Ouch

17.2K 410 19
                                    

SWAN

I keep on running keep on running and nothing works...I can't get away from you

I keep on duck'n keep on talking and nothing helps...I can't stop missing you...

Kanta ko habang naliligo ako.... this song describe how I feel for "my" Pear... bakit ba isip ko ito at sa isip ko akin sya...

Walang kokontra!.

I can't help but remember the other night.

"Umuwi ka na kasi late na" sabi nya while not looking at me.

But I did not move ayoko pa umuwi kasi gusto ko pa sya kasama anyway magpapanggap na lang ako nagaarange ng mga receipt nya at folder nya.

"Hoy binge ka ba???".

"Ayoko pa umuwi tsaka over time na lang para makabawas sa utang ko" pagdadahilan ko.

Sukat dun pinaltok nya ako ng pencil nya "you stupid!!!you are so lame!".

"Bakit ka ba nagagalit???" sabi ko habang pinupulot yung pencil nya.

Hindi sya nagsalita.

Haaaaayyyy ang sexy at hot nya kahit mukhang pagod...yung leeg nya parang sarap amuyin...

"Amuyin kaya kita" oh fuck anu bang nasabi ko.

"Wwwwhhhaaatttt????" salubong na kilay nya "namemeste ka naman umuwi ka na! kasi wala ka over time pay!".

"Ok lang basta kasama kita Andrea" kibit balikat ko.

Tumalikod sya sa akin "pagod ka na ba magtrabaho sa akin?" halos pabulong na nyang sabi.

Umupo ako sa table nya at ginalaw-galaw yung paa ko na parang bata "I won't stay kung pagod na ako" then I sigh "ciempre I wanna be with you".

Awkward silence...

"Umuwi ka na Kristina" her voice with so much coldness.

Haayyy kelan kaya ako mananalo sa kanya I grab my bag "sige kung yun ang gusto mo" lumabas na ako ng office nya hanggang makarating ako ng lobby iniisip ko sya.

"Ma'am bukas po my sasakyan na po kayo?" nagulat ako sa tanong ni manong guard.

Kakamot kamot sa ulo si manong "para mag-reserve po ako maluwang na parking para sa inyo ako din po kasi duty ng hapon bukas".

Ahe...yun pala yun "manong baka po wala kasi my problema yung sasakyan ko eh kaya taxi lang ako".

Tapos nagpaalam na ako medyo madilim ang daan...I checked my watch 10pm na pala...

Naghintay ako sa sakayan ng mga taxi pero wala pa...30minutes na wala pa rin...

May tumabi na binatilyo sa akin hindi ko tingnan pero hinigpitan ko ang hawak ko sa bag ko...

Maya-maya tumutunog yung cellphone ko hindi ko mailabas kasi natatakot ako tinanaw ko yung entrance ng building medyo malayo din eh...

Ayoko maging praning pero nakaka-praning ng konti...naka-cap yung lalaki at nagyoyosi pa.

Nagsimula ako humakbang palayo ramdam ko parang sumunod sya sa akin.

Next thing I knew may sasakyang bumubusina sa amin ng lumingon ako wala na yung lalaki...

Galit na boses ni Pear ang narinig ko "stupid ka talaga!!! bakit di mo sinabi na wala kang sasakyan!!!".

Nagulat ako kasi bigla nya ako niyakap.

"Next time sabihin mo kung wala kang sasakyan ihahatid kita".

Naaamoy ko sya parang narelax ako at nawala na yung takot na kanina lang nararamdaman ko...

Isinakay nya ako sa sasakyan nya bago sya umikot para sumakay din...

"Why are you sooooo stupid??? may ginawa ba sya sayo??? I mean yung guy kanina?" bakas na ng pagaalala yung boses nya "bakit di mo sinabi sa akin na wala kang sasakyan?".

"Hindi mo naman kasi tinatanong" sabi ko at sa daan na ako tumingin...

There goes that silence between us...

Hanggang makarating kami sa tapat ng bahay namin...

"Thanks" akmang bababa na ako when she grab me...

And pull me closer to her...nagulat man pero ramdam ko yung mga boltahe sa tyan ko.

"If something goes wrong you tell me...anything kesa mapahamak ka" bulong nya...

Bumitaw sya "sige na pasok ka na at magpahinga".

Natapos ako maligo at nagmamadali na akong magbihis for sure usok na ang ilong ni Xen sa paghihintay.

I just wear my snoopy t-shirt na my hoodie at maong shorts and my doll shoes ipanema.

"Ang tagal mo" sabi agad ni Xen.

"Sus! dami pa sinasabi halika ka na at tatalunin pa kita table hockey!"

===============================

AT THE MALL

Nagmamadali kaming pumunta sa worlds of fun at bumili ng mga tokken.

"Na-miss kita bff sorry kung lagi ako busy ha?" minsan talaga naguguilty ako kasi wala akong time sa kanya.

"Don't worry alam ko naman yun" sabi nya na halos walang mata sa pag smile nya.

"Gutom na ako halika na kain tayo".

"Hmpft talo ka lang! sa bbq tayo ha" sabi ko at yumakap sa braso nya akala siguro ng makakakita sa amin my relasyon kami.

Nakapila na kami ni Xen ng napatingin ako sa isang pwesto at nagtama yung mata namin...

Pear...

Ewan ko pero parang napaso ako at bumitaw sa braso ni Xen.

Tumayo si Pear at lumampas sa harap ko.

" Xen c.r. lang ako ha?" sabi ko bago sumunod sa kanya.

Pagpasok pa lang ng banyo.

"So feeling mo maganda ka sa suot mo!".

Nagtatakang tumingin ako sa kanya "panget ba?".

Hindi sya sumagot pero tinitigan nya lang ako mula ulo hanggang paa.

"Andrea naiilang ako...kung panget ako ok lang...sino yung kasama mo?" lakas loob na tanong ko kahit my idea na ako kung sino.

"Si Tei".

Hindi ko alam pero I felt jealous...sabi nya may meeting sya yun pala date...

"Akala ko my meeting ka yun pala date" hindi ko napigilan sabihin sa kanya.

"Eh anu naman kung my date ako eh ikaw din naman" taas kilay na sabi nya "i have to go".

Hinawakan ko ang braso nya "Andrea are you jealous?".

Tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya.

"Why should I??? para ka lang pusang dikit ng dikit sa akin!" sabi nya bago umalis.

Para ka lang pusang dikit ng dikit sa akin.

Paulit ulit ko yun naririnig.

Ang sakit pala...

Yun ang tingin nya sa akin.

I thought we have something.

I thought we're good.

Ako lang pala nagiisip nun.

Napansin ko umiiyak na lang ako.

Ouch yun Pear Andrea Yuzon!.

My Hottie Blast From The Past (completed)Where stories live. Discover now