She Know

18.7K 423 8
                                    

SWAN

"Tita Ava sorry po kanina nagulat po yata si Andrea sa akin" masayang bati ko sa mama nila matapos kong takbuhan si Pear mula sa taas.

Ngumiti yung mama nya sa akin "ganun talaga yung batang yun mana sa papa sya halika ka na upo ka dito at kumain"

Maya-maya bumaba na si Andrea she is like a goddess in flesh her hair very tidy in a pony tail style she is wearing her eye glasses na black and pink no make up yet ang ganda nya talaga sabihin na natin na pinaghalong lucy torres,kristine hermoza at bea alonzo ang dating nya oh di ba demi-god lang.

Fitted pink jeans ang suot nya at maluwag na checkered red polo...

"Ehem!" halatang napansin nya ang panunuri ko sa kanya.

"Tita ang hot po ng anak nyo noh?" masayang sabi ko sinadya ko sya iparinig kay Pear.

"Hoy anung pinagsasabi mo!" asar na boses nya haaayyy Pear oh Pear kinikilig ako sa boses mo kahit laging galit.

"Ciempre hija mana sa mama nya" natatawang sabi ni Tita Ava kaya natawa din ako hindi maitatanggi kung kanino nagmana si Pear sa senior demi-god.

"Mama walang nakakatawa!" seryosong sabi ni Pear nung maupo sya sa tapat ko.

"Your friend is funny" sabi pa ni tita na hinampas ako ng konti sa braso.

"Oo naman tita fri---''

" Your not a friend!you're my peasant!" sabi nya with matching bagsak the kutsara.

"PEAR ANDREA!" nagalit din yung mama.

Anu bang pamilya ito masyadong magagalitin  ah...parang gusto ko lumubog sa inuupuan ko...

"Sorry" nakita ko kung panu humigpit yung hawak nya sa kutsara "ma aalis na kami ng friend ko".

"Mag-ingat kayong dalawa ha!"habol pa ng mama nya.

Yun lang at hinila na nya ako ng makarating sa sasakyan nya pasalampak na ipinasok nya ako na parang bag lang nya ako ah...

"Alam mo masakit din yung ginawa mo!" sabi ko nung makapasok sya sa kotse at hinimas ko yumg braso.ko na medyo namula.

Pero hindi sya nagsalita at pinaandar yung sasakyan...

Haaayy ang tahimik naman kaya kinuha ko na lang yung ipod ko.

"say you love me say you love and put in a love song" hindi ko napigilang sabayan yung pinakikinggan ko.

May humatak ng headset ko.

"stop that!!!!" galit sa sabi nya.

"say you need me say you need me then write it-----" tinitigan nya ako ng parang papatayin na nya ako kaya naman parang pusang tinago ko yung ipod ko.

"Wala ka bang pasok ngayon" she asked not looking at me.

"Ehe bakit interesado ka?" kinikilig na tanong ko pero nawala ng sinaksak nya ako ng tingin nya

"Sumagot ka maayos kundi ililigaw kita na parang pusa!".

"Wala" pero ang totoo meron minor subject lang naman kaya hindi ko na pinasukan kasi...anu...yung kasi... uhm yung mata ko lalo...yung puso ko gusto sya makita...

"Good" inopen nya yung stereo ng car and what a coincidence same song nung kinanta ko...she began tapping her finger on the steering wheel...

"Better sing wag mo na pigilan" nakasmile kong sabi sa kanya ang cute nya pero ng humarap sa akin mala-conjuring na yung mata nya.

"sabi ko nga ako na lang ang sasabay... if you say you want me, yeah, You say you want me If you do the right thing, we can be together----"

all of a sudden she shut off the stereo.

"Bakit mo in-off?" nakangusong sabi ko.

"Masakit sa ulo ang boses mo isa pa nagagalit na yung singer kasi hindi na daw makapagsolo!" seryosong sabi nya.

"Eh hindi naman talaga solo yang song na yan dalawa kasi silang kumakanta" paliwanag ko.

"Stupid! peasant natural alam ko! pang duet lang song wag ka na sumabay ugly you!" iritado na boses nya.

"You're always grumpy" hindi ko napigilan "buti pa kay tita Ava nag-sorry ka pero sa akin never pa kahit na lagi mo akong inaapi"

Umirap lang sya at nanahimik na lang ako.

Dumaan muna kami sa isang branch nila at kinuha yung mga gamit na kailangan.

May pinuntahan kami personal client nya same like the others model actor naman this time.

Set up dito.

Set up jan.

Bihis ng damit...fit ng damit...

Until maubos ang 2hrs namin.

"Here" inabutan ko sya ng tubig tiningnan nya muna ako bago inabot yung water.

"Inumin mo alam ko uhaw ka na" napansin ko kasi kanina pa sya hindi nakainom ng water dami kasing artista sa photo shoot na ito pero alam ko naman kung ganu kalaki ang bayad sa kanya dito.

"Ok na ba gamit natin? gusto ko na umuwi" sabi nya na parang inep na inep.

"Kain muna tayo" hila ko sa mangas ng polo nya.

"kumain ka na lang sa buffet" .

"Ayoko gusto ko tayong dalawa lang" kagat labi kong amin sa kanya.

"Ok".

"Really???" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oh ayaw mo?" sabi nya habang naglakad ng palayo sa akin.

Nilagay ko yung gamit sa likod ng sasakyan then sumakay na ako.

"Thanks God It's Friday" sabi nya pa.

Wow happy yata sya niyaya ko sya kumain nagpasalamat pa kay papa God pero teka di ba?? "An--Pear wednesday pa lang ngayon ah" sabi ko.

"Stupid!I know!".

"Eh bakit sabi mo friday?".

"Yun yung name ng kakainan natin" ah..shet akala ko nawawalan sya ng sense of time pag kasama nya ako...asa much Swan??? bakit masama???.

Nakarating kami sa resto at mabilis lang kaming kumain sabi nya my appointment pa daw sya at hindi ako pwede sumama gusto ko sana kulitin at sumama kaso baka iwan na naman nya ako...

inihatid nya ako sa bahay.

"Baba ka muna"sabi ko.

"Deh bale na oh bumama ka na at wala ka naman na hinihintay" asar na naman yung boses nya.

"Walang goodbye kiss???".

She roll her eyes with sooo much asar "get out!".

"Oo na" bumaba na ako at naglakad palayo ng bumusina sya kaya lumingon ako sa kanya.

Binaba yung bintana sa tapat ko.

"Hey!don't lie to me!!! alam ko na my class ka today!!! next time na gawin mo yun ibibitin kita ng patiwarik! kaya ko yun alam mo yan!and.....SORRY".

Mabilis nyang pinaandar yung sasakyan.

Tulala akong pumasok ng bahay.

"Hi bunso" bati ni kuya.

"Kuya kurutin mo nga ako baka nanaginip ako" kinurot nya ako at hindi ako nagising totoo yung nangyari...

Niyakap ko sya bago tumakbo paakyat sa room ko.

Nagsorry sya...sa akin...oo sa akin...

Hindi ko napigilan.

Mahiga sa bed ko yakap si mr.teddy.

"aaaayyyyyyiiiiiieeeeeee"

My Hottie Blast From The Past (completed)Where stories live. Discover now