin "akala ko papasok ka dun sa store"

"ah eh mainet nauuhaw ako" sabi ko na lang ramdam ko yung pagpintig ng puso na para bang nagmamarathon

"Malakas ang ac naiinitan ka pa rin" asar ni Xen.

"Tseh dami mong alam lika na kumain tayo"

Biglang nagutom ako kay Ms.demi-god, pinagpapawisan ako at kinakabahan ganito rin yung naramdaman ko nung kay Mr.Sinen yung science teacher ko nung highschool ako na super duper crush ko...oh my could she be my first ever girl crush???

My Hottie Blast From The Past (completed)Where stories live. Discover now