Secrets Of Siblings

17K 402 37
                                    

SWAN

After that incident sa c.r. pinunasan ko ang luha ko alam ko naghihintay si Xen at yoko masira yung araw namin pareho.

Nagdahilan na lang ako na dumating yung monthly period ko kaya nag-aya na ako umuwi.

Nakahiga ako sa duyan sa garden namin iniisip ko bakit nya nasabi yun? ganun nga ba ako sa kanya? I just wanted to be close to her kahit mahirap ok lang...

Hindi dahil sa pabor na ginawa nya na kailangan ko bayaran but because I want to be near her...I really wanted to see her happy and I want to be the reason for that happiness.

Parang my force ng gravity na nagtutulak sa akin gawin ang lahat para lang mapalapit sa kanya...there is the loneliness in her eyes na gusto ko mawala...the coldness in her voice na gusto ko baguhin...her tough act that I wanted to take care of...

Hindi ko mapigilan maluha na naman dahil  sa impact ng sinabi nya, over the line yun oo masakit sya magsalita kung panu nya ako kausapin na parang nabili nya ako most of the time I found it funny pero this time bumaon sa puso ko yun.

Naabutan ako ni kuya lumuluha.

"What the f*ck may nanakit ba sayo???"natatarantang hinatak nya ako patayo.

Oo kuya sa puso "wala kuya" tipid na sagot ko.

Sinipat nya ako "tell me the truth?is someone try to make pass on you?".

"Kuya naman wala talaga" sabi ko na medyo ngumuso pa ako kasi ang kulit din naman nya nasisira ang moment ko.

Niyakap nya ako "oa ako na kuya I get it is just that I promise to Kuya Jordan's grave na hindi ikaw ang pambayad utang nya".

Naupo sya sa duyan at tinabihan ako...

"Kuya tingin mo binabantayan tayo ng kuya?" sabay hilig sa balikat nya.

"Hindi" natatawang sabi nya "knowing kuya baka nagsasabong yun kasama si San Pedro".

Nagkatawanan kami pareho, kuya Jordan is older to me ng 10 years and older to kuya Enrico by 3 years sa totoo lang hindi sila close sa isa't isa nagkakasundo lang sila pag ako na yung usapan I must say ako ang princesa nila.

Kuya Jordan is the black sheep pero iniiwasan yun ipaalam sa akin siguro dahil in my eyes he is my hero above all lagi ako inuuna ni kuya. To me he is a different person sobrang caring at sweet he never let his friends got close to me.

"Alam mo ba kung anu talaga kinamatay ni Kuya?" biglang tanong ko kay Kuya Enrico.

Huminga muna sya ng malalim "pwede bang napagod na sya huminga? kaya namatay sya?" biro nya sa akin.

Pabirong sinuntok ko sya sa braso "kuya naman...I never buy yung reason na inatake sya ng asthma" yun kasi ang sabi ng parents namin " and perhaps I'm old enough to accept it".

"He died because of multi drug overdose sorry for keeping it from you  yun kasi ang gusto ni dad as a respect kay Kuya Jordan he made them feel a failure as parents" napansin ko kung ganu kalungkot yung boses ni Kuya Enrico.

For a while tahimik kaming dalawa, parang pareho namin naaalala ang imahe ni kuya.

Ako naiisip ko si kuya Jordan hindi ako makapaniwala sa narinig ko but still he is a good brother to me... and in my head iisipin ko na lang that he passed away dahil sa asthma.

"Now tell me why are you crying?" sabi nya while poking my nose.

Namula ako sa tanong nya nahihiya ako...

"Uhmm"sabi ko while closing my one eye "I like someone tapos ayun nagkapikunan kami".

"Do I know that someone?" .

Oo naman ex mo kaya yun!!!hahaha hindi ko napigilan matawa sa isiping iisa ang type namin magkapatid nga kami "hindi kuya" sabi ko na lang "but soon nakikilala mo rin sya" ulit.

"How is it working with Pear?" anu kaya itong kuya ko si boy abunda? interview portion lang hindi ako magtataka if maglalabas sya ng magic mirror.

"Ok lang...kuya why did you broke up with her?" kasi kung ako ikaw hindi ko sya bibitiwan kahit anung mangyari.

"Because i'm not really in love with her..."

"Kuya ang gwapo mo ha!" asar ko sa kanya.

"Rodrigues toh eh!" natatawa nya rin sagot sa akin "siguro kasi before naibigay ko na ang puso ko sa iba kay Nickz but at that time girlfriend sya ni kuya Jordan".

"Wwwwhhhhhaaaatttttt????? girlfriend ni kuya Jordan si Nickz???" hind ako makapaniwala sa naririnig ko akalain mo may secreto pala kami kahit super close namin obvious ba hindi mo nga maamin yung kay Pear sa kuya mo eh.

"Oo" sabi nya habang tinatakpan yung bibig ko "gigisingin mo pa ang kahit bahay sa ingay mo eh".

"Oh tapos???"

"Nasasaktan ako nun kasi mahal ko si Nickz yet di ko masabi sa kanya dahil nga kay kuya pero nung maging kami ni Pear I knew it, si Nickz talaga at nung gabi na dinala ko si Pear dito inamin ni Nickz na mahal nya rin ako".

Malamya ang ngiti ko "kaya idinahilan mo na ayaw ko si Pear para sayo?di ba duwag ang tawag dun kuya?".

Inakbayan nya ako "sorry...kung nadamay ka".

too late...kuya...

"If my chance I will say sorry to her...".

"Maybe its too late" bulong ko...

Dahil hindi utang ni kuya jordan ang binabayaran ko kundi utang mo...

"It's better late than never" bulong nya din.

"Ang drama ng buhay noh?" sabi nya sa akin...

Tumayo na ako "matutulog na ako kuya...atleast you have your happy ending kuya...di gaya ko...di gaya ng kuya Jordan".

Hindi maiwasang pumatak ang luha ko...

Kung pusang dikit ng dikit ang tingin nya sa akin then I'll be glad to prove her right.

Didikit ako ng didikit sa kanya.

Until she can't live without me.

Until all the pain that Kuya Enrico caused her,paid off...

Kahit puso ko na ang madurog maging buo lang ulit ang kay Pear...

Why Swan???.

Because...

Just because...

My Hottie Blast From The Past (completed)Där berättelser lever. Upptäck nu